bc

GAME ON : WHEN YOUR SURVIVAL IS IN YOUR HANDS

book_age16+
19
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
student
expert
game player
swordsman/swordswoman
high-tech world
supernature earth
another world
self discover
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

BLURB:

Maverick is a gamer. Hindi siya lumalabas ng kuwarto niya ng dahil sa addiction niya sa paglalaro ng online games. Lalo pa siyang nalulong sa paglalaro ng online games nang pumutok ang pandemya.

 

Ang kina-a-adikan niyang laro ngayon ay ang Adventure to Wonderland, isang online game kung saan maari kang makipag-interact sa kapwa mo gamer gamit ang iyong avatar. Dadaan ka sa maraming pagsubok upang tumaas ang iyong level at makikipalaban ka sa ibang gamer upang makuha ang rank nila at tumaas ang iyong rango.

 

Paano kung isang araw ay nagising na lang siyang nasa loob na siya ng larong kina-a-adikan? And worst, nasa loob siya ng katawan ng isa sa pinaka-least favorite na avatar niya? Magagamit kaya ni Maverick ang kaniyang pagiging game genius upang maka-survive sa mundong kan’yang napasukan? Paano kapag nalaman niyang kapag namatay siya sa loob ng larong iyon ay tuluyan na ring mamatay ang katawan niya sa human world? Magagawa kaya ni Maverick na makaalpas sa mundo ng Wonderland?

Subaybayan…

chap-preview
Free preview
KING OF NOBODY-1
CODE NAME: AKLAS HERO: LANCEL HERO POWER LEVEL: NINETY PERCENT HERO RANK: ACE GLORY MAIN WEAPON: LIGHTSABER CLASSIFICATION: ASSASSIN (MAIN HERO) "Maaa...Si kuya naglalaro na naman ng computer!" ikinagulat pa ni Maverick ang biglang pagsigaw ng kapatid na si Macky. Tiningnan niya ng masama ang kapatid na nakangisi habang nakatayo ito sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa harapan ng computer upang habulin ang kapatid na agad kumaripas ng takbo. Asar na ibinalibag niya pasara ang pinto ng hindi nahuli agad ang kapatid. Agad siyang bumalik sa harapan ng computer. Laking pasasalamat niya at hindi pa nagsisimula ang laban. Nakapasok pa naman na siya sa ranking competition ng kina-aadikan niyang laro. SIYA si Maverick Bermudez, nineteen years old, nasa huling semestre na siya ng Senior High School. Isa siyang online game addict, lagi siyang pinagagalitan ng kan’yang mga magulang dahil sa pagkalulong niya sa mga laro sa computer. Naka-tatlong balik na kasi siya sa grade ten. Laking pasasalamat ng mga magulang niya ng makatuntong siya ng Senior High. Akala nga ng mga ito ay magtutuloy-tuloy na ang pag-aaral niya ng mabuti. Pero ang hindi alam ng mga ito ay patuloy pa rin siya sa paglalaro ng mga online games. Kung hindi siya nakaharap sa kan’yang computer, ay sa tablet naman, o ‘di kaya ay sa kaniyang cellphone. Mas gusto pa kasi niyang maglaro maghapon ng online games kesa ang makihalubilo sa mga kaedad niya. Nang pumutok ang pandemya ay isa siya sa mga taong ikinatuwa iyon, dahil sa hindi siya required na maglalabas ng bahay. Lahat ng klase nila ay ginaganap na lang online. Kaya mas lalo siyang nalulong sa paglalaro ng online games. Kahit na nakaharap siya sa zoom classes nila ay hindi naman siya nakikinig, sa halip ay naglalaro siya sa kan’yang tablet o kaya sa kan’yang cellphone. Ang dating pagka-adik niya sa online games ay mas lalo pang lumala. Halos lahat na yata ng klase ng online games ay nalaro na niya, mapa COC, PUBG, MOBA, at kung ano-ano pa ay nalaro na niya. Hindi niya binibitawan ang isang laro kapag hindi siya nag-top sa ranking ng mga ito. Siya ang tinaguriang King of Online Games dahil sa lagi siyang nasa number one rank. PAGKABALIK niya sa harapan ng kan’yang computer ay agad niyang isinuot ang kanyang headset. “Aklas! Nasaan ka na?” agad na bungad sa kan’ya ng tao sa kabilang linya. “Pasensya ka na Ranger, may asungot kasi,” sagot niya dito. “Hay salamat naman at bumalik ka na. Akala ko pa naman ay nag awwol ka na,” sabad naman ng isang tinig babae. “Naku pwede ba yon Elastic Nova, aba kailangan niyo yata ako para makapag-rank up,” buong yabang niyang sagot sa babae sa kabilang linya. “Pffs, as if…” maarteng sagot naman nito sa kan’ya. “Aba at para saan pa at ako ang Ace niyo. Haha!” tatawa-tawang saad ni Maverick sa mga kausap. “Tsss...tama ng biruan niyong dalawa at mag-concentrate na kayo. Magsisimula na ang laban,” saway naman sa kanila ng lalaking tinawag niya sa code name na Ranger. ADVENTURE in Wonderland, isang bagong release na online game na siyang kina-aadikang laruin ngayon ni Maverick. Agad siyang na-hook ng laro dahil sa kakaibang feature nito. Isa itong competitive multiplayer game. Basic rules ng laro is to survive. May anim na ranking division ang laro. Unang level nito ay tinatawag na Joker Warrior, dito nabibilang ang mga newbie o baguhang player na nagpa-praktis pa lang, o di kaya ay ang mga mahihinang hero. Yung mga hero na hindi tumataas ang hero power level dahil sa hindi laging ginagamit ng user, at hindi na-a-upgrade. Ang kasunod na level nito ay ang Jack Master, dito nabibilang ang mga hero na mayroon ng bronze medal. Next is called Queen Guardian, dito na makikita ang mga hero naka-level up at mayroon ng silver medal. Kasunod na level ay ang King Legend, kung saan ang mga hero na nakakuha na ng gold medal ay kabilang sa rank na ito. Masasabing ito rin ang level kung saan ang mga hero ay bihasa na sa paglalaro sa loob ng Wonderland, upgraded na at mataas na ang mga hero power level. Ang kasunod na rank ay ang Ace Glory, ito ang pangalawa sa pinakamataas na level sa larong iyon. Dito ang mga manlalaro ay puro bihasa na sa pasikot-sikot sa mga pagsubok sa laro. Lalong-lalo na sa Battle Royale kung saan kahit ang nasa pinakamababa ng rank ay puwedeng makipagaway sa mas mataas na rank upang mapabilis ang kanilang pagangat. At ang huli at pinakamataas na rank ay ang tinatawag na ‘GODLIKE’ kung saan kahit isa sa mga player, mapaluma man o bago ang hindi pa nagkakaroon ng ganoong titulo. Ito ang titulong gustong makuha ni Maverick. Gusto niyang siya ang kauna-unahang tanghaling ‘GODLIKE’ sa mundo ng Wonderland. Kaya kahit na hindi na siya makatulog ng maayos at makakain ay okay lang sa kan’ya. Ang importante ay ginawa niya ang task niya sa Wonderland at manatiling Ace Glory ang kaniyang rank. Si Ranger at si Elastic Nova ay ang dalawang Sentinel niya. Iisang squad lang sila, dahil minsan ay kailangan mo ng ka-team lalo na kapag sumasali sa Battle Royale. Mas mataas ang rank niya sa dalawa kaya automatic na siya ang naging team leader. “Ayusin mo naman paglalaro mo Aklas, aba parang noob ang galawan mo ngayon ah,” dinig ni Maverick ang inis sa boses ni Ranger ng sabihin iyon. Tinawanan niya lang ang kaibigan. “Relax Ranger, wala pa nga tayo sa kalagitnaan ng laro, high blood ka na agad.” “Mukhang isa-sacrifice mo na naman kami sa kalaban Aklas eh,” reklamo din Elastic Nova. “Aba kailan ba kayo binigo ni Lancel?” tukoy niya sa avatar na paborito niyang gamitin. “Alam niyo naman na si Lancel ang pinaka-malakas kong hero sa lahat, wala pa rin ba kayong tiwala?” Nilangkapan pa niya ng hinampo ang tono ng pananalita, upang ipaalam sa mga nasa kabilang linya na nasaktan siya sa kawalang tiwala ng mga ito sa kakayahan niya. “Atras...atras...back to base...back to base!” sigaw ni Ranger sa kabilang linya. “Sh*t! Nand’yan sila Bender!” sigaw din ni Elastic Nova. “Oh ano pa ang ginagawa niyo diyan, umatras na kayong dalawa diyan at makokorner kayo. Atras na! Atras!” sigaw din ni Maverick sa dalawang kasama. Mabilis ang pagpitik ng kaniyang mga daliri sa keyboard ng kaniyang computer. Ginamit niya ang item niyang cloaking spell kay Lancel upang tulungan ang mga kasama. Nasa kabilang dako kasi ng arena sila Ranger at Elastic Nova, habang siya ay nasa kabilang ibayo din dahil busy siya sa pagpatay ng mga newbie upang lalong maging mas malakas at mabilis na mag-level up ang kanyang hero. Nang ma-activate na ang cloaking spell ay agad niyang ginamit ang supersonic speed ni Lancel upang makarating ng mas mabilis sa kabilang panig ng arena. Nang malapit na siya sa panig ng arena kung nasaan sila Ranger at Elastic Nova ay pinag-tago muna ni Maverick ang hero niyang si Lancel sa mga halaman na nasa paligid at ginamit niya ang kanyang eye of the hawk item upang ma-asses ang sitwasyon ng mga kasama mula sa himpapawid. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag ng makitang kahit papaano ay nakaka-depensa pa rin sila Ranger at Elastic Nova sa tatlong lalaking kalaban ng mga ito. Hindi dapat mamatay ang mga ito dahil ma-a-out sila sa ranking. Sinulyapan niya ang timer na nasa ibaibang bahagi ng screen. May ilang segundo na lang at matatapos na ang Battle Royale, kailangan na niyang kumilos ng mabilis, dahil kung hindi ay may tsansa na matalo pa sila sa round na ito. In-activate niya ang soul execution na special skill ni Lancel. Ang skill na iyon ang pinaka-death blow technique ni Lancel. Maaari itong magteleport sa area kung saan nakakalat ang parte ng soul nito; na nahahati sa tatlo at gumagawa ng form na triangle, depende sa dimension ng aura na inilabas ni Lancel. Gamit ang sword of light ay nagawa ni Lancel na bigyan ng critical hit ang mga kalabang walang kamalay-malay sa kaniyang presensiya. Saktong tumunog ang timer ay sabay-sabay na bumagsak ang tatlong nakapaligid kay Ranger at Elastic Nova. “Woooo Hoooo!” magkasabay na sigaw nila Ranger at Elastic Nova sa kabilang linya. “YES!” sigaw din ni Maverick, napatayo pa siya at napatalon sa tuwa. Sabay-sabay pa silang tatlong nagtawanan nang makita ang pagangat ng kanilang level at pagdagdag ng star sa kanilang badge. “Wala ka pa ring kupas mag Lancel, Aklas!” tuwang saad ni Ranger sa kaniya. “Oo nga, hahaha! Salamat sa pagbuhat ulit guys,” si Elastic Nova. “Alam nyo namang favorite hero ko si Lancel kaya nga siya ang lagi kong nile-level up at ina-upgrade,” may bahid pagmamayabang pang saad ni Maverick sa mga kausap. “Naku Aklas, I level up mo naman ang iba mong hero, baka sa susunod niyan ay hindi mo na magamit si Lancel, mas mabuting may reserba kang iba pang malalakas na hero,” payo ni Elastic Nova sa kan’ya. “Don't worry guys, dahil hindi pa naman nila ire-revamped si Lancel. May mga hero pa naman ako dito, si Daisuke at si Mysterio. Upgraded ko na rin naman sila at itinataas ko ng rank,” pagmamalaki niya sa mga kausap. “Eh, kailan mo gagamitin si Cyprus?” tanong ni Ranger sa kan’ya. “Useless si Cyprus, nagsisi nga ako kung bakit ko siya binili. Bukod sa ability niyang sumapi sa iba, at makuha ang mga memories ng nasasapian niya ay wala na akong napapala sa kan’ya. Hindi ko naman magamit ang herong iyon para sa clash. Kung ire-revamped sana nila si Cyprus eh di may pakinabang pa,” sambit niya habang patuloy pa rin siya sa pag-pindot sa keyboard ng kan’yang computer. Kasalukuyan kasi niyang nire-renovate ang avatar room ni Lancel. Dahil sa pagkapanalo nila sa Battle Royale, nakatanggap sila ng ilang mga privilege para sa upgrading ng weapons of choice nila at ng kanilang home base. Bukod pa doon ay nadagdagan ang star ranking ni Lancel. Sa sobrang concentrate niya sa paglalaro at sa lakas ng audio ng headset niya ay hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto ng kuwarto niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Only Girl In Section Sea

read
9.8K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.6K
bc

SECRET UNTOLD SERIES 12: YO RINGFER

read
11.7K
bc

The Masked Heart: Silver Lincoln

read
33.4K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Dangerous Spy

read
322.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook