Dos

1255 Words
Chazia's point of view Nandito kami ngayon ni Jian sa cafeteria, lunch time. "Punta tayo ng college building. Balita ko may try-out ngayon. Sigurado ako isa sa nanduon si Carl. 'Di ba siya ang ka-partner mo last year, siya ang naging mr. VU high school edition." ( Veda University) "Last time na pumunta tayo sa college department napaaway tayo. Mukhang naboboring ka at gusto mo ulit may mangyari," sabi ko rito. Last year kasi bago mag-end ang pasukan. Naisipan namin na pumunta sa College department para puntahan ang manliligaw ni Jian, may nagpa-rinig na ang bata pa namin pero inuuna namin ang landi. Uminit ang ulo ko at agad hinablot ang buhok ni ate girl na malakas ang loob manghusga. Ganun din ang ginawa ni Jian sa kasama ng babae. Pagkatapos ng sabunutan na nangyari, nakita ko ang ilang kuhang litrato na naka-post sa page ng Veda University. Kaya lalo kaming sumikat sa school. Sikat naman na talaga kami. Ako laging sumasali sa beauty pageant or kung ano mang contest na ganda ang labanan. Si Jian naman kamag-anak ng may-ari ng VU, athletic din 'yan. "Haha, mainitin ang ulo mo kaya napa-trouble!" natatawa na sabi nito. "Sabihin ba naman tayong malandi, sinong hindi iinit ang ulo? Wala pa nga akong 1st kiss tapos mahuhusgahan agad na malandi, aba f*ck you sila sagad!" medyo malakas na sabi ko. Pag naaalala ko talaga 'yung sinabi nila. Nabbwesit pa rin ako! "Haha, hindi na ako nagtataka na best friend kita. Sabi nga ni Mommy parehas tayo na ayaw magpaapi. Parehas din tayo na maliit ang pasensya," natatawa na sabi nito. Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. We decided to not attend the class this afternoon, ngayon lang para mapa-nuod ang try out ni Carl sa basketball. Pumayag na rin ako, tamad akong pumasok. Pagpunta namin sa college building may ilan na agad na nakatingin sa 'min ni Jian. Hindi na namin pinansin 'yun at ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa harangin kami ni Michelle at ang dalawang kaibigan niya. "Bawal ang high school dito," malditang sabi niya. "Naks akala mo naman senior college na. Mukha ka lang senior pero 1st year ka pa lang. Kaka-tapak mo pa lang sa college, siga-siga ka na. Kaya mo?" hamon ni Jian. "Kaya ko, gusto mo i-try?" ngising sagot nito kay Jian. Hinawakan ko ang kamay ni Jian nang mahigpit. Alam kong susugod 'yan. Hinarap ko si Michelle. Tinignan ko siya pataas pababa, bago nginisihan. "Tsk, hindi mo talaga alam gumalang sa nakakaganda sa 'yo 'no!" maangas na sabi ko. Marami na ring nanunuod sa 'min. "Huh, ang kapal ng mukha mo! Maganda ka saang banda?" Natawa ako sa tanong niya kaya pumitik ako sa harap niya. "Bulag ka? Hindi mo ba ako nakikita? Sa ganda kong ito na kahit sino mapapatingin," asar ko kay Michelle. "Hindi ka kasi maganda kaya hindi ko kita," sagot nito na nakangisi pa. Tumawa naman ako habang nakaharap sa kanya. "How dare you para kalimutan na ako ang tumalo sa 'yo last year, maganda kasi ako kaysa sa 'yo. Tsk, huling taon mo sa high school pero 'di mo pa nakuha ang corona. The crown belongs to me!" pang-aasar ko sa kanya. "Bitter kasi siya," panggagatong ni Jian. "Woah," rinig kong sabi ng ilan sa nanunuod. Namula ang buong mukha ni Michelle at handa na sana akong sampalin ng hinawakan ko ang kamag niya. "Sigurado ka bang idadampi mo 'yang kamay mo sa maganda kong mukha? Think twice, Michelle. Alam mo na hindi ako nagpapatalo," banta ko rito. " Ang yabang m-" " 'Wag kang humarang sa daan ko para hindi mo nakikita ang kayabangan ko!" seryosong sabi ko at malakas na binitawan ang kamay niya. "Bawal ang away dito!" napa-tingin ako sa nagsalita. Bret Guzman ang manliligaw ni Jian. At isa rin siyang officer ng college department. Sasagot na sana ako ng may kamay na humablot ng buhok ko. "Ang yabang mo, nasa teritoryo kita. A-akala mo!" rinig kong sabi ni Michelle habang hawak pa rin ang buhok ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya tsaka inapakan ang paa niya. "AHHH OUCH!" Natanggal ang pagkaka-hawak niya sa buhok ko. May heels ang shoes ko kaya alam kong nasaktan siya. Nakita ko si Bret na hawak si Jian na pasugod na rin. May nakahawak din na ilang babae sa mga kasama ni Michelle. Masama kong tinignan si Michelle. "Ano ba bitawan mo ako!" rinig kong sigaw ni Jian. "Ang kulit niyong mag best friend!" rinig kong sagot ni Bret, "Crazia tigil na 'yan. Pinagsabihan na kayo last year na hindi-" "Kami ba ang nauna? Bulag ka ba!" sigaw ni Jian dito. 'Di ko sila pinansin at nilapitan si Michelle na naka-upo pa rin ang iniinda ang sakit na inapakan ko. "Isa pa, b***h. Kahit saang teritoryo pa 'yan. 'Wag mo akong sagarin, hindi ko kasalanan na mas maganda ako sayo kaya natalo ka. Iwasan maging bitter, dahil sa susunod kamay ko ang mag-welcome sa 'yo sa oras na harangin mo ulit kami, entiendes?" seryosong sabi ko. Masama niya akong tinignan. Nilampasan ko sila, alam kong na kasunod na si Jian at Bret sa akin. Deretcho ako sa court. Tamang tama si Carl na ang may hawak na bola. "Chazia sa oras na makarating sa office ang ginawa mo, mapaparusahan-" "Siya ang unang nanakit Bret! Kung ako ang mapaparusahan, mag-resign na sila!" inis na sabi ko. "Sagot kita Crazia girl. Hahayaan ko bang maparusahan ang best friend ko?" sabi ni Jian kaya napangiti ako. Bakit ako matatakot? Malakas ang kapit ko, eh. "Kayo talaga, kakambal niyo ang gulo!" sabi ni Bret. Hindi ko na sila pinansin na dalawa. May sariling mundo na ang dalawang 'yan. Nakita ko namang nakatingin na sa akin si Carl. Tinanguan ko lang siya. Nawalan na ako ng gana na manuod ng laro. Nakapasok si Carl at pinakilala niya rin sa 'min ang ilang players na close niya. Umuwi na rin ako agad pagkatapos ng trial. Nawala talaga ang mood ko. Ang kapal ng mukha niya na sabunutan ako. Tsk, 'wag niyang ubusin ang pasensya ko, kung ayaw niyang magulo ang buhay niya sa school. "Mukhang may problema ka, Anak." sabi ni Daddy na kakarating lang. Mga katulong lang ang nadatnan ko kanina pag-uwi ko. "Yeah, ang aga mo pong umuwi Dad," "Babalik din ako mamayang 1am, may operation ako na gagawin. How are you?" tanong niya na lumapit sa akin bago halikan ako sa ulo. "Ain't good, Daddy!" "Trouble? Haha, hindi mo man lang pina-tapos ang isang linggo, Anak." hindi galit na sabi niya. Kilala naman kasi ako ni Daddy. Hindi ako nangunguna sa mga ganyan. "Lapitin ng away ang anak niyo," sabi ko. "Normal lang 'yan sa school. Basta 'wag kalimutan ang bilin ko lagi-" " 'Wag hahayaang masugatan ang mukha dahil sayang ang ganda ng maganda mong anak," sabi ko kaya nagtawanan. Masaya talaga kami, sayang lang at wala si Mommy. Habang kumakain kami ng dinner nakita ko na dumating na si Mom, kaya agad akong tumayo. "Good evening, Mommy. Kain po," masayang sabi ko. "Bukas na lang pagod ako," sabi niya at umakyat na agad. Napa-kagat ako ng labi ko bago umupo ulit. Hinawakan ni Daddy ang kamay ko. "Pagod lang siya, Anak. Intindihin mo na lang ang Mommy mo." Pinunasan ni Daddy ang luha ko. "Iniintindi ko naman Dad. Pero masakit pa rin, sa tuwing nakikita niya ako ramdam ko na ayaw niya sa akin!" "Mahal ka ng Mommy mo. Tahan na," Minsan iniisip ko kung ako ba 'yung nawala, ganito rin kaya ituring ni Mommy si Ate Janica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD