Author's pov "Cha-cha, hey! Are you okay? Wake up," bulong ni Jayden habang mahinang tinatapik ang pisngi ni Chazia. Nawalan ito ng malay dahil na rin sa tagal ng pag-iyak. Balak sanang tawagan ni Jayden ang girlfriend na si Janica para sabihing ihahatid niya si Chazia pero naalala niya ang paulit-ulit na binabanggit nito habang umiiyak. 'f**k my family! They're sucks!' "Hindi ko alam ang nangyari pero hinihiling ko na sana malagpasan mo ang lahat," naiiling na sabi ni Jayden habang naaawang nakatingin kay Chazia. Dinala niya ito sa bahay nila at nadatnan niya ang kapatid na nanunuod sa kanilang sala. "MAMA SI KUYA NANGIDNAP NG BABAE!" Sigaw ni Raine, nag-iisang kapatid ni Jayden. "Geez, bunganga mo. Hindi ko siya kinidnap," baliwalang sabi ni Jayden at napahinto sa paglalakad na

