NAPATINGIN LANG AKO sa bintana habang iniisip kung bakit hinahanap niya rin ako. Sa bawat pagdaan namin sa mga establisyemento, mas ako naguluhan. Alam niya kayang nabuntis niya ako? At gusto niyang kunin sa akin ang anak ko? Napataas ang kilay ko habang hindi mapigilan na mangilid ang luha sa mga mata ko. Natatakot lang ako na baka tama ang hinala ko.
“Are you not going to say anything to me? I’ve spent years looking for you,” aniya.
Nang tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko, agad ko itong pinunasan. “Dapat ba akong matuwa? Sinira mo ang kasal ko. Ang araw na dapat masaya lang kami ni James.”
Napabuntonghininga ako matapos sabihin iyon. Kung tutuusin, maaaring siya iyong ipinadala ng Diyos para hindi matuloy ang kasal namin ni James. Hindi ko pwedeng kalimutan na ipinagdasal ko iyon kanina. Pero hindi ko kayang magdiwang sa nangyari. Kinidnap niya ako at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Nag-aalala rin ako sa anak naming dalawa. Paano na si Miguel? Hahanapin niya ako. Paano ang chemotherapy niya nang wala ako sa tabi niya?
“Is that really your type? He’s too old for you. It would be preferable for you to be with me. I can provide you with a fulfilling life. I possess greater strength than he does,” aniya.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na hindi ko mahal si James. Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kanya na may parte ng puso ko na masaya ako dahil hindi natuloy ang kasal.
Nilingon ko siya. “Tingin mo lang iyon para sa sarili mo. Just so you know kung sino ka man, James is way better than you. At least siya, marunong lumaban nang patas. Naging kami nang walang sapilitan. Ni hindi niya ako binili para maging parausan lang.” Itinaas ko ang kilay ko. “Hindi katulad ng iba riyan na baka kung sinu-sino lang ang pinapatulan sapagkat nakukuha niya ang gusto niya. Idadaan na lang sa pera dahil walang totoong nagmamahal sa kanya. Ikaw pa naman mentally ill? Walang magtitiis sa baliw.”
Napangiti siya, pero agad din nagbago ang itsura niya. Nakita ko ang inis sa mga mata niya dahil sa mga nasabi ko. Hinawakan niya ang likuran ng leeg ko at marahan na hinawakan ang buhok ko. Inangat niya ang ulo ko para mapatitig sa mukha niya. Wala naman akong nagawa kung hindi hayaan ang kung ano ang gagawin niya sa akin. Natatakot ako sa mga kaya niyang gawin.
“After searching for you for so long, is this how you repay me?” Inilapit niya ang mukha niya sa akin. “What kind of an ungrateful woman,” aniya sabay dura sa mukha ko.
Sa ipinakita niya sa akin, tama lang na itago ko sa kanya ang anak namin. At mabuti na lang talaga na wala siyang alam tungkol dito. Kahit paano, naibsan ang problema na dinadala ko.
Magkamatayan man ay hindi ko hahayaan na ganitong klaseng tao ang kalalakihan ni Miguel. Baka ano pa ang matutunan ng anak namin sa kanya. Baka nga mas may ilalala pa ang ugali niya. Kung papipiliin ako sa kanilang dalawa ni James, mas pipiliin ko si James. Kilala ko si James at alam kong mabuti itong tao. Kumpara sa lalaking nasa tabi ko na sa kama lang magaling. Maaaring sanay siya na makuha lahat ng gusto kaya nagagawa niya ang mga bagay na ganito.
Pinunasan ko na lang ang laway niya na nasa mukha ko at umusog palayo sa kanya. Pero dahil malupit siyang lalaki, hinablot niya ako palapit sa kanya. Nakahawak pa siya nang mahigpit sa isang braso ko.
“Ano ba! Bitiwan mo ako!” sigaw ko.
“Starting now, you are mine. Whether you like it or not, you will follow all my orders,” aniya, puno ng awtoridad.
“Sino ka para sabihin iyan? Unless kung babayaran mo ako. Magpapaangkin ako sa iyo nang buo,” aniya.
Napangiti siya. “You’re still thinking about money, Helena. I took your virginity. I was your first man. If you think about it, I’m already a part of your life. I was one of your ‘firsts,’ and you can’t change that.”
“Iba ang mukhang pera sa nangangailangan ng pera,” sabi ko nang seryoso.
Napabuntonghininga siya. “Okay. I’ll pay for your whole life, because I don’t plan on returning you to your family.”
Nanlaki ang mga mata ko. Paano kung totohanin niya ang sinabi niya? Mukhang siya pa naman iyong tipo ng tao na hindi uso makipagbiruan.
“W-Wala ka nang balak na ibalik ako? Paano ang buhay ko?”
“That doesn’t matter anymore. I am your life now. Since you are mine, you will serve me.”
“P-Pero…”
“You want money, don’t you? I will send money to your family. I will give them a good life. But you, Helena, you will be mine.”
“Kung tatanggi ako sa iyo, ano ang gagawin mo?”
“I will reduce the number of members in your family just to get you to agree with me.”
Wala man lang senyales na tutulo ang luha ko at kusa itong tumulo. Sa mga sinabi niya, parang sinabi niya lang din na wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pumayag sa gusto niya.
“Ang sama mo,” sabi ko. Napakuyom na lang ako sa labis na galit.
Napangiti siya. “Is it wrong that I want to give your family a good life? And besides, I will give you everything you want. Except for your desire to go home. Helena, you made me suffer for f*****g seven years. Now that I have found you, you will pay for all the pain I endured just to see you.”
“Bakit mo ako hinahanap? Ano bang meron sa akin?”
“I want you. No, I love you. For those three nights, I was yours. Many have come before you, but you are different. Only you have made me feel this way,” aniya.
“Mahal mo ako, pero sinasaktan mo ako? Saan ang pagmamahal doon? Alam mo ba talaga ang kahulugan ng pagmamahal?” Iniwas ko ang tingin sa kanya at baka duraan na naman ako.
Hinawakan niya ang ilalim ng baba ko at pinaharap sa kanya. “This is how I express my commitment to someone I wish to share my life with. Whether you want it or not, you have no options. When I desire something, I will go to any lengths to obtain it.”
“Siraulo ka,” sabi ko.
“I guess so,” aniya.
Iniwas ko na ang tingin sa kanya. Nang hinayaan na niya akong lumayo nang kunti sa kanya, nakahinga na ako nang maluwag. Walang tigil naman ako sa pagdarasal. Ihiniling ko lang na sana walang masamang mangyari sa akin. Gusto ko pang makita ang anak ko.
Minuto ang lumipas, naksalubong ang mga kilay ko nang bumungad sa mga mata ko ang malawak na kulay asul na dagat. Habang patuloy na tumatakbo ang sasakyan, walang tigil na sa pagtayo ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa gilid ng pier hanggang sa may nakita akong yate na pamilyar sa akin. Sigurado ako sa kanya ito. Ito iyong yate na sinakyan ko nang dinala niya ako sa lugar niya na hindi ko alam kung saan.
Napabuntonghininga ako. Hindi maaari! Kung tama ang kutob ko na roon niya ako dadalhin sa mansion niya na nakatayo sa ibabaw ng bundok, mahihirapan akong makawala sa kanya. Walang ibang tao sa lugar na iyon kung hindi kami lang at ang mga tauhan niya. May mga kabahayan man, pero sobrang layo na mula sa kanila. Hindi ako makahihingi basta-basta ng tulong.
Huminto na ang sasakyan. Bago pa man siya nagsalita, nilingon ko siya. Sinamaan ko siya ng tingin, pero wala iyong nagawa at napangiti lang siya. Sigurado akong alam niya kung ano ang nasa isipan ko.
“If you will make a scene here, you won’t appreciate the consequen–”
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad na inalay sa kanya ang isang malutong na sampal. Kanina pa ako nagtitimpi sa mga pagbabanta niya. Akala niya siguro ang astig niyang tingnan.
“Pagbabayaran mo ang lahat ng ito,” gigil na sabi ko bago bumaba ng sasakyan. Padabog ko itong isinara.
Nang nasa tapat na kami ng isang yate, nauna na akong sumakay roon. Hindi akong pwedeng tumakas dahil baka may mangyaring masama sa isa sa mga miyembro ng pamilya ko. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon lalo pa at ako ang magiging dahilan. Bilang isang anak, mas gugustuhin ko pa na ako ang mapahamak.
Nang nasa ibabaw na ako ng yate, naghanap agad ako ng kwarto na mayroong aircon. Gusto ko lang malamigan. Hindi lang ako kumportable sa suot kong wedding gown. Sana lang talaga may mga damit ako roon sa mansion ng demonyong ama ng anak ko.
Nang makapasok ako sa isang kwarto, agad kong binuksan ang aircon. Umupo rin ako sa sofa sa tapat niyon. Napalingon ako sa pinto nang pumasok ang demonyo. Ano kaya ang pangalan ng taong ito? Wala ba siyang oras para magpakilala kung sino siya?
Sa totoo lang, ibang pangalan ang pinakilala ko sa kanya noon. Kaya nagtataka ako kung bakit niya ako nakilala. Malaki talaga ang posibilidad na totoo talagang hinanap niya ako. Malayo kami sa lugar kung saan niya ako nakilala. Taga probinsiya ako na nagbabakasakaling makahanap ng magandang trabaho sa isang magandang siyudad. Iyon nga lang, hindi ganoon kadali ang buhay. Dahil mareremata na ang lupa namin na isinangla ni Papa kay James, gumawa ako ng paraan. Sa awa ng Diyos, natubos naman ang lupa kay James gamit ang pera na binayad sa akin ng ama ng anak ko.
“Are you happy now that I’m taking you to the place where we were happy?” tanong niya.
Napataas ang kilay ko. Hindi ko maitatanggi na sobrang gwapo niya talagang nilalang. Para siyang isang modelo na madalas makita sa mga magasin. Ipinagpasalamat ko na lang din na nakuha ni Miguel ang mukha nito sa kanya. Sa oras na makita niya si Miguel, sigurado akong masasabi niyang sa kanya talaga ito.
“Nagpapatawa ka ba? Tinanong mo pa talaga ako nang ganyan matapos mo pagbantaan ang buhay ko at ang mga buhay ng pamilya ko?” inis na sabi ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Saan kaya siya humuhugot ng lakas ng loob para tanungin iyon sa akin?
“I promise, you’ll only be hurt at first. Like I said earlier, I’ll give you a good life.”
“Hindi ko hinahangad iyon,” sagot ko.
“Really? Why did you marry James?”
Napakunot ang noo ko. “Mahal ko si James.”
Napangiti siya. “Okay, keep pretending.”
“Maiba ang usapan, total wala naman akong takas sa iyo, totohanin mo ba iyong pangako mo? Papadalhan mo ba ng pera ang magulang ko?” Iniwas ko ang tingin sa kanya. “May sakit ang pamangkin ko. Kailangan nila ng pera para sa bata.”
Napatango-tango siya. “First, you sold your honor to get back the land your father had lent to James. You probably also used James to pay for your nephew’s medical treatment. I thought I would judge you, but then I remembered how fresh you were the night I took you. I realized you were only doing this for your family. It’s amazing. Maybe I love you even more now.”
Napataas ang kilay ko. “Hindi ko kailangan ang pagmamahal mo.”
“You do. I keep my promises, Helena. When I say I will provide your family with financial support, you can trust that I mean it. In fact, I am Ambrose Riley.”
Hindi ko siya sinagot, pero natutuwa akong malaman kung ano ang pangalan niya. Kahit paano, may itatawag na ako sa kanya sa oras na kakailanganin ko siya.
Humiga na siya sa kama at agad na ipinikit ang mga mata. Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko naman mapigilan na mapatitig sa kanyang mahabang mga pilikmata, matangos na ilong, at kulay rosas na labi.
Nang ngumiti siya, napataas ang kilay ko at agad na iniwas ang tingin sa kanya. Ano kaya ang nasa isipan niya? Napakayabang! Akala niya siguro nahuhumaling ako sa kanya. Walang sino man ang magkakagusto sa isang kriminal.