ALY Halos mabaliw ako sa biglaang pagbabago ng kontrata. I wasn't able to prepare myself that this might happen. Ian Giano is not an ordinary man. I can feel and see it in my own two eyes. Ngunit kahit kumulo ang dugo ko sa galit ay nanlalambot naman ang tuhod ko kapag napapadikit ako sa kan'ya. He is a good kisser, very caring, but I am not really sure if he is honest. Tinawagan ko si Attorney San Juan para sabihin ang problema ngunit wala siya sa Pilipinas. Nagbakasyon daw ito at ang asawa kaya hindi ko masabi sa kan'ya ang mga nangyari sa amin ni Giano. Ayoko kasing masira ang bakasyon nila lalo at matagal din nila iyong plinano. Grabe ang galit ko nang nalaman ko na pinauwi ni Giano sina Roldan at Mica sa Reomoto Mansion. Wala akong balita sa mga nagaganap doon dahil sinadya kong

