Author's pov "Si Chazia ba 'yan?" "Grabe mas gumanda siya sa new hair niya." "Ang sexy din." "Ang tagal niyang nawala, kamusta na kaya siya?" "Kita mo naman na okay lang siya, mas gumanda nga." "Balita ko si Sandra daw talaga 'yung sa picture kasama si Captain," saad ng isang babae. Narinig 'yun ni Chazia pero hindi niya na pinansin at dumeretcho lang sa paglalakad. Lahat ng nadadaanan niya ay nagbibigay ng daan at ang ibang may ayaw sa kanya ay tinitignan siya nang masama. "Cha," pagharang ni Jayden kay Chazia. Lahat ay nakatingin sa dalawa at maghihintay ng susunod na mangyayari. Nabigla ang lahat sa mabilis na galaw ni Chazia. Kahit si Jayden ay gulat na nakatitig kay Chazia ng bigla siya nitong halikan sa harap ng maraming studyante. Bumalik siya sa reyalidad at agad na nila

