bc

Hindi Mo Sinabing Paalam

book_age12+
10
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
tragedy
sweet
bxg
serious
campus
city
highschool
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

Mula sa simpleng paghingi ng yellow pad, sabay na pagkain ng chocolate bread, pakikinig sa iisang earphone, hanggang sa mga tanghali nilang ginugugol sa rooftop, unti-unting naging mahalagang bahagi ng araw ni Bea ang isang taong hindi naman niya planong mahalin.

Pero habang lalo silang nagiging malapit sa isa't-isa, mas napapansin ni Bea ang mga pagbabagong pilit itinatago ni Allen.

Hanggang isang araw, nalaman ni Bea ang katotohanang matagal nang alam ni Allen.

May sakit siya. At nauubusan siya ng oras.

Ngunit mas masakit kaysa sa sakit ay ang katotohanang habang si Bea ay nagsisimula pa lamang mangarap ng kinabukasan nilang dalawa, si Allen ay unti-unti nang naghahanda para sa araw na wala na siya.

Hindi niya sinabi kung kailan siya mawawala.

Hindi niya sinabi kung gaano na kaliit ang natitira nilang panahon.

At higit sa lahat, hindi niya sinabi kay Bea na sa bawat araw na magkasama sila, parang nagpapaalam na siya.

Kung alam mong may hangganan ang pagmamahalan ninyo, pipiliin mo pa rin ba itong simulan?

At kung dumating ang araw na kailangan mo na siyang bitawan...

paano ka magpapaalam sa taong hindi naman nagsabing aalis na siya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Ang Yellow Pad
Tuesday morning. Mainit ang panahon. Nakakairita yung electric fan sa Room 402 ng St. Claire Academy. Paikot-ikot lang yung tunog pero hindi naman lumalamig. “Class, bago tayo mag umpisa, gusto ko’ng malaman niyo na magkakaro’n kayo nang bagong kaklase.” ,wika ni Mrs. Suarez. Napatingin si Bea sa pintuan nang marinig iyon. Nasa gitna na nang ingay ang classroom nang umagang iyon. May ilang nagkukuwentuhan sa likod, habang may nag-aagawan ng upuan sa may bintana, at dalawang lalaki sa harapan na nagtatalo kung kanino itututok ang electric fan. Parang walang nakapansin sa sinabi ng teacher. Hanggang sa may isang lalaking pumasok. “Allen,” tawag ng teacher. “Come in.” Tumigil saglit ang ingay. Pumasok ang lalaki na may dalang itim na backpack. Naka-school uniform siya, pero kapansin-pansin ang hoodie na suot niya sa ibabaw nito. Bahagyang nakayuko ang ulo habang naglalakad papunta sa harapan. “Introduce yourself.” Saglit niyang inilibot ang tingin sa buong classroom. “Tao po ako.” Napabunghalit ng tawa ang buong klase. May napasipol, habang merong inulit ang sinabi nito, ‘tao po ako.’ “Yun lang?” Napataas ng kilay si Mrs. Suarez- pagka ganuong badtrip siya sa umpisa pa lang ng klase ay hindi niya mapigilang agad na mainis. Nagkibit-balikat siya. “Allen po. Transferee.” Mas lalong nag-ingay ang classroom. “Ayiieeeh.” “Hi, Allen.” “Okay. Thank you, Allen.” Bumaling ang teacher sa klase. “Sa bandang likuran may bakanteng upuan. Dun ka na maupo katabi ni Bea.” Napatingin si Bea sa katabi niyang bakanteng upuan. Pagkatapos ay tumingin siya ulit kay Allen. Nagkatinginan sila nang ilang segundo. Tumango lang si Allen bago naglakad papunta sa direksyon. “Hi,” bati ni Allen nang makarating doon. “Hi,” tipid na sagot ni Bea at hindi man lang tiningnan ang bumati. Ibinaba nito ang bag sa tabi ng upuan at naupo. Hindi na muling nagsalita pa. Nawala ang ingay ng klase. Habang ipinagpatuloy naman ni Mrs. Suarez ang discussion na naudlot. “Kung hindi niyo kayang magpasa on time,” sabi niya habang naglalakad sa harap, “huwag na kayong mag-college.” May nagtawanan sa likod. Hindi sumabay si Bea. Tahimik lang siyang nagbukas ng kanyang notebook. Ang ulo ay nakayuko, at ang buhok ay nakatakip sa kalahati ng mukha. Sanay na siyang hindi pansinin. Habang nagpapatuloy ang klase, napansin niyang hindi tumatabi sa iba si Allen kahit ilang beses siyang kinakausap ng mga kaklase sa likod. “Transferee ka talaga?” tanong ng isa nilang kaklaseng babae na medyo nagpa k’yut pa. “Oo.” “Sa’ng school ka galing?”, tanong ng isa pa. “Sa St. Celeste Academy.” “Bakit ka lumipat?” “Lumipat lang.” Napatingin si Bea sa notebook para itago ang bahagyang pagngiti. Maikli sumagot. Pero hindi naman mukhang suplado. Makalipas ang ilang minuto, bumalik sa lesson ang lahat. Tahimik na nagsusulat si Bea habang nagsasalita ang teacher. Paminsan-minsan ay sumisilip siya sa board para kopyahin ang mga nakasulat. Sa tabi niya, tahimik din si Allen. Nakayuko ito sa notebook. Mukhang nagsusulat. “Ok, class. Get ready for the short quiz.” Tapos na pala mag discuss si Mrs. Suarez tungkol sa Rizal. Biglang yumuko nang bahagya si Allen palapit sa kanya. “Bea.” Napatingin siya. “Hmm?” “May yellow pad ka?” Saglit siyang natigilan. “Yellow pad?” “Oo.” Tumingin si Allen sa hawak niyang notebook. “Wala akong dala.” Napatingin naman si Bea sa sarili niyang bag. “Meron.” Binuksan niya ang bag at naghanap. May ilang notebook, ballpen, pencil case at isang maliit na pouch bago niya nakita ang yellow pad na nakasingit sa ilalim. Humugot siya ng isang piraso. “Inaayos ko kasi notes ko dito,” sabi niya habang inaabot iyon. “Isa lang.” Tinanggap iyon ni Allen. “Okay na. Salamat.” Tumango si Bea at muling humarap sa board. Ilang segundo lang ang lumipas bago niya muling narinig ang boses ni Allen sa tabi niya. “Lagi ka bang seryoso?” Napatingin siya rito. “Ha?” “Lagi kang ganyan.” “Ganitong paano?” Itinuro ni Allen ang notebook niya. “Yung nakayuko. Nagsusulat. Tapos parang galit sa mundo.” Bahagyang kumunot ang noo ni Bea. “Hindi ako galit.” “Ah. Mukha lang.” Napatingin siya sa paligid bago muling bumaling kay Allen. “First day mo pa lang. Ang dami mo nang napapansin.” “Wala naman akong ibang gagawin.” “Eh di makinig ka sa teacher.” Sumulyap si Allen sa harapan. “Hindi ko maintindihan.” “Alin?” “Lahat.” Napatingin si Bea sa hawak nitong yellow pad. “Eh bakit ka kumuha ng papel?” “Para kunwari nakikinig.” Hindi napigilan ni Bea ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Napansin iyon ni Allen. “Ayan.” “Ano?” “Ngumiti ka.” Mabilis na bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ni Bea. “Hindi.” “Ngumiti ka.” “Hindi nga.” “Okay.” Muling bumaling si Allen sa harapan, pero may maliit na ngiti sa labi. Hindi na siya pinansin ni Bea. Makalipas ang ilang saglit, hindi pa rin nagsusulat si Allen. Wala pa ring laman ang yellow pad nito. Napalingon siya. “Bakit?” “Wala.” “Eh, bakit hindi ka nagsusulat?” “Iniisip ko pa kung anong isusulat.” “Hindi ba sabi mo hindi mo naiintindihan?” “Hindi.” “Eh bakit hindi ka nagtatanong?” Napatingin si Allen sa kanya. “Pwede?” “Pwede.” Itinuro ni Bea ang nakasulat sa board. “Iyan. Kopyahin mo muna yung instructions.” “Yun lang?” “Oo.” Kinuha ni Allen ang ballpen at nagsimulang magsulat. Maya-maya, muli itong nagsalita nang hindi tumitingin sa kanya. “Bea.” “Hmm?” “Serious ka talaga.” Napabuntong-hininga siya. “Mag-quiz na tayo.” “Okay.” Tumahimik na si Allen at nag focus sa activity. Hindi na siya pinansin ni Bea hanggang matapos ang klase. ***** “Bea, punta ka ba sa canteen?”, biglang tanong ni Allen sa kanya. Umiling siya. “May tatapusin pa ako.” “Okay.” Paisa-isang naglabasan ang mga kaklase nila. Unti-unting tumahimik ang classroom. Si Bea ay nag-aayos ng notebook nang mapansin niyang may inilagay si Allen sa ibabaw nito. Ang yellow pad. Napatingin siya rito. Akala niya iiwan lang ni Allen. Pero nang kunin niya, napansin niyang maayos itong natupi sa gitna. May maliit na sulat sa gilid. 'Thank you.' Dalawang salita lang. Napangiti si Bea. Hindi niya alam kung bakit. “Hindi naman kailangang sulatan,” sabi niya. Napatingin sa kanya si Allen habang isinasara ang bag. “Baka makalimutan ko.” “Yung pagbalik ng papel?” “Oo.” “Hindi ko naman hihingin.” “Mas okay nang sigurado.” Napailing si Bea. “Ang arte mo.” “First day ko pa naman.” “Eh ano naman?” “Baka isipin mong hindi ako marunong magsauli.” Napatawa siya nang mahina. “Hindi ko naman iniisip.” “Good.” Tumayo si Allen at isinukbit ang backpack. “Bukas ulit.” “Ha?” “Bukas.” “Ah.” Tumango si Allen. “Bye.” “Bye.” Nang makalabas ito ng classroom, ilang segundo munang nakatingin si Bea sa pintuan. Pagkatapos ay ibinaba niya ang tingin sa hawak niyang yellow pad. Pareho lang naman iyon sa ibang papel. Isang pirasong yellow pad na may dalawang salitang nakasulat sa gilid. 'Thank you.' Inilagay niya iyon sa loob ng notebook niya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya basta itinapon. At hindi rin niya alam na kinabukasan, may isa na namang dahilan si Allen para kausapin siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
15.7K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.3K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.3K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.3K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.4K
bc

In Bed With Kuya Red

read
56.6K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook