Otso

1128 Words
Chazia's pov Pagdating namin sa school dumeretcho kami sa court ni Jian kng saan naghihintay na ang apat na kasama namin at ang volleyball team ng section 1. "Anong nangyari kagabi?" Tanong ni Jail habang nakaupo kami sa bench. "Daddy saved me," tipid na sagot ko at alam ko na nagets niya. Nakatingin ako sa kanila Ate Janice at sa grupo nila na ayaw pumayag sa napagkasunduan kaya pinipilit sila ng mga classmates ko. Tumingin ako kay Ate Janica na palapit sa pwesto namin ni Jian. "Hindi namin gagawin!" Mariing sabi nito. "Natalo kayo. You don't have a choice but to do it," sabi ko sa kanya. " Do it with your classmates." Tinignan niya ako nang masama kaya tumayo ako para magpantay kami. "Isusumbong kita kay Mommy," mahinang sabi nito at alam kong kami lang ang makakarinig pati si Jian na nasa likod ko lang. "Go ahead, sabihin mo na naghamon kayo, natalo at ngayon ayaw niyong gawin ang napagkasunduan. Ate Janica grupo niyo ang nag-umpisa sa bet na 'yan kaya panindigan niyo," malumanay na sabi ko. "Pwede mo namang kombinsihin ang mga classmates mo na hayaan na lang-" "Ate Janice hindi ko hawak ang mga desisyon niyan. Gawin niyo na lang ng matapos na," saad ko. "Maglalakad lang naman kayo tapos mag-iinarte pa." "Okay, gagawin namin!" Malakas na sabi nito kaya naglapitan ang dalawang grupo sa pwesto namin. "Janica!" Inis na tawag ni Sandra. Hindi ito pinansin ang kaibigan at tinuro ako. "Gagawin namin basta ikaw ang magsusulat sa akin," sabi nito. "Na-ah, nakapili na kami at hindi ikaw ang napili kung sulatan ang illustration na nakasabit sa leeg. Si Sandra ang napili ko," sabi ko. "Ako ang magsusulat sayo," sabi ni Jian kay Ate Janica at tumabi sakin. " 'Wag kang mag-alala, mabait ako." Gusto kong tumawa dahil halatang iniinis ni Jian si Ate Janice. "Let's do it, para matapos na. Baka mahawa pa kami sa kabobohan niyo," inis na sabi ni Gel. "Coming from you?" Tanong ni Jian. "Hindi lahat ng nasa section 1 matalino, ' yung iba nag hokus-focus na lang." Hindi nagsalita si Gel at padabog na umupo. May limang illustration para sulatan. I'm Weak I'm Chismosa I'm not Smart I'm leetch I'm fake, two-faced. 'Yang limang 'yan ang nakasulat sa illustration. Hindu naman masyadong harsh pero napatingin ako kay Jian dahil sa sinulat nito para kay Ate Janica. "Bakit ganyan?" Tanong ko. "Fake 'yan, plastic siguro. Naaamoy ko," sagot nito sakin. "Naaamoy? Anong amoy? Baka 'yung perfume-" "Ibig kong sabihin parang sunod na plastic ang amoy niya kaya fake," paliwanag pa nito. "Loko ka baka magalit siya," sabi ko. "Oh di magalit siya. Hindi ko siya kailangan sa buhay ko para alalahanin kung magalit man siya sakin," pabalang na sabi nito at kinuha na ang mga nasulatan bago lumapit sa pwesto nila Ate Janica kaya sumunod ako. "Totoo rin naman talaga ang sinulat ko. Nailing na lang ako sa gusto nito. Mas apektado si Jian kaysa sa akin tungkol sa ginagawa ni Mommy at Ate Janica. Hindi pa sana susunod si Ate Janica pero sinabi kong gawin na para makabalik na kaming lahat sa mga klase namin. Naglakad nga nila suot-suot ang mga placard na sinulatan namin, napatingin rin ako kay Ate na nahihiya sa fake at Two face na nakikita nito sa mukha niya. Madamjng studyante na ang nakakakita sa kanila at pinagtatawanan sila dahil sa mga nakasulat na mga placard. "Fake pala," ring kong sabi ng isa nang mapadaan ako sa grade 9. Natahimik sila ng magalit si Sandra at sinigawan ang mga studyante nanakakapansin sakanila. "Tara na, " yaya ko kay Jian. "Why? I'm enjoying this," sabi nito. "Hayaan mo na sila dyan," sabi ko at hinila na siya. Pinili ko na umalis na lang at hayaan silang naglalakad na hindi kami nakabuntot dah ramdam ko ang pagtingin sakin ni Ate Janica. Hindi na ako magtataka kung makarating kay Mommy ang ginawa niya. Sasabihin na naman nito na pinahiya ko siya. Nasa canteen kami ng tumabi si Justin at nakuha pang akbayan ako. "Are you okay now?" Tanong nito sakin. "Bakit naman hindi magiging okay ang bestfriend ko?" Sabat ni Jian. "Baka miss niya ako," biro ni Justin. Tinanggal ko ang kamay niya na nakaakbay sakin. "Tigilan mo ako Justin dahil hindi kita namiss," sabi ko. " Lagi ba lang kita nakikita kaya paano kita mamimiss? Nagsasawa na nga ako sa mukha mo. Pakitago na lang kaya." " Wag kang magsawa sa mukha ko dahil darating ang panahon at ako ang lagi mong makikita sa umaga," sabi nito. Tunawa na lang ako at hindi siya pinansin dahil lali lang magpapapansin. "Gandang banat 'yun. Ang ibig mong sabihin ikaw ang mapapangasawa niya. Lakas ng fighting spirits mo. Ayusin mo na lang ang Mr Veda 2022. Baka ikaw ang manalo sa lalaki," sabi ni Jian." Hindi lang ang tropy ang magiging premyo mo kundi ang matamis na sagot ng bestfriend ko. "Aba oo na, ako talaga ang mananalo sa araw na 'yun. Hindi ko sasayangangin ang pagkakataom na binibigay ni Chazia Baby," sabi nito kaya binatukan ko. Ang dami kasi niyang drama sa buhay. Usap-usapan sa canteen ang ginagawa nila Ate Janica na pag-iikot sa buong school. Pati si Jian ay natatawa sa mga side comments nila. Natapos ang buong araw at tapos na rin ang parusa nila. Hindi ko alam ko matatawa ako o mabbwesit ng tanggalin nila Ate ang placard tapos tinapon malapit sakin. "Makakarating ito kay Mommy," inis na sabi nito bago ako talikuran. "Sanay na ako," bulong ko. Sinundo na naman ito ni Mommy at ako naman ay nakisabay kay Jian. "Chazia mag-uusap tayo," sabi ni Mommy kaya tumango lang ako. Sinundan ko siya hanggang sa pool area "Hindi ko alam kung bakit malaki ang galit mo sa Ate Janica mo kahit wala naman syang ginagawang masama sayo. Kakabalik lang niya sa pamilya pero nakuha mo pang ipahiya siya sa buong skwelahan," mariing sabi nito at hinarap ang picture sakin sa Veda University page kung saan nakunan ang paglilibot nila Ate. Hindi ako nagsalita at nakayuko lang ako habang pinapagalitan. Masakit para sakin ang ginagawa ni Mommy pero hindi na katulad ng dati. "Look at me," sabi nito kaya napaharap ako sa kanya. Ang tagal kong gustong makaramdam ng pagmamahal ng ina pero ni minsan hindi niya nagawa. Tapos ngayon papagalitan niya dahil kay Ate Janica, hindi naman ako ang naghamon. "Minsan pa na malaman ko na inaapi mo ang Ate Janica mo sa school, hindi ako magdadalawang isip na ilipat ka sa school at dalhin ka kina Lola mo sa probinsiya." Tinalikuran ako ni Mommy habang ako ay nakatingin na sa malayo lalo na nuong niyakap niya si Ate Janica. "I love you, Mommy. Wag sanang dumating ang araw na mapagod ako sa kakaintindi sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD