Author's pov Dumating si Janica kasama ang Mommy nito sa hospital kinagabihan. Bago pa man makapasok si Janica sa loob ay hinarangan na ito ni LOrgan. "Usap tayo, Anak." Tumango si Janica at sinundan at Ama na paupo sa labas ng room. "Ano pong pag-uusapan natin, Daddy?" Tanong ni Janica. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa at gusto ko na sagutin mo ako nang totoo," seryosong sabi nito. "May kinalaman ka ba sa nangyari sa kapatid mo?" Nanlalaking mata at pailing-iling si Janica sa katanungan ng Ama. "Wala po, bakit pinagbibintangan niyo ako? Alam ko na may hindi kami pagkakaunawaan ni Chazia pero hindi ko gagawin na saktan siya at ikulong sa maruming lugar na 'yun. Hindi ako masamang Ate," sagot ni Janica. "Hindi kita pinagbibintangan, nagtatanong lang ako kung may kinalaman ka. Nga

