
Wala ng ibang gusto si albie kung hindi ang magkaroon ng pag-ibig ang kanyang nag-iisang kapatid na tumayo ng magulang niya. Bata pa lamang kasi sila nang maging ulilang lubos kaya ito na ang nagsilbi niyang ama at ina at ngayon na stable na silang dalawa ay parang wala na itong balak pang mag-asawa. Napag-alaman niyang mayroon itong babaeng inibig noon pero napilitan itong iwan iyon ng dahil sa kanya at ngayon ay ang hanapin ang babae ang natatanging misyon niya.
Sa paghahanap niya sa babae ay sa isang probinsya siya napadpad at sa paghahanap niyang iyon sa nawawalang pag-ibig ng kuya Ali niya ay isang pag-ibig rin ang dumating sa kanya.
Isang mapangahas na pag-ibig na ang gusto ay parusahan siya kahit na hindi naman niya ito kilala.
