Chazia's pov
Lumipat kami sa section C ni Jian buti na lang pinayagan kami. Ako ang nagdesisyon na lumipat kami ng section kahit ayaw ni Jian. Naawa na kasi ako kay Ma'am Fernandez, simula nuong pahiyain ito ni Jian naging tahimik na ito at hindi na kami pinapansin. Kahit late na nga akong dumating sa klase niya ay wala itong paki, ang awkward lang.
"Ikaw kasi pinahiya mo," sabi ko kay Jian.
"Mabait pa ako sa oras na 'yun," natatawang sabi nito.
Wala kaming ginawa kundi magtawanan habang papunta sa bagong room namin. At dahil nga malakas ang kapit ng bestfriend ko ay walang babalang binuksan nito ang pinto ng classrom kaya napatingin samin ang lahat pati ang teacher.
"Miss Crutez and Miss Lopez, what are you doing here?" Nakangiting tanong ng baklang teacher.
"New students po ng section C," magalang na sabi ni Jian.
Nakakunot noo na humarap kay Jian ang teacher.
"Sigurado ka ba? Ang alam ko sa section 1 ka sana-" Huminto ito sa pagsasalita at naiiling na tumingin saming dalawa. "Oh, yeah dito na pala kayo sa klase ko simula ngayon. Nasabi na sakin ng pricipal nakalimutan ko lang. Upo na kayo at hindi niyo na kailangang magpakilala dahil kilala na nila kayong dalawa."
Nagklase na ito at lahat ng studyante ay nakikinig. Nagtanong ito at walang nagtaas ng kamay.
"Naiintindihan niyo ba?" Tanong nito.
"Yes, Sir!" Sabay-sabay na tanong ng mga kaklase ko maliban samin ni Jian.
Tumingin ako kay Jian na naglalaro ng ML sa phone niya.
"Hindi mo man lang ako in-invite," bulong ko rito.
"Makinig ka na lang para may matutunan ka," sabi nito kaya pabiro kong hinila ang buhok niya. " 'Wag kang magulo nagfa-farm ako para sa late game."
"Sa gold lane ka lang dapat tapos hayaan mong mag-farm ang core," bulong ko.
"Si Justin ang core at pustahan kami kung sino ang MVP," natatawang sabi nito kaya napatingin ako sa phone niya.
Lokong Justin 'yun nakuhang magML kahit nasa klase rin partida nasa section A siya syempre kailangan niyang makisabayan sa matatalinong classmate niya hindi katulad kay Jian na kahit chill lang siya wala namang paki sa grades. Kaya niya nga ako sinamahan sa lower section
"SABI NIYO NAIINTINDIHAN NIYO TAPOS NGAYONG NAGTATANONG AKO WALANG GUSTONG SUMAGOT!" Malakas na sabi ni Teacher kaya napaayos ako ng upo. "Magco-college na kayo pero hindi niyo pa rin inaayos ang pag-aaral niyo. Nae-stress ako sa inyo, ito makinig kayo sakin. Kung hindi kayo mag-aaral nang mabuti ibabagsak ko kayo, walang magagawa ang magulang niyo kahit makipag-usap pa sakin. Kung ano ang na-compute ko 'yun na 'yun. Kaya kung ako sa inyo ay seryosohin niyo ang pag-aaral, matatalino naman kayong lahat hindi lang kayo nagseseryoso."
Natapos ang panenermon ni Sir ng oras na para mag-lunch, natawa pa ako kasi umirap ito sa klase bago lumabas.
Nadatnan namin sa canteen si Justin kasama ang ilang teammates niya.
"Chazia may bago kaming classmate," bungad sakin ni Justin pagka-upo ko.
"Lampaki," tamad na sabi ko.
"Haha, palabiro ka talaga baby-"
"Hindi ako nagbibiro at hindi mo rin ako Baby. Wala akong paki kung sino man ang taong 'yan," sabi ko at kumain na. "Thank you sa nanlibre."
"Si Justin 'yan kasi ako ang nag MVP kanina kaya siya ang sasagot ng lunch natin hanggang bukas," natatawang sabi ni Jian.
Tinignan ko si Justin na naiiling na lang kay Jian bago ako hinarap.
"Crutez rin ang apelyido ng bago naming classmate baka kako kilala mo kasi parehas kayo," sabi ni Justin.
Napatayo ako ng may humalik sa pisngi ko.
"Ate!" Gulat na tanong ko.
"Hello, Little Sis. Nagulat ba kita?" Nakangiting tanong nito.
"Dito ka na mag-aaral? Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong ko at yumakap sa kanya.
"Isusurpresa kasi kita kaya sabi ko kay Mommy na 'wag munang sabihin sayo," sabi nito. "Pwede bang maki-upo?"
Nagpadagdag ako kay Justin ng tatlong upuan dahil may mga kasama si Ate at namumukhaan ko sila. Ang mga Top sa section 1.
"I still can't believe your sister is Chazia," sabi ni Sandra. Isa siya sa mga bagong kaibigan ni Ate at ang isa naman ay si Gel.
"Bakit naman? Magkamukha kaya kami," sabi ni Ate.
"Yeah, You're both beautiful, but smart? I'm not sure," saad ni Gel na nakangising nakaharap sakin.
Alam ko naman na may ilang babae na galit sakin lalo na sa section 1. Malakas ang loob nilang magsalita ngayon dahil kasama nila si Ate. Ngumiti naman ako kay Gel.
"Thank you for admitting that I am beautiful, Gel. Gusto ko lang sabihin na smart ako kaya ko nga natalo ang Ate Michelle mo last year," malambing na sabi ko.
"Bestfriend ko 'yan," malakas na sabi ni Jian.
"That's my baby," sabi naman ni Justi.
Ang mga kasama ni Justin naman ay chineer pa ako.
"Matalino ka? Bakit wala ka sa section namin?" Tanong ni Sandra.
"30% lang ang effort na binibigay ko sa pag-aaral kasi kung pati katalinuhan ay ipapamalas ko baka mainggit na kayo sakin," nakangiting sabi ko at nakipag high five pa kay Jian.
Galit ang dalawa na tumingin sakin.
"Chazia, tama na. Mga kaibigan ko sila," sabi ni Ate Janica.
"Kaibigan mo lang Ate Janica hindi ko sila kaibigan kaya pakisabihan na 'wag akong umpisahan dahil hindi talaga ako nagpapatalo. 'Wag ang kagandahan ko ang problemahin nila dahil mas kailangan ng mukha nila ng attention," sabi ko kay Ate habang nakatingin kay Gel at Sandra.
"Chazia!"Mariing sabi ni Ate pero hindi ko siya pinansin.
Galit na tumayo si Gel at Sandra tsaka umalis. Tumayo rin si Ate at masamang tumingin sakin bago sinundan ang mga kaibigan.
Kakakilala lang nila mas kakampihan niya pa? Wow!
" 'Yun na ang Ate mo? Hindi ko feel," sabi ni Jian.
"Bakit naman? Mabait kaya sya tapos matalino rin. Kanina kasi sinubok siya ni Ma'am Dolores at tinanong ng paulit-ulit nasagot naman niya," sabi ni Justin.
"Hindi ko sinabing bobo siya, ang sinabi ko hindi ko siya feel. Kita naman di ba? Iniinsulto ka na nakangiti pa siya," pa-irap na sabi ni Jian.
"Totoo naman, kanina kinukompara ka sa kanya tapos nakangiti pa hindi ko man lang narinig na pinagtanggol ka niya. Hindi ko rin siya gusto kahit mabait siya," sabi ni Jed ang isa sa kateammates ni Justin at nasa section 1 rin.
"Sssshhh, nag-aadjust lang 'yan kasi mahirap ang pinagdaanan nuong nawala. Nahihiya pa siguro at ayaw pa na may makaaway kaya tahimik lang pagdating sakin. Intindihin na lang," sabi ko.
Ate ko naman kasi kaya kahit nararamdaman ko na may mali sa ugali niya hindi ko na lang papansinin.
Natapos ang klase at nag-enjoy naman ako sa section C dahil puro tawanan lang at lahat approachable.
"Hatid na kita pauwi," sabi ni Jian na sinang-ayunan ko naman.
Malapit na kami sa parking area ng mapansin ko si Ate Janica na nakatayo lang habang nakatingin sa phone nito.
"Isabay na lang natin si Ate," sabi ko kay Jian.
"Okay."
Malapit na kami ng hawakan ni Jian ang kamay ko kaya napahinto ako. Nakita ko ang pagparada ng sasakyan sa harap ni Ate.
Kotse ni Mommy.
Wow, ni minsan hindi niya nagawang pumunta sa school para sakin. Hindi niya ako nagawang ihatid o sunduin man lang kahit ilang beses akong nakiusap, lagi nitong dinadahilan na busy siya. Sa nakikita ko ngayon mukhang madami siyang libreng oras.
"Wow, 'di ba isa 'yan sa wish list mo? Ang sunduin ka ng Mommy mo mula sa school," rinig kong sabi ni Jian habang parehas kaming nakatingin sa palayong kotse ni Mommy. "Kakaiba ang Mommy mo, mukha siya loving mother ngayon. Tara na nga."
Hinila na ko ni Jian papunta sa kotse nito.
"Namiss niya lang si Ate," nakangiting sabi ko kay Jian na nakatingin sakin na parang naaawa. Ang pinaka ayoko sa lahat ay kaawaan ako.
"Oo na lang," naiiling na sabi nito.
Pag-uwi ko sa bahay nakita ko si Mommy at At Janica na kumakain.
"Nag-bake talaga ako para may makain ka pag-uwi mo. Kamusta ang first day mo sa Veda University?" Tanong ni Mommy.
Sumandal ako sa wall para hindi nila ako makita.
"Okay naman po, Mommy. Natuwa sakin 'yung teacher namin kasi lahat ng tanong niya nasagot ko. Kaya ko na raw makipagsabayan," sagot ni Ate.
"Syempre mana ka sakin maganda at matalino," sabi ni Mommy kasabay nang masayang tawa.
May part sa puso ko na gusto kong mainggit kay Ate Janica dahil sa kanya ginagawa ni Mommy ang mga bagay na matagal ko ng gustong gawin ni Mommy sakin. Gusto ko ring magalit kay Mommy dahil feeling ko ang unfair pero mahal ko sila pareho at hindi ko kayang magalit kay Mommy. Iintindihin ko siya na gusto niyang bawiin ang mga oras na hindi niya nakasama si Ate.
Hindi na ako dumeretcho pumasok at naglakad na lang paalis papunta sa gate ng subdivision. Tinawagan ko rin si Justin at sabi ko sunduin niya ako at samahan mag mall.
"Zup," bati nito sakin. "Masaya na ako kasi first time mo akong yayain tapos makikita kita na nakasimangot, may problema ba?"
"Nag-crave lang ako sa ice cream kaya magpapalibre ako sayo," sabi ko sa kanya. Ayoko naman sabihin na nagseselos ako kay Ate ko kahit hindi ko gusto.
Tumahimik lang ito hanggang samakarating kami sa DQ.
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Tanong ni Justin habang nagsho-shopping na kami. "Alas-seis na."
"Hindi naman ako hahanapin duon," sagot ko. "Pero sige uwi na tayo pagod na rin ako at gusto ko ng magpahinga."
Hinatid ako ni Justin sa harap ng bahay.
"Thank you," sabi ko.
"Alam ko na hindi ka okay, hindi mo kasi ako sinungitan. Kung ano man 'yang iniisip mo o problema mo kaya mo 'yan," sabi nito kaya napangiti ako.
Pagpasok ko sa loob ng bahay nakita ako ni Mommy at Ate Janica na nasa sala.
"Saan ka galing? Anong oras na ah," sabi ni Mommy sakin.
"Baka kasama niya ang Boyfriend niya, Mommy. 'Di ba little Sis?" Singit ni Ate.
"Hin-"
"Unahin mo ang pag-aaral hindi ang lalaki. Tumulad ka sa Ate mo na unang araw pa lang na-impress na ang teacher niya sa kanya," pagkukumpara ni Mommy.
"Wala po akong boyfriend," mahinag sabi ko.
"Mommy nagbibiro lang ako sa boyfriend, haha. 'Wag masyadong magseryoso bahala ka tatanda ka niyan," biro ni Ate at agad namang napangiti si Mommy.
Nilampasan ko na sila at pa-akyat na ako sa room ko ng tawagin ako ni Mommy.
"Chazia," tawag nito.
"Po?" Sabi ko at hinarap siya.
"Pinalipat ko na ang mga gamit mo sa kwarto ni Ate mo. Palit muna kayo," sabi ni Mommy.
"What? Hell No!" Inis na sabi ko.
Galit naman itong tumayo at tinignan ako nang masama.
"Are you yelling at me?" Tanong nito.
Yumuko ako at kinagat ko ang labi ko para hindi makapagsalita.
"Little Sis pasensya na ako ang nagrequest kay Mommy. Gusto ko kasi na malapit ang room ko sa kanila para madali akong makapunta sa kwarto nila pag nanaginip ako nang masama," paliwanag ni Ate.
Hindi na ako nagsalita at pumunta sa kwarto niya dito sa 1st floor. Nailipat na nga lahat ng gamit ko.
Nakita ko ang sarili ko sa salamin kaya ngumiti ako.
"Okay lang, kwarto lang naman 'yun. 'Wag mag-drama sayang ang ganda."