Chazia's pov "Good morning, Dad. What is happening?" Tanong ko. "Nagpapalinis ang Mommy mo dahil may bisita raw tayo mamayang gabi," sagot ni Daddy. "Hatid na kita." "Sige po." Sobrang special naman ng boyfriend niya at kailangan pang magpalinis ng buong bahay ni Mommy, pati mga kurtina ay pinapalitan. Nang ako ang may boyfriend nakatanggap pa ako ng sampal, napaka FAIR talaga niya- natuwa ako. Peste! "Daddy, excited ka ring makilala ang boyfriend ni Janica?" Tanong ko habang nasa byahe kami. "No, pero tulad mo kailangan kong respetuhin ang gusto ng Ate mo. As long as alam ko na responsible kayo sa pinapasok niyong relasyon okay na sakin," sagot ni Dad. "The best ka talaga, Daddy. Paano na ako kung wala ka? " Nakangiting lambing ko. " You are independent woman, bunso. Kayang kaya m

