Diez

1579 Words
Chazia's pov "Anak, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Daddy sakin. "Oo naman po, tungkol saan, Dad?" Umupo siya sa tabi at hinarap ako. Hindi ito nagsalita agad at nakatitig lang sakin. "May problema ba, Dad?" Tanong ko. "You must be the one I'm asking that. Do you have a problem with your sister? Akala ko ba gusto mo na bumalik na siya, bakit sa nakikita ko mukhang hindi kayo magkasundo?" Hinihiling ko talaga nuon na sana bumalik na si Ate, 'yun lang kasi ang nakikita kong paraan para bumalik rin ang pakikitungo at pagmamahal ni Mommy sakin. Pero sa nakikita ko mas lalo akong nagiging masama sa paningin ni Mommy mula ng bumalik si Ate Janica. "Okay po kami," pagsisinungaling ko. Minsan kailangang magsinungaling para matapos agad ang usapan. "Are you sure?" "Oo naman po," sagot ko. "Hindi po ba kayo sang-ayun na lalaban ulit ako sa pageant at magiging kalaban ko si Ate Janica?" Gusto kong patunayan na hindi man ako matalino kagaya ni Ate Janica pero kaya ko pa ring manalo lalo na sa pageant. Kaya ko siyang talunin, gusto kong ipakita kay Mommy na may anak pa siya na nag-eexist sa mundo. "Hindi ako kontra Anak pero napatunayan mo na ang sarili mo sa larangan na 'yan. Ikaw na ang nanalo last year, wala ka ng kailangang patunayan ulit. Masaya ako na pareho kayong representative ng sections niyo kaya lang ayoko na magkalaban kayo," sabi ni Daddy. "Sinabi ba ni Mommy na kausapin mo ako Dad?" Tanong ko. Umiling si Daddy at hinawakan ang kamay ko. "Hindi, ayoko lang na magkalaban kayo sa isang bagay ng Ate mo. Ayokong dumating ang panahon na kakompetensya na ang tingin niyo sa isa't isa," paliwanag ni Daddy. "Mahal kita, Anak. Alam ko na nagtatampo ka sa Mommy mo dahil sa oras na binibigay nito sa Ate mo, lagi mong tandaan na nandito lang ako at ako ang magiging kakampi mo sa lahat ng oras." Yinakap ako ni Daddy kaya niyakap ko rin siya pabalik. Ito ang dahilan kaya nakakaya ko pa ring makiharap kay Mommy at hindi ako nagrerebelde. Si Daddy na pinupunan ang attention na hinihiling ko kay Mommy, kahit sobrang busy nito nakukuha niya pa ring umattend sa mga event sa school para sakin. Kulang man ako sa attention ni Mommy, sobra naman ang binibigay ni Daddy sakin. "Hindi na ako sasali," mahinang sabi ko. Sobra kong nirerespeto si Daddy kaya susunod ako sa gusto niya, ayokong maipit siya sa amin ni Ate. Hindi man ako kasali sisiguraduhin ko na hindi mananalo si Ate Janica, hindi siya ang papasahan ko ng corona. Sabay na kami ni Daddy na bumaba para mag-almusal. "Chazia kumain ka na at hinandaan ko rin kayo ng Ate mo ng kakainin niyo sa lunch mamaya," bungad ni Mommy sakin. Napatingin ako kay Mommy kung seryoso ba siya, nakangiti ito at lumapit pa sakin bago ako halikan sa pisngi at batiin. Hindi ko alam kong ano ang nangyayari kaya tumingin ako kay Ate Janica at masama itong nakatingin sakin. "Patawarin mo si Mommy kung nagkulang ako nuon," bulong nito sakin. "Upo na at pinagluto ko kayo. Simula ngayon magiging masayang pamilya tayo." Hindi ko mapigilang mapangiti ng nagsandok si Mommy para sakin. Hinawakan ni Daddy ang kamay ko. "Kain na at ako ang maghahatid sayo," sabi ni Daddy. "Ako na ang maghahatid sa mga anak natin, Dad. Susunduin ko rin sila mamaya," sabi ni Mommy na sinang-ayunan naman ni Daddy. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nararamdaman kong saya. Ang tagal kong hiniling na maging ganito si Mommy at ngayon nga ay ginagawa niya na. Masaya akong sumakay sa kotse ni Mommy dahil first time niya akong ihahatid. Hindi ko pinansin ang masamang tingin ni Ate Janica sakin na naka-upo sa frontseat. "Chazia, kamusta ang pag-aaral mo?" Tanong ni Mommy habang nasa byahe kami. "Okay lang po Mommy," sagot ko. "Ikaw Janica?" "Nakakahabol na po ako sa lahat ng subjects ko pati ang mga teacher ko ay pinupuri ako," sagot ni Ate. Napa-irap naman ako sa sagot nito halata kasing nagpaparinig dahil humarap pa sakin. Oh di siya na ang matalino. Akala ko dati magiging close kami ni Ate Janica pagbalik niya pero nagkamali ako. Lagi itong nagsusumbong kay Mommy at binabaliktad ako para maging masama ako sa paningin ng magulang namin. Ewan ko ba kasi ang bait naman niya sakin pag nakaharap si Daddy at Mommy pero pag wala na lagi niya na kong tinitignan nang masama, wala naman akong matandaan na ginawa kong mali sa kanya. "Thank you po, Mommy." Mahinang sabi ko bago ako bumaba. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay may umakbay na sakin kaya napatingin ako kay Justin. "Good morning, Chazia. Hatid na kita sa room niyo," sabi nito. "Araw-araw gumaganda ka lalo." "Kamay mo nga, ang aga-aga nambbwebwesit ka. Kaya kong pumunta mag-isa sa room," sabi ko. Natatawa naman ito na tinanggal ang kamay sa balikat ko. "Ehem!" Sabay kaming napatingin kay Mommy na lumabas ng kotse. Nakatingin na rin si Ate Janica kay Justin. "Good morning po, Ma'am Crutez. Justin po manliligaw ng anak niyo," pakilala ni Justin. "Nagbibiro lang siya-" "You are courting my daughter? Bakit hindi ka pumupunta sa bahay?" Tanong ni Mommy na parang hindi narinig ang sinabi ko. "Pwede po ba?" Cool lang na sabi ni Justin na hindi man lang natatakot kay Mommy. "Of course, mas mabuti na sa bahay mo siya ligawan kaysa sa labas. Know your limits," sabi pa ni Mommy. "Thank you po at 'wag po kayong mag-alala dahil nirerespeto ko po si Chazia. Makakaasa po kayo na hindi ako gagawa ng mali," sabi pa ni Justin. Nakita kong ngumiti si Mommy bago ako hinarap. "Mag-aral nang mabuti para hindi ako maging hadlang sa lovelife mo," sabi nito sakin. Tumango na lang ako at nagpaalam sa kanya. Pag-alis ni Mommy ay hinampas ko ng bag ko si Justin. "Pahamak ka! Kailan pa kita pinayagan na manligaw?!" "Nagpaalam na ako kay Mommy mo kaya wala ka ng magagawa. Tsaka pumapayag ka ng maging tayo pag nanalo ako sa pageant tapos ayaw mong paligawan. Hindi pwede 'yun, kailangang manligaw ako hanggang sa maging tayo. Ako pa naman ang magiging first boyfriend mo," nakangiting sabi nito at kinuha ang dala kong libro. "Tara na." Tumingin ako kay Ate Janica na nakatingin kay Justin. "Justin sabay na rin ako sayo," sabi nito at lumapit kay Justin. Hindi ako sumundo at nakatingin lang sa kanila hanggang sa mapansin ni Justin na wala ako sa likod nito. Dumeretcho ito sakin at umakbay. "Gusto mo buhatin kita? Sabihin mo lang handa akong magpaka-alila para sayo," biro nito kaya binatukan ko. Sabay kaming naglakad habang si Ate naman ay nakasimangot na sumabay samin. "Justin ano ang magiging talent natin sa Pageant?" Tanong ni Ate. Sila ang magpartner na lalaban para sa section 1. "Ewan ko sayo basta ako kakanta ako dahil haharanahin ko si Chazia baby," sagot ni Justin. Kung nasa ibang sitwasyon kami ay maiinis ako sa pambobolang ginagawa nito pero sa pagkakataon na ito ay napangiti ako sa banat niya. Ibig sabihin hindi epektibo ang ginagawang pagpapacute ni Ate Janica sa kanya. "Bye ma-babyloves," sabi pa ni Justin pagdating namin sa room. "Baliw ka," naiiling na sabi ko at pumasok na sa room. Nadatnan ko si Jian at Mara na magka-usap. Binati naman nila ako pagkakita sakin. "Jian, ikaw ang papalit sakin na maging representative ng section natin. Bawal humindi," sabi ko. "Huh? Bakit?" Tanong nito. "Kinausap ako ni Daddy kaya kailangan kong umatras. Ikaw na lang at talunin mo si Ate Janica tutulungan kita," saad ko. "Okay," sagot ni Jian. 'Yan ang maganda sa bestfriend ko hindi mo kailangang pilitin dahil oo ang sagot niyan pag alam nito sa huli ay papayag rin siya. Ayaw nang matagal na usapan. "Magkakatalo kayo sa talino," sabi ni Mara. Ngumisi naman ako ganun rin si Jian. "Total naman inis ka sa Ate ko, ang kailangan mong gawin ay talunin siya. Dapat sayo ko ipapasa ang korona," saad ko. "Sinong susuportahan mo samin?" Tanong nito sakin. "Syempre ikaw, ako ang magiging #1 fan mo sa gabi ng event. Support kami ng Mommy mo sayo," sagot ko. Nag-start na ang klase ng magpaalam ako dahil kailangan kong mag-CR. Pagpasok ko ay nakita ko si Ate Janica na kakalabas sa isang cubicle. "Chazia," tawag nito sakin kaya napaharap ako sakanya. "Bakit, Ate?" Tanong ko. "Isa ka sa sinisisi ko kaya naghirap ako ng mahabang panahon. Kung hindi dahil sayo hindi sana ako nawala sa poder nila Mommy at Daddy. Ngayong nagbalik na ako hindi ka na pwedeng magreyna-reynahan sa bahay man o dito sa school. 'Wag kang magsaya kong inihatid ka ni Mommy dahil kayang-kaya kitang siraan sa kanya. Susunod ay si daddy hanggang sa wala ng kumampi sayo," mariing sabi nito bago ako iwan mag-isa. Bakit niya ako sisisihin sa bagay na wala akong kinalaman at hindi ko man lang matandaan? Alam ko na nahirapan siya sa buhay pero hindi dahilan 'yun para ako ang sisihin niya. Hinabol ko siya at hinablot ang braso niya para mapaharap siya sakin. "Bakit ba parang galit na galit ka sakin? Ano ba ang naging kasalanan ko, Ate?" Tanong ko sa kanya. "Kung hindi dahil sa kakulitan mo hindi ako mawawala nuon. Sana ikaw na lang ang nawala at nagpakahirap sa buhay!" Galit itong umalis. Napangisi naman ako sa sinabi nito. "Sana nga ako na lang ang nawala baka sakaling maging masaya si Mommy kung Ikaw ang naiwan sa kanila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD