Chapter 1
Rose
I was at the mall buying a cake and a gift for Andrei, my long-time boyfriend. This day is our anniversary and I wanted to surprise him in his condo.
10:00 am when I finished buying some stuff. I was planning to cook lunch for him because for sure he’s sleeping until now. He was busy on his work kaya wala na kaming time para mag bonding pa o magbaksyon para icelebrate ang aming anniversary.
We seldom talk at may alitan pa kami last time. I just want to say sorry na rin sa kaniya.
I am here in front of his condo typing his passcode so that I can enter to his room. When I enter, I saw 2 glasses of wine on his table. I wonder who owns that one, maybe pumunta dito kapatid niya.
I put the groceries in the table, get the cake and gift for him and silently walks to his room. I’m going to surprise him of course. I feel anxious, I don’t know why.
As I was slowly opening the door, my jaw dropped at the scene in front of me. Nanginginig ako ng sobra. I don’t know what to do. I can’t sink the scene in my mind. It was horrible and I wish I didn’t witness it at all. I saw Andrei having s*x to my ex best friend. They were moaning each other’s name.
Agad na tumulo ang aking luha hindi pa nila ako nakikita kasi busy sila sa pagpapaligaya sa isa’t-isa. Hanggang sa nabitawan ko ang cake at regalo ko sa kaniya na nagsanhi ng ingay para mapalingon sila sa gawi ko. They were shocked of course.
“B-babe. I can explain, it’s not what you think,” paliwanag ni Andrei.
Agad-agad akong lumabas sa kwarto niya, siya naman ay hinabol ako hanggang sa na corner niya ako sa gilid ng elevator.
“Rose, babe I can explain. Please talk to me.”
Kita sa kaniya ang frustration at pagmamakaawa na kausapin ko siya. .
“Ano pa ba ang ipapaliwanag mo? Kita naman ng dalawa kong mata iyong kababuyang ginawa niyo!”
Agad ko siyang tinulak para makapasok na sana ako sa elevator kaso nahablot pa rin niya ang aking braso.
“Ano ba!” Sabay sampal ko sa kaniya ng napakalakas.
“Ang sakit Andrei! Ilang taon na tayo at ngayon ka pa talaga nagloko. Sana hindi mo na lang pinaabot ng taon para hindi masakit! At heto pa? Wala naman akong ginawang mali sayo at ano pa ba ang kulang? May mali ba sa akin? Am I not enough? Kung dahilan mo iyong make love na hindi ko pa sa iyo naibibigay then napaka gago mo pala!” mahabang litanya ko sa kaniya.
Agos ng agos lang ang luha ko at wala akong pakialam. Nasasaktan ako e. Sobra.
“I’m sorry Rose.” Nakayuko niyang sabi sa akin.
“Sorry?? Iyon lang? I won’t accept your sorry. Oh, before I forgot, Happy 7th Anniversary nga pala. Susurpresahin sana kita pero ako pala iyong nasurpresa.” Natatawa kong tugon sa kaniya.
Agad akong tumalikod at pumasok sa elevator. Humarap ako sa kaniya sabay sabing-
“Let’s break up. Ayaw na kitang makita at sana huwag mo na akong guluhin kailanman,tapos na tayo.”
Umuwi ako ng bahay na luhaan. Hindi ko alam ang aking gagawin at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Parang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. I even skipped my meals, iyak lang ako ng iyak. How could he do this to me. I loved him so much. Kahit saan ako magpunta ay palagi kong naalala iyong mga memories namin.
Lahat ng alaala noong nasa kolehiyo kami hanggang sa nakahanap kami ng sariling trabaho. Akala ko siya na, hindi pala. Gusto kong magwala at hilahin ang buhok ng ex-bestfriend ko ngunit wala akong magawa. Alam ko kasing ako rin ang talo dahil mas kakampihan pa ni Andrei iyong kabit niya. Gusto kong ipaglaban ang relasyon naming dalawa pero para saan pa? Tapos na kaming dalawa at kasalanan niya ang lahat ng ito. Kung hindi lang sana siya nakipagrelasyon sa tanginang ex-bestfriend ko , eh 'di sana masaya kaming dalawang nag-ce-celebrate ng anniversary naming dalawa .
Weeks na ang nakalipas at wala na siyang paramdam sa akin. After ng nangyari sa condo niya ay hindi na talaga niya ako sinundan at sinuyo. Maybe he was happy now.
I search his f*******: account and I see he is in a relationship with my ex bestfriend. Madami ang nagreact, may positive at karamihan naman ay negative. Sino ba naman ang matutuwang tao sa ginawa nila. Akala ng lahat ako iyong girlfriend niya tapos out of the blue magpopost siya ng in a relationship sa iba. I blocked him and the girl. Ayoko ng mga toxic na tao.
I have a lot of notifications karamihan doon ay mga comforting messages galing sa aking mga kaibigan. Hindi ko na ito binuksan dahil pare-pareho lang ang laman, and I know makikichismis lang sila.
I deactivated all my social media accounts and went to Google Chrome. I searched for places to unwind. I planned to move in a peaceful place na wala sa aking makakikilala and I choose Bicol.
I book a flight tomorrow. Oo ganoon kadali. I want to leave here as soon as possible. Tapos na rin ako sa pagaayos ng mga gamit and I am fully ready tomorrow. I was a skilled swimmer, my father was a famous swimmer in the Philippines, at namana o na adopt ko ito sa kanya. When I was a child, I used to swim in the beach kasama ang Mommy at Daddy. Kung hindi lang nangyari iyong trahedya ay sana buhay pa ang mga magulang ko ngayon. Namimiss ko na sila.
Ngayon ay maggagabi na, wala akong ginawa kundi ay maghilata at manuod ng Korean Drama. I’ll sleep early kasi may flight pa ako bukas. Simula ng panibagong buhay bukas. I will look for my purpose in life.