Chazia's pov Ilang araw ng gusto akong kausapin ni Mommy pero lagi ko itong iniwasan. Ayokong marinig ang sorry niya kung 'yun man ang sasabihin niya, sa ilang taon na pag-iintindi ko hindi sapat ang sorry para mawala 'yun. Kailangan kong ikalma ang sarili ko at tanggalin ang galit ko sa kanya bago ko siya kausapin para maging maayos, kinausap ako ni Daddy na gusto nitong maayos ang pamilya namin at hiniling ko sa kanya na bigyan ako ng oras para i-ready ang sarili ko. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ni Mara sakin. "Ayoko pa. Pwedeng makitulog muna ako rito?" Tanong ko. "Aba, oo naman pwedeng pwede. Ipapaayos ko ang isang kwarto para may matulugan ka. Magpaalam ka rin sa Daddy mo tawagan mo siya," sabi ni Lola na kakalabas lang ng kusina. "Maya-maya kakain na rin tayo." Kaya mas gusto k

