"Dude, gumising ka na!" Naalimpungatan siya nang may sumampal sa kaniya kaya naman mabilis siyang napabangon. "Tulog ka nang tulog. Ni hindi mo man lang kami sinalubong!" Si Samaniego ang namulatan niya at may hawak-hawak itong dalawang baboy na stuff toys at isang unggoy. "Ano 'yan?" tanong niya na ang tinutukoy niya ang tatlong stuffed toys na hawak nito. "Regalo ko 'to sa kasal niyo," anito. "Ito para kay Hope," turo nito sa malaking baboy na stuffed toy. "Ito naman doon sa anak mong biik tapos itong unggoy para sa iyo." inismiran niya ito dahil hindi pa nito ginawang tatlong baboy. "Oh, baka magtampo ka pa? Eh, 'di ba naiiba ka naman talaga?" "Salamat sa regalo mo, ah? Nakakataba ng puso." "Dapat lang! Si Hope at saka 'yong anak mong biik nandoon na sa labas tapos ikaw nandito pa

