KABANATA 4: BIHAG NG PAGPAPANGGAP

2228 Words
SA BAWAT BUHOS ng malamig na tubig na mula sa shower, doon ko na kinuha ko ang pagkakataon na humagulgol. Sa pagkakataong iyon, sigurado akong walang makaririnig sa akin. Maliban sa malakas ang buhos ng tubig na mula sa shower, binuksan ko rin ang gripo para punuuin ang timba. Ayaw ko lang marinig ni Ambrose ang hinagpis ko na siya ang dahilan. Ayaw kong maging masaya siya na napaamo niya ako. Sa paglabas ko ng banyo, sisiguraduhin ko na hindi na niya ako makikitang luluha. Ibibigay ko sa kanya ang lahat. Susunod ako sa lahat ng gusto niya. Dito sa loob ng banyong ito, dito ko lang ibubuhos ang sakit na nararamdaman ko. Umupo na ako sa inidoro para gawin iyong inutos niya sa akin na mag-ahit. Inabot ko na ang shaver sa lalagyan nito at agad pinaandar ito. Ito ay isang electric shaver Sinimulan ko na ang pag-ahit. Napangiti na lang ako nang maalala si James. Siya ang gumagawa nito sa akin sa tuwing magkasabay kaming naliligo. Katulad nang sabi ko, ganoon siyang klaseng lalaki. Kahit ang mga bagay na kaya kong ako lang sana ang gumawa, ginagawa niya para sa akin. Sa napansin ko, isa iyon sa love language niya sa akin–act of service. Kahit aminado akong hindi ko mahal si James, hindi ko maipagkakaila na namamangha ako sa ipinapakita niyang pagmamahal sa akin. Kaya panay dasal ako na sana magkagusto ako sa kanya. Pero hindi talaga nangyari iyon dahil nga nakikita ko lang ang ama ko sa kanya. Napabuntonghining na ako. Napagtanto ko lang na kailangan kong magpokus sa ginagawa ko at baka masugatan ako. Ilang minuto ang lumipas, natapos na ako at muli na akong naligo. Pagkatapos, agad na akong lumabas. Sinigurado ko talaga na mabuti na ang mukha ko. Walang bakas na halos umiiyak lang ako rito. Katulad nang sabi ko kanina, ayaw kong makita niya ang hinagpis ko. Napataas ang kilay ko nang makitang nakatihaya siya sa kama nang wala pa ring saplot habang hawak ang isang libro. Abala siya sa pagbabasa nito. Imposibleng may immunity sa lamig ang taong ito? Napakaginaw ng kuwarto, pero wala lang itong epekto sa kanya. Napahawak siya sa p*********i niya sabay lingon sa akin. Ibinaba niya ang libro na hawak at umayos ng upo. Isinandal niya ang likuran sa kama. “Take off the towel you're wearing. I just want to see your body without any clothing,” aniya. Hindi na ako sumagot at sinunod na lang ang gusto niya. Nakita ko ang paglapad ng bibig niya nang makita ang katawan ko. Inilagay ko muna ang tuwalya sa gilid at saka dumiretso sa cabinet. Binuksan ko ito at kumuha ng damit at boxer shorts niya. Nilingon ko si Ambrose. “Maluwag sa akin ang boxer shorts mo.” “Just wear panties for now. My clothes are long anyway. I’ll just have you buy some tomorrow.” “What about my skin care? Hindi mo naman siguro hahayaan na magiging losyang ako,” sabi ko. “Just write down everything you want, no matter what it is.” Napatango ako. “Salamat.” Ilang minuto ang katahimikan, bumalik ako sa kama kahit hindi niya ako tinawag. Umupo ako sa gilid niya kahit labag ito sa kalooban ko. Gusto ko lang itanong sa kanya ang tungkol sa pera na ipapadala niya sa pamilya ko. Gusto kong malaman kung paano niya gagawin iyon. “Ambrose,” sambit ko sa pangalan niya. Napatitig lang siya sa akin at hindi man lang sumagot. Sa tingin ko, hinihintay niya lang kung ano ang sasabihin ko. Napatikhim ako. “Tungkol pala roon sa pera. Paano mo ipapadala iyon?” “Someone's coming to your house,” sagot niya. “Paano ko masisigurado na totoo ang sinabi mo? Pakiusap, kahit dito man lang, maging totoo ka. Gusto ko lang masigurado ang kaligtasan ng pamangkin ko.” “I’ll show you the picture once they’re at your place.” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi pala dapat sila makunan ng larawan. Paano kung masali si Miguel? Paano kung makita ito ni Ambrose? Mas magiging magulo kung malalaman niyang may anak kaming dalawa. Sigurado ako na gagawin niya ang lahat na makuha ang anak namin sa akin. Ibinalik ko na sa kanya ang tingin ko. “Kahit huwag na pala. Muntikan ko ng makalimutan na may isang salita ka pala. Katulad noong unang gabi natin, nangako kang dagdagan ang bayad sa akin nang malaman mong birhen ako. Itinupad mo talaga iyon. Salamat pala roon at nabago nang kunti ang buhay ko.” Napangiti siya. “You’re amusing, huh? You’re really good at fooling me.” “Kung ayaw mong maniwala, problema mo na iyon.” Pinatong ko ang kumot sa p*********i niya. “Takpan mo muna iyan at baka malamigan ka.” “Don’t you want me to get sick?” tanong ni Ambrose. Napatango ako. “Oo.” Ipinatong ko ang kamay ko sa hita niya. “Ayaw kong magkasakit ang taong nagbigay sa akin ng pag-asa nang panahong lugmok ako. Lalo pa ngayon na tutulungan mo akong gamutin ang pamangkin ko.” Napatawa siya nang malakas. Tila tuwang-tuwa siya sa mga pinagsasabi ko kahit alam niyang sinasabayan ko lang siya. Hindi ko maipagkakaila na siraulo talaga siya. “Because you amuse me, I’ll let it slide. I’ll allow you to rest for now,” aniya. Nagkasalubong ang mga kilay ko, hindi makapaniwala. “Seryoso ka ba sa pinagsasabi mo?” “It seems like you don’t want to. I’ll just take back what I said––” “H-Hey! Oo na. Naniniwala na ako.” Napabuntonghininga ako at dahan-dahan na bumaba ng kama. “Pwede na ba akong magdamit?” Napatango siya. “Get me something to wear.” Napakunot ang noo ko at agad ng umalis. Pagdating ko sa tapat ng cabinet, hindi ko mapigilan na mas mapakunot pa ang noo. Naguguluhan lang ako. Bakit kaya hindi siya nagalit sa akin? At natuwa pa talaga siya sa ginawa ko? May sayad kaya ang lalaking iyon? Ang weirdo! Napabuntonghininga ako sabay bukas ng cabinet. Sa nakita ko, mas mabuti talagang susundin ko na lang ang lahat ng gusto niya para wala ng gulo. Para iwas na lang din na masaktan niya ako nang pisikal. Nang makuha ko na ang mga damit na susuotin naming dalawa, bumalik na ako sa kama. Ibinigay ko iyong sa kanya at nagbihis na lang din ako sa harapan niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa paa. “Your body suits you better now.” Napangiti ako. “Salamat.” Nang natapos akong magbihis, muli akong umupo. Nilingon ko lang siyang habang nagbibihis. Gusto ko lang na sanayin ang sarili ko para maiwasan ko ng mailang sa kanya. Para saan pa at wala naman kaming gagawin dito kung hindi ang magkainan ng laman. “May asawa ka na ba? O hindi kaya anak?” tanong ko. Napangiti siya. “The same question you asked seven years ago.” Nagkasalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nakapagtataka lang na naalala pa niya iyon. Kung hindi niya iyon sinabi, hindi ko maalala. Mabuti na lang din at mataas ang memorya niya. “Para klaro ang lahat. Hindi ko pinangarap maging kabet,” sagot ko. “I am a billionaire who runs a company with over ten thousand employees. Many people depend on me, so I don’t have time to have a family,” paliwanag niya. “Gwapo ka at nasa iyo na ang lahat. Sigurado akong maraming nagkakagusto sa iyo na katulad mong makapangyarihan. Wala kang natipuhan doon? Kahit isa man lang? What about your parents? Hindi ba uso sa inyo ang fix marriage? Hindi ba may ganoong norm sa mga mayayaman?” sunod-sunod kong tanong. Nagkibit-balikat siya. “My mom loves me so much. She’s such a kind person, completely different from me. She’s always there to support whatever I want. She’s not the type of parent who tries to control me...” Mas napangiti siya. “She’s truly nothing like me.” “Daddy mo? Walang say sa life mo?” tanong ko. Nakita ko ang pagbago ng emosiyon ng itsura niya kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. Iniwas ko ang tingin sa kanya sa labis na takot. Sa pagkakataong iyon, nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. Hindi ko maipagkakaila na dahil ito sa tanong ko sa kanya. Napabuntonghininga na lang siya at agad na lumabas ng kuwarto. Napahawak ako sa dibdib ko at marahan na hinihimas ito. Kinakabahan lang talaga ako sa nangyari. Mabuti na lang ay napigilan niya ang sarili niya. Pero bakit biglang nagbago ang ugali niyang nang magtanong ako tungkol sa ama niya? Posible kayang magkaaway sila? Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. Napagtanto ko lang na hanggang hula na lang talaga ako sa kanya. Wala akong alam sa kanya maliban sa pangalan niya. Kung gugustuhin ko man siyang hanapin sa internet, hindi ko rin magagawa dahil wala akong anumang gadgets na pwedeng gamitin. At alam ko rin na hindi niya ako hahayaan na makahawak nito. Pumunta ako ng balkonahe para magpahangin. Gusto ko lang na tumuyo ang buhok ko bago matulog. Kaya habang basa pa ito, dito lang muna ako. Lumapit ako patungo sa dulo ng balkonahe at tiningnan ang ibaba ng mansion. Sa napansin ko, sa bawat sulok ng bahay, may mga nagbabantay. Iniisip pa ba talaga nila na tatakas pa ako matapos pagbantaan ang buhay ng pamilya ko? Mga siraulo talaga silang lahat. Malamang kung tumakas ako, hindi pa ako nakauwi sa bahay namin ay may masama ng mangyayari sa pamilya ko. Alam ko na ganoon ang mangyayari kaya mas mabuting dito na lang ako. Pero hindi ko rin naman hahayaan na rito na lang ako habambuhay. Siguro mag-iisip na lang ako ng paraan kung paano ko matutumba ang lahat ng nandito sa lugar na ito. Wala akong ititira sa kanila. Pero sa ngayon, kukunin ko muna ang loob nilang lahat. Magpapakabait ako. Kailangan kong magpanggap—unti-unti, natural, at hindi halata. Maaaring paabutin ko muna ng isa o hindi kaya dalawang linggo. Maging nonchalant muna ako sa ibang tao rito, pero kay Ambrose, magiging malambing ako. Nakikita kong natutuwa siyang ganoon ako. Ilang minuto ang lumipas, napalingon ako sa loob ng kuwarto namin nang marinig kong may bumukas ng pinto. Sigurado akong si Ambrose iyon kaya nagmamadali akong bumalik sa loob. Napatingin ako sa kanya nang umupo na siya sa kama. Paglingon niya sa akin, tinitigan niya lang ako nang walang anumang sinabi. Tipid akong ngumiti. Hindi ako magpapasindak sa titig niya. “Hindi na mauulit,” sabi ko. Napatango siya. “Don’t think about that anymore.” Napabuntonghininga ako sabay lapit sa kanya. Umupo ako sa gilid niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kanang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko at minamasahe ito. “Patawad muli. I’ll be careful next time,” sabi ko. “I understand. You don’t know anything about my life,” aniya. Napataas ang kilay ko. Siguro kung magkaroon ako ng impormasyon sa buhay niya, sigurado akong may malalaman akong kahinaan niya na pwede kong gamitin. Kung makukuha ko rin ang loob niya, panigurado na maging bukas siya sa akin. Sana lang dumating ang araw na iyon. Mangyayari iyon kung gagalingan ko sa pagpapanggap ko. Umayos ako ng upo. “Pwede ba akong lumabas?” Napalingon siya sa akin. “Why?” Napangiti ako. “Gusto ko lang na ipagluto ka.” Nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. “Are you planning to poison me?” Napangiwi ako. “Grabe ka sa akin. Tutulungan mo akong gamutin ang anak ko tapos iyon ang igaganti ko sa iyo?” “You have a child?” tanong ni Ambrose. Palihim kong kinurot ang hita ko at agad nagpokus. Hindi niya dapat makita sa mga mata ko ang gulat sa tanong niya sa akin. Ang ginawa ko, nginitian siya. “Anak ang turing ko kay Miguel. Abala kasi lagi si Kuya sa work niya para nga makaipon ng pera pangbili ng mga maintenance ni Miguel. Dahil ako ang nasa bahay, ako ang nag-aalaga rito. Mommy nga ang tawag niya sa akin,” paliwanag ko. “Maybe you want me to get Miguel and bring him here,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko. “H-Huwag mong gawin iyon. Kahit mahal ako ng batang iyon, hahanapin niya pa rin ang ama niya at ang mga magulang ko. Ikaw talaga! Ako na lang dito. Mas gusto ko naman na makasama ka.” Napatawa siya. “You’re such an amazing woman, for fooling me.” Niyakap ko ang braso niya. “Sige na, Ambrose. Lulutuan kita. Masarap akong magluto. Ganito na lang, para mawala ang pagdududa mo sa akin, samahan mo na lang ako.” “I’ll stay here,” aniya. Umayos ako muli at hinawakan ang mukha niya. Pinaharap ko siya sa akin at na ngumuso. Sana lang matuwa siya sa itsura ko at hindi mairita. “Paano kung magkakagusto sa akin ang mga tauhan mo? Makakaya mong pag-agawan nila?” tanong ko. Napatawa siya habang nakapikit pa ang mga mata. Sa pagkakataong iyon, hindi ko mapigilan na mapangiti. Natutuwa lang ako ng madiskubre ang posibleng isa sa mga kahinaan niya. Gustong-gusto niya talagang nilalambing siya. “Good job, Helena! You are doing a great job!” sabi ko sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD