ALY Kabado ako habang nakaupo sa conference room. Alam kong kaya sila nagpatawag ng ganoong meet ay dahil sa pag-atras ko sa kasal namin ni Jorge. Daddy had no idea about my decision kaya tiyak kong magwawala na naman siya sa galit. Hindi ko idenetaly kay Giano ang lahat. Basta sinabi ko lang na may meeting ang dalawang pamilya. Takot man ay handa akong harapin ang laban ng mag-isa. Totoo nga ang hula ko. Kahit ipinakita ko na ang ebidensya ay ako pa rin ang masama. Walang gustong maniwala sa sinasabi ko. Mas pinaniniwalaan ng Reomoto ang kanilang hinala kaysa sa katotohan na nasa harapan nila. Maybe because they don't want to give up their hope of expanding the Reomoto Hotel all throughout the country. Ang mas lalong nakakainis ay ang pananahimik ng mga Belldon. Daig pa nila ang mga

