bc

MAGKAHATI - (kaagaw Series 1)

book_age18+
1.7K
FOLLOW
8.7K
READ
revenge
bitch
drama
twisted
heavy
serious
campus
school
lonely
affair
like
intro-logo
Blurb

Chazia Crutez- Ang babaeng kulang sa attention ng Ina, kaya ng dumating ang lalaking nangako sa kanya ng kasal nuong bata pa sila agad niyang plinano na makuha ito kahit napag-alaman niya na boyfriend ito ng Ate Janica niya.

Walang paki-alam si Chazia kung sariling Ate ang babanggain makuha lang ang attention ni Jayden Ross.

Halina't subaybayan ang away magkapatid para sa attention ng nag-iisang lalaki na si JAYDEN ROSS.

chap-preview
Free preview
Uno
Chazia's pov "Ma'am Chazia, gising na po. Pinapatawag na po kayo ng Papa niyo sa baba, kakain na po!" Inabot ko ang phone para tignan ang oras. Naka-lock ang kwarto ko kaya hindi makakapasok ang sino man. "6am! 5 MINUTES MORE. ANG AGA PA!" sigaw ko. Tinakpan ko ang dalawang tainga ko ng marinig ang sunod-sunod na katok. "Ma'am Chazia pagagalitan po ako ng Papa niyo pag hindi ko kayo nagising," rinig kong sabi ni Yaya sa labas ng kwarto ko. "GO AWAY!" Hinayaan ko ang sarili ko na hilain ng antok. "Iha, gising na!" "Hmm," "It's your first day of school, Anak." rinig kong sabi ni Daddy. "First day?" tanong ko pag-upo ko. Tumango si Daddy sa 'kin. Hinablot ko ang phone sa mesa. Nakita ko na marami ng missed calls si Jian. "Oh darn! Bakit 'di mo ako pina-gising, Dad! Last year ko na sa high school tapos late pa sa first day," ungot ko. "Haha, ilang beses kitang pina-gising Anak. Ayaw mo raw, come on mag-ayos ka na. You still have time, good morning!" sabi ni Daddy. "Good Morning too, Daddy. I love you," sabi ko. "I love you too, Anak." sabi ni Daddy, hinalikan ako sa ulo bago lumabas ng room ko. In-umpisahan ko na ang morning routine ko. After kong naligo tinawagan ko ang best friend ko. Naka -ilang ring bago niya ito sagutin. "Good morning, Zia. 'Wag mong sabihin na late kang nagising!" Natawa ako sa bungad niya. Zia short for Chazia. Mahaba raw kasi kaya Zia na lang. (Zi-ya) "Haha, good morning. Hindi ko sasabihin na late akong nagising," panunukso ko rito. "Geezzz, walang pagbabago. On my way na 'ko. Bilisan mo, I hate waiting! Chao," sabi ni Jian. Uunahan ko na kayo hindi mabait 'yang best friend ko. Ako? Hmm, don't know. Feeling ko mabait ako, hindi lang halata. After kong mag-ayos bumaba na agad ako, nakita ko si Daddy na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. "Nasaan si Mommy?" tanong ko kay Daddy, tsaka umupo at kumuha ng break fast. Sinabayan ako ni Daddy na kumain. "Maagang umalis," sagot ni Daddy. Pag ganyan alam ko na kung saan pupunta si Mommy. Makiki-pagkita sa private investigator na naghahanap sa nawawala kong Ate Janica. Nawala siya ng magbakasyon kami sa Hong kong. Habang naglalaro kami sa Disneyland napalayo siya sa 'min. Hindi na siya naka-balik. Sa cctv's may kasama itong matandang babae na lumabas sa Disneyland. Simula nuon hindi na tulad dati si Mommy. Lagi itong umiiyak hinahanap si Ate. Nakalimutan niya ata na may Anak pa siya. Hindi naman ako galit. Kahit alam kong isa ako sa sinisisi ni Mommy sa pagkawala ng panganay niya. "I miss her," sabi ko habang kumakain. Narinig kong bumuntong hininga si Daddy. "I'm sorry, Anak." saad ni Daddy. "Okay lang, Daddy. Naiintindihan ko naman. Minsan lang hinahanap ko kung paano ako alagaan ni Mommy. Sampung taon na ang nakalipas," mapait akong ngumiti kay Daddy bago pinagpatuloy ang pagkain. Ramdam ko ang titig ni Daddy. "Anak-" "What time ka po na pupunta ng hospital?" pagputol ko sa sasabihin ni Daddy. Daddy is a Doctor. He's a surgeon. "After kitang ihatid sa school mo," sabi ni Daddy, napatingin ako sa kanya na naka-ngiti. "Really? Ihahatid mo ako?" excited na tanong ko. "Yeah, it's your first day. Pambawi na rin, alam kong lagi akong nasa hospital. Nawawalan na kami ng oras sa 'yo," sabi ni Daddy. "I understand po," sagot ko. "Ma-swerte kami na ikaw ang anak namin," he said. "No drama, Daddy. Ihatid mo na ako," sabi ko na ikina-tawa niya. Sa byahe hindi ako nauubusan ng sasabihin. Si Daddy naman ay tawa nang tawa sa pinagsasabi ko. "Haha, ang hindi ko makalimutan nang pina-tawag kami ng teacher mo nuong 1st year ka. Ginagaya mo 'yung sinasabi habang pinapagalitan ka," "Eh, kasi naman Daddy. First day of school 'yun. Nagpa-sagot agad, maganda lang ang anak mo pero hindi matalino," ungot ko na kinatawan ni Daddy. "Haha, proud ako na may magandang anak!" "Daddy naman! Bakit kasi hindi ko nakuha 'yung talino niyo ni Mommy?" tanong ko. "Hindi lahat ibibigay sa 'yo ng Diyos, basta maganda ka. Okay na 'yan, tamang basa ka na lang at makinig. Makakaya mo yan, " sabi ni Dad. Bago hininto ang kotse sa harap ng School ko. "Thank you, Daddy. I love you!" sabi ko sabay baba ng kotse. "Mahal ka namin ng Mommy mo," huling sabi niya bago umalis. Nagpapasalamat ako sa Diyos. At mayroon akong Daddy na katulad niya. He is the best. Pagka-pasok ko sa Veda University. Nakita ko sa parking lot si Jian. Naka-sandal sa kotse niya at alam kong hinihintay niya ako. Kainggit nga may sariling sasakyan na, ako kasi pag nasa college na raw ako bibigyan ni Daddy. "Hey, Jian!" "Tsk, ikaw lang talaga ang namumukod tanging tao na kaya akong pag hintayin nang matagal," nakasimangot na sabi niya. Tumawa lang ako at naglakad na. Sinabayan niya naman ako. "Good morning, Chazia!" "Maganda ka pa sa umaga, Chazia!" "Jian baby, good morning." "Lalo kang gumanda, Chazia." Ilan lang 'yan sa naririnig kong pagbati sa 'min ni Jian ng mga lalaking nadadaanan namin. Yeah, pretty famous kami sa mga high school students. 'Yung college department naman nasa kabilang building. Hindi katulad ng ibang scene na nababasa, walang may lakas ng loob na magpa-rinig sa 'min na masamang salita. Maaring may nasasabi na sila sa 'min pero hangga't hindi nila naririnig safe sila sa kamalditahan namin ng best friend ko. "Sana naman may trill ang huling taon natin sa high school," sabi ni Jian. "Like what?" "Magka-boyfriend ka tapos mag-break kayo. Magagalit ako then gagawa ng revenge," sabi niya na may pagtaas pa ng kilay. "Bakit hindi ikaw? Sagutin mo 'yung manliligaw mo na college student." "Pwede naman basta sabay tayo. Sagutin mo na rin si Justin," hamon niya. Justin Ross siya ang captain ng Veda basketball team ng high school. " 'Yoko," "Alam ko naman na hinihintay mo pa rin ang long lost bestfriend mo na nangakong papa-kasalan ka, pero Zia girl. Bf lang naman, siya pa rin ang papakasalan mo pag dumating. Haha," panunukso niya. Ang dami niyang alam sa buhay ko. Kaya nga tinawag na bestfriend, duh. "Still no, ang yabang kaya niya." "May ipagmamayabang naman. Gwapo, athletic, may s*x appeal at higit sa lahat basketball player. Hindi lang player, siya ang captain. Ano pa ang hahanapin mo? Bahala ka, aakitin ko na lang." "Ewan ko sa-" "Unang araw pero late pa rin. Walang pagbabago miss Lopez at miss Crutez." Napa-tingin ako sa teacher na nasa harap ng room namin. "Ma'am Ana Fernandez, good morning!" sabay na sabi namin ni Jian. Ngumiti naman ako. At hinila si Jian na umupo na. Ano kaya ang ginagawa ng matandang 'to dito. Terror 'to, siya ang math teacher namin last year. "Ako ang magiging adviser ng section 2. Alam niyo ang pinaka ayaw ko, ang estudyanteng late. Napaka-halaga ng oras ko, wala akong pake kung sikat kayo o kayo pa ang tinanghal na miss Veda 2020." Naka-tingin sa 'kin si ma'am Fernandez habang sinasabi 'yun. Nailing naman ako. Halatang- halata na ako ang sinasabihan. "Haha, nahiya pa si ma'am na banggitin ang pangalan mo. Kaloka, " bulong ni Jian sa 'kin na natatawa pa. "Mukhang mahihirapan ako ngayong school year, favorite ako ni ma'am. Haha," saad ko kay Jian. "Matandang dalaga, insecure sa ganda natin. haha," Nailing na lang ako. Kahit ako ay natatawa na. Nag-umpisa na ang klase pero ako busy sa pagsusulat sa notebook ko. Ano na kaya ang itsura niya? Naaalala pa kaya niya ako? 'Yung pangako niya, tutuparin niya kaya? Jayden?Chazia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook