Tres

1262 Words
Chazia's point of view Nagising ako na wala si Daddy at Mommy kaya nagpasya ako na pumasok ng maaga. Tinawagan ko na rin si Jian na kung pwede bilisan niya para may kasama akong mag-break fast sa school. "Ma'am nandito na po tayo," sabi ng driver ko. Agad na akong bumaba at hindi na naghintay na pagbuksan niya. 7:00 am and my class starts at eight! Papasok na ako ng madaanan ko ang basketball players na tumatakbo sa hallway. "Chazie baby," "It's Chazia, a not e!" sabi ko," masikip ba ang gym at pati sa hallway nagkalat kayo?" "Baby sabi ni Coach takbuhin daw namin ang buong building," sabi ni Justin. Ang hangin talaga ng loko. Ngiti pa lang nakaka-inis na! "Justin unang-una hindi mo ako baby kaya tigilan mo ako dyan sa tawag mong 'yan. Pangalawa umpisahan mo na ang tumakbo at 'wag kang hahara-hara sa daan ko," tumingin ako sa likod niya, "pati team mates mo nadadamay sa 'yo." "Araw-araw pa-ganda ka nang pa-ganda, Chazia." sabi ng isang team mate niya. "Thanks," naka-ngiti kong sagot dito. "Pag ako nakasimangot ka, pero pag iba ngiting-ngiti ka. Ang unfair mo naman," naka-pout na sabi ni Justin. "Ewww, you look like a duck!" sabi ko kaya nagtawanan ang teammates niya. "Aw grabe ka!" "I'm really hungry, pupunta ba akong cafeteria, kung gusto niyo pwede kayong sumabay." I offered. "F*ck, first mag-aya si Baby. Boys! Triple time!" sabi nito at nauna nang tumakbo ang mga kasama niya. "We'll be there," sabi ni Justin bago umalis. Napailing na lang ako bago dumeretcho sa cafeteria at kumain. Ilang minuto lang ay dumating na si Jian. "Wala ka na namang kasama kumain sa house niyo 'no?" she asked. "May operation si Dad at si Mommy naman ay-" "Hinahanap ang ate mo! Wala ng bago dyan. Alam mo ang swerte nila at ikaw ang anak nila, kasi kung ako 'yan? Matagal na akong nag rebelde, tipong araw-araw sa bar at nagpapaka-lasing," "Hindi pwede, paano ko makukuha ang attention ni Mom-" "Duh, ilang year na 'yan. Nakikita niya ba? Naa-appreciate niya ba ang mga ginagawa mo? The answer is no!" "Proud naman si Daddy sa akin. Okay muna 'yun," sabi ko. "Iwan ko sa 'yo ang lawak ng pasensya mo pagdating sa Mommy mo. Pero dito sa school ang liit, haha." "Mommy ko 'yun, eh. Isa pa pag nahanap na ang ate Jenica ko. Babalik na ang pagmamahal ni Mommy sa 'kin," nakangiting sabi ko. "Sana nga," sagot ni Jian. Kumain na lang kami hanggang sa dumating ang basketball team. "Good morning to this two beautiful ladies in front of us," bungad ni Justin at umupo sa tabi ko. Inutusan niya ang isang freshman na kasama nila na bumili ng pagkain. Habang ang iba naman ay umupo na. "Ang gwapo mo sa umaga Justin!" unang sabi ni Jian. "Lagi akong gwapo Jian. Umaga, tanghali at lalo sa gabi." sagot nito na kumindat pa sa akin. "Woah, 'yan ang captain namin. Haha," "Gwapo talaga ang lalaki sa gabi," "Smooth nu'n," Humarap naman ako kay Justin kaya natahimik sila. "Gwapo ka naman talaga sa gabi-" "Kinikilig ako baby," nakangiting sabi nito. "Gwapo ka sa gabi dahil madilim. Hindi kita ang mukha mo," naka-ngiti kong sabi. Nagtawanan naman sila sa pangunguna ni Jian. Habang si Justin ay naka-ngiti na naiiling na lang. "Grabe ka talaga sa 'kin, miss beauty Queen. Naisip ko tuloy na sumali sa pageant ngayon. Mr and ms Veda 2021 para ipakita sayo kung gaano ka ka-gwapo," "Hangin," "Wanna bet? Pag Nanalo ako, sasagutin mo na ako!" sabi niya. Natahimik sila at hinihintay ang sagot ko. Oo, gwapo ito. Hindi malabong manalo. Pero marami-rami ring magagandang lalaki sa senior at lalo sa junior. "Sure, I'll be your girlfriend if you become Mr. Veda 2020," sabi ko. "Woah, panalo na 'yan." "Go Captain, suportado ka ng buong team. Iuwi mo ang korona, haha." Supportive teammates, eh! "Support kita dyan, Justin. Finally, magkaka-boyfriend na ang best friend ko!" tuwang tuwa na sabi ni Jian. Hanggang sa matapos kami puro katyawan lang at panunukso ang nangyari. Hinatid na rin kami ni Justin sa room. Section 1 kasi siya kaya hindi kami pareho ng room. "Miss Crutez hindi lang pagpasok ng maaga ang gusto ko. Gusto ko rin na nakaka-sagot ang studyante. 'Wag puro ganda!" si ma'am Fernandez. Tinanong niya ako, kaya lang hindi ako nakikinig kaya wala akong nasagot. Pinag-iinitan na naman niya ako. "Wala namang kinalaman ang pagiging maganda ko sa-" "Puro ka pa-ganda. Kung 'yang oras mo sa pagpapa-ganda ay nag-review ka, mas okay pa!" Aba, sumosobra na 'to ah. "Chill lang Zia girl," bulong ni Jian sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Nakita ko ring tinaas niya ang kamay niya. "Yes, miss Lopez?" Tumayo si Jian. "Ma'am tanong ko lang kung may galit kayo sa mga magaganda! Wala kasi sa topic ang kagandahan pero lagi niyong naisisingit! Natatakot na ako, maganda rin kasi ako!" sabi ni Jian. Muntik na akong matawa sa huling sinabi niya. Haha, loka talaga ang gaga. Nakita ko pa ang ilang classmates ko na natatawa dahil sa pamumula ni, Ma'am Ana. "Stop laughing!" sigaw nito kaya natahimik ang lahat. Kahit ako ay napa-yuko dahil hindi ko mapigilang tumawa. "Huh, may mali ba sa tanong ko?" sabi pa ni Jian. Haha, nagmamaang-maangan ang bruha. "Una sa lahat miss Lopez hindi ako naiinggit sa ganda nino man! Ang punto ko, mag-aral kayo 'wag puro pa-ganda!" galit na sabi ni Ma'am. "Ah, noted. 'Yun lang naman ang gusto kong malaman," sabi ni Jian kaya natawa naman kami. "Bac-" "Ma'am let me answer your question to my best friend," sabi nito kaya napa-tingin ako rito. "Go ahead," sabi ni ma'am Ana. "The difference between solving equations and solving inequalities is; If you multiply or divide an inequality by a negative number, then the inequality reverses!" Shookt, nasabi ko na ba na matalino 'yang bestfriend ko. Pinili lang na samahan ako sa section 2. "Very good-" "Ma'am Fernandez ang tinuturuan niyo po ay senior high school. Ang tanong niyo ay pang college na. Geometry or Algebra muna bago sa mga equations, kaya hindi nasagot ng bestfriend ko- ang advance niyo." Umupo si Jian at kinindatan pa ako. Nagpatuloy si Ma'am na nagturo, ramdan din ang galit niya kaya lahat tahimik. Si Jian ang laging pinapasagot niya. "Lol, ako ata ang next target niya ipahiya. Haha," natatawa na sabi ni Jian pagkatapos ng klase. "Haha, ikaw kasi." "Hindi naman ako papayag na ipahiya ka, bruhang 'yun!" she said. Natawa ako at niyakap siya. "You're the best," sabi ko. Umuwi ako at nadatnan ko ang kotse ni Mommy. She's here. Nagmadali akong pumasok para makita siya. Narinig ko ang tawanan sa dining area kaya nagmadali akong pumunta. Nakita ko si Mommy na tumatawa kasama si Daddy. Napansin ko rin ang isang babae na pinagsasandukan pa ni Mommy. "Good evening," bati ko. Napaharap naman sila sa 'kin. Lumapit si Daddy at inaya ako na maupo. Tumingin ako sa babae na nakatingin lang din sa 'kin. "Anak, she is your sister." Nagulat ako sa narinig na sinabi ni Daddy. "I-ikaw?" gulat na sabi ko. "Yeap," nakangiting sabi niya, " I miss you, Chazia!" "P-pero paano niyo na-sabi na siya si Ate? Ilang beses ng mag nagpanggap na-" "She's my daughter. Alam ko 'yun at ramdam ko. Hindi ka ba masaya na bumalik na ang Ate mo?" Sunod-sunod na iling ang ginawa ko sa tanong ni Mommy. "Masaya po ako," sabi ko. Tumayo ako at niyakap si Ate. "I miss you, Ate. I'm glad you are back!" sabi ko. "I'm back, little sister!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD