Kring-Kring's POV Habang nakakubli pa rin kami ni Iman ay patuloy pa rin sa pagragasa ang tubig mula sa aking mga mata. Mahina lamang iyon dahil hindi puwedeng marinig ito ni Lourdes. "Huwag kang mag-alala, Kring, nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Hinding-hindi kita pababayaan. Malalagpasan natin ang pagsubok na ito." Habang yakap-yakap ako ni Iman ay tumingala ako sa kaniya. Bagamat may kadiliman nang kaunti ay maaninag ko pa rin sa kaniyang mukha ang kalungkutan din. Ilang sandali pa ay nanatili pa rin kaming nakatingin sa maliit na siwang sa aming pinagtataguan. Titig na titig si Lourdes sa patuloy na pagliliyab ng apoy sa ilalim ng kawa habang tumatawa nang malakas. "Ngayong wala na ang dalawa sa buhay ko, magtago ka nang mabuti, Kring-Kring dahil ikaw na ang isusunod ko. Oh, wa

