"Hija, kumusta ka na?" tanong ni Tita Margarita sa kaniya nang maiwan sila nito sa kusina. Nahuli kasi itong kumain dahil nga kausap ito ng mga magulang niya kanina. Sina Kazimir, Nicholai, Genesis, at Francis naman ay magkakasama sa garden at nagpaplano sa nalalapit nilang kasal. Ang daddy ni Kazimir ay kausap ang mommy at daddy niya habang inililibot ang mga ito sa hacienda nila. Si Kaizer ay karga-karga ni Nicholai dahil ito raw ang dahilan kaya ito pumunta rito sa lugar nila. "Ayos lang po, Tita," magalang niyang tugon. "Kayo po kumusta na po?" "Ayos naman ako, Hija. Alam mo bang hanap kami nang hanap sa iyo no'ng umalis ka sa bahay ni Kazimir noon? Halos mabaliw ang anak ko sa kakahanap sa iyo noong umalis kaya nang magkita kayo ulit ay laking pasasalamat ko talaga." "Pasensiya

