Part 1 ( THE STORY )
Jane...
Jane..
Jane.
Jane!!!
"Hoy kuya Tristan! nanaginip ka nanaman puro ka jane! Late kana sa school !" Bulyaw ng kapatid kong si Thea masakit ang pisnge ko at namumula,sinampal bako ng bugok nato?
"Late. Late!! Ako late?! Anong oras na?" Tanong ko dito at natataranta hawak hawak nya ang selpon nya at tinignan ito.
"7:30! Kaya bumangon! kana! Puro ka Jane sino bayun ha? Hindi kapa nga magigising kung hindi kita sasampalin!" sermon nya at tuluyang umalis ng kwarto ko
Arghh late nako.. Sinampal ako ng bugok kong kapatid tumingin ako sa salamin at nakita ang pulang pulang pisnge ko "grabe kana talaga Thea!!"
Pumasok ako sa cr at nag madaling maligo 8am ay start ng klase namin,baka hindi ako papasukin ng guard.
After 20 minutes*
Tyron "Pst! Tristan? si Aldrei nasa labas hinihintay ka" tawag nito sa akin habang hawak hwak ang dyaryo at nag babasa
Aldrei "Hoy Kapre! Late kana! Bilisan mo nga jan!" rinig ko ang boses ng kaibigan ko mula sa pinto ng bahay nakita ko itong naka tayo at halatang natatawa sa itsura ko anong kalokohan nanaman ang pumasok sa isip nito
7:50 am pag tingin kosa suot kong relo nag madali akong kinuha ang bag ko para pumasok sa school.
"Wait lang Aldrei"
Gamit gamit ang motor ni Aldrei naki angkas nalang ako para sabay nakami.
Habang nasa byahe tawang tawa sya sa hindi ko malamang dahilan.
Aldrei "alam mo bro lagi kanalang pumapasok ng may bakat na sampal sa pisnge mo HAHA siguro kung ako sa kapatid mo,tabla ang isasampal ko sayo HAHA" pang aasar nito at hindi mapigilan ang pag tawa
"Nanaginip nanaman kase ako,kainis lagi nalang akong binabangungot dahil sa babaeng yun" sambit ko
Aldrei "Sino ba talaga kase yang Jane nayan tol,oo nga pala mamaya 6 pm na ang pasok natin new schedule at 11 pm na ang uwian si boss kase nag iba isip" wika nya na ika laglag ng panga ko
I'm Tristan Montero 20 yrs old, matangkad kaya madalas na tawaging kapre.
Mahilig ako sa history at mystery ang mga fantasy na malabong mang yare sa reality and I'm a writer too.
Madalas kong isulat na mga kwento ay mystery kasabay nadin ang fantasy Parallel universe, reincarnation, werewolf,vampire story etc.. Basta malabong mang yare sa reality dinadaan kosa imagination at sinusulat.
Tinatawag akong Mystery author ng mga readers ko dahil nga mystery din ang takbo ng kwento at hindi ako nag rereveal about sa buhay ko,ni tunay na pangalan ko ay hindi alam ng mga readers ko kahit na nag investigate sila, mautak ako eh.
Pangalawa ako sa mag kakapatid si kuya tyron,ako at si Thea na bunso na nag aaral ng grade 9... Si kuya Naman ay 23 yrs old malapit nasyang mag tapos ng collage kaso mahilig sa bolakbol. Si mama naman ay nag tratrabaho din pero si papa na diagnose Ng kidney disease kaya doble kayod talaga ang kailangan.
1st year ako sa college in Del Valle University at working student,ang hirap maging mahirap kung alam nyolang sa umaga papasok at sa gabi naman trabaho, halos hatiin kona ang katawan ko para pag sabayin lahat yun,8 to 2:30 pm ang skwela,6 to 11 pm ang trabaho kosa restaurant kailangan ko gawin to para sa pang tustos sa tuition at gastusin, kahit ilang oras lang ang nagiging pahinga ko buti at buhay panaman ako.
Si Aldrei ang naging kasangga ko simula Bata pa kami naiintindihan nya lahat sa akin parehas lang ang level ng buhay namin, kung ano ako ay ganon din sya.
Aldrei "Wag kang mag alala bro, malalampasan din natin toh" pag pagaan nya sa loob ko.
Sa buhay na ginagalawan ko ang g**o g**o pero patuloy ang laban ko para sa pamilya ko.
At the school*
8:15 am //
Guard "Sige pasok. Kung hindi lang talaga kayo working student hindi ko kayo papasukin dito" Saad ng guard agad akong nag madali papuntang classroom
Naabutan namin si prof na nag didisscuss
"sorry prof I'm late" pag papasensya naming dalawa ni Aldrei
Alam naman ni prof na working student kami kaya mauunawan nya kami at mga kaklase namin.
Prof "it's ok , take your seat" tugon ni prof buti nalang si Ms. Ara ang prof ngayon,kase kung si ser Franco talagang kawawa kaming dalawa ni Aldrei.Ikaw banaman ang mabigyan ng punishment.
Malapit na ang checking madali kong natapos ang asignatura dahil nag review ako kagabi at 1 am nanga ako natulog eh tapos sampal pa aabutin kosa kapatid ko.
Francine "Tristan oh eto ung assignment alam kong nalimutan mong gawin" saad ng kaklase ko sabay ngiti sa akin
"Ha!? What? Oo nga pala may assignment hayss napaka malilimutin ko talaga" Dali Dali Kong kinopya ang assignment dahil minuto nalang ang natitira at checking na
Narinig kong nag tatawanan ang iba kong kaklase "Tristan! lagi kanalang pumapasok na pula ang pisnge nasampal ka nanaman ba ng kapatid mo?" Tanong nila habang tumatawa tinakpan konalamang ng panyo ang pisnge ko ang sama kasi nitong tignan.
Aldrei "Hayaan Mona bro sa susunod, agahan mo na kase gising mo para hindi ka nakaka tanggap ng sampal" advice ng hinayupak kong kaibigan na tumatawa din naman.
Fast forward..
Aldrei "Kita nalang tayo mamaya sa restaurant kapre!!" sigaw nito saakin
"Oo na, mamaya nalang ako naman susundo dito" sambit ko na ikinagulat nya
Aldrei "Waw sya naman susundo saken baka tulog ka pa mamaya, pero iintayin kita kapre labyow bro"
"Kadiri ka! Umalis kananga" Saad ko dito
Alam kong nag bibiro lang sya pero dina nakakatawa kahit nakakatawa.
Aldrei "Oa monaman bro dika mabiro" sabay alis nito
"Ingat!!" Sigaw ko.
After ng class nag desisyon akong bumisita sa lugar na lagi kong pinupuntahan tuwing walakong magawa at nalulungkot ako.
Ang secret garden. Hindi ko alam kung bakit nagiging abandonado ang lugar na ito eh ang ganda ganda kayang pag masdan dapat dito naka public pero madami daw misteryo ang lugar na ito,madaming natatakot na Pumunta dito dahil baka daw mahawaan sila ng sumpa mula sa lugar nato,eh mga fantasy lang naman yun,saka alam kong malabong mang yare yung mga ganon sa reality ang wierd naman nila.
Ilang minuto lang ang nilakad ko papunta sa lugar naiyon..pinaka dulo kase toh ng aming barangay sa una ay mapapansin mong wala-lang ang sulok na ito nabalot Ito ng mga halaman na gumagapang kaya natakpan ang gate,madami din ang kumokontra na puntahan ang lugar na ito dahil nga sa mga kwento pero hindi ako naniniwala sa mga ganun kahit na favorite ko ang mystery. Natabunan ang gate ng mga bulaklak at pag pasok ko may makipot na diretsong daan,nilakad ko yun at napakalapit lang naman. Bumungad sakin ang nag gagandahang mga rosas at tulips dito madaming bulaklak na nakapaligid dito buti nalang at may daan pasa ilang bahagi nito na nabuo napakalinis dito at sariwa ang hangin tanging huni ng mga ibon ang nag sisilbing ingay. Nakita ko ang paborito kong spot sa puno nang narra na nasa taasan ng burol perfect spot to dahil pag akyat mo dito tanaw mona lahat ng ganda ng secret garden nato ang puno na nasa harap ko ang gnda nyang pag masdan ngunit may naka ukit na pangalan dito na hindi kona halos malinawan dahil putol putol na bawat letra pero diko Ito pinapansin ang mahalaga sakin ay ang ganda at katahimikan ng lugar na Ito.
Naupo ako at sumandal sa puno...May pang yayare akong hindi malilimutan sa lugar na ito ang babaeng yun.
Flash back*
15 yrs old Tristan..
"Woah!! Sobrang ganda dito ngayon kolang nakita toh,siguro hindi naman ako hahanapin nila Aldrei HAHA bahala sila ang akala nun ay dumiretso ako sa bahay,ngayon kolang nakita at napuntahan ang lugar nato pero sobrang ganda kaso sino ang nag aalaga nito?" Tanong kosa aking sarili kahit hindi kodin alam ang aking isasagot.
Nakita ko ang malaking puno ng Narra sa gitna ng burol tumakbo ako papunta doon dahil sa sobrang galak.
Habang tumatakbo ako papunta sa taas ng burol isang babae ang nabangga ko.
"Aray" bunyag nito sabay napa upo sa damuhan dama ko din ang pag sakit ng braso ko sa lakas ng pag ka bangga "Sorry miss" pag papatawad ko dito
Tumayo sya at nasilayan ko ang kanyang mukha,napakaganda nya sa totoo lang ang katulad nyang parang anghel..
Mala porselana ang kutis nya sakto lang ang tangkad na meron sya.
Ang buhok nya na mahaba at straight,lalong bumagay sakanya ang suot nyang kulay pulang dress,at napansin ko ang kwintas nya na lalong nag pa ganda sa awra nya.
Nag tama ang tingin namin sa isat isa, at isang emosyon ang hindi ko maintindihan,ang kamay kong gusto syang yakapin,ang mga mata kong nais mag patak ng mga luha, sa diko malamang dahilan iba ang takbo ng oras na parang bumabagal ang panaginip na parang nag kakatotoo. Ang emosyon na hindi ko maintindihan galak,lungkot,takot,kaba, halo halong emosyon na nais kong malaman kung bakit ganito pero,natameme ako at nanatiling naka tulala Hindi ko maintindihan ang daming tanong na hindi ko mabigyan ng kasagutan sino ba sya? bakit sya nandito? Ang kwintas na suot nya na hindi ko maalis sa paningin ko dahil nalalapit ang pag kakahawig nito sa kwintas na binigay ni Lola na ilang taon konang inaalagaan bago sya mamatay.
"Huy, tulala ka?" Pansin kong sambit nito
"So-sorry nga pala nasaktan kaba?" Pag aalalang tanong ko dito nakita ko ang galos mula sa braso nya agad kong hinawakan ang kamay nya at binigyan Ito ng band aid sakto at dala ko ito bigay sakin ni Aldrei to dahil napaka lumpo ko tumakbo.
Nang mailapat ko ang aking kamay parang kuryente ang tumama sa buong pag katawan ko nang hihina ako.
"Halika!" Sabay hila nya sa kamay ko sabay naming inakyat ang burol at naupo kami sa ilalim nito.
"Oh ayan tapos na salamat sa band aid ha" pasasalamat nya
"Ok lang galing yan sa kaibigan ko binigay saken nalumpo kase ako habang tumatakbo pero mas malala yang sugat mo kaya sayo nayan" saad ko dito habang nahihiya "ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko dito nakita ko ang pag tingin nya sa langit ang ganda talaga nya lalo na sa malapitan.
"Just call me Eya, eh ikaw?" Tanong nya habang naka ngiti
" Im Tristan, Pero TanTan nalang " kamot kosa ulo ko
Eya " Nahiya kapa, ang ganda ng paligid noh?Sambit nito
" Pero bakit imbis na ipakita Ito sa mga tao nantiling sikreto tong lugar nato? " Tanong ko sa kanya at nag iba ang dating ng reaksyon nya..
Huminga sya ng malalim.
" Sabi nila, na ang lugar na Ito ay isinumpa,dahil may aksidenteng nang yare dito matagal na panahon na,dalawang taong labis na nag mamahalan pero hinadlangan sila ng tadhana, mas pinili ng lalaki na mamatay, ang babae naman sinisi ang mundo pati nadin ang sarili nya dahil kung lumaban sana sya,ay nabuhay pa ang lalake umulan ng malakas at kumikidlat ng gabing iyon.Kasabay ang mabilis na pag papatakbo ng sasakyan nung babae na sya ding ikinamatay nito ang pangako nila sa isat isa ay mang yayare sa susunod na buhay nila.Pero Isa palang yun sa mga narinig ko,dahil ang naging ugat daw ng lugar na ito ay dahil sa nadin sa mga tao,may dalawang mag asawa na ngangalaga dito, dito sila naka tira at namumuhay,pero madaming taong may galit sakanila dahil sa pag mamahalan na meron sila, na pati ang magulang nila ay nagalit sa kanila, ipinasunog ang lugar na ito, nag karoon ng barilan ng gabing iyon, nabaril ang lalake na labis na ikinalungkot ng asawa nito, inilibing ang lalake dito mismo sa burol na Ito, matapos ang trahedya inalagaan ng babae ang lugar na ito ng mag isa tinaniman nya ng mga bulaklak at sari saring halaman,at ang puno na Ito ay daang taon na daw na nabubuhay,hanggang isang araw nag kasakit ang babae at hindi na nito kinaya namatay ito at naiwan ang anak nyang sanggol palamang, ang mga taong nag pupunta dito ay pinabayaan ang lugar, tinapunan ng mga basura at pinag pipitas ang mga bulaklak, Ang magandang lugar na ito ay napuno ng basura at sa tuwing pupuntahan ng mga tao ang lugar na ito nag kakaroon nang malakas na pag ulan at pag kidlat dahil ang ibig sabihin nun ay umiiyak at nagagalit ang mag asawa sa tuwing pinababayaan ang kanilang lugar, madaming tao ang nag babalak Pumunta dito ngunit madaming nauuwi sa trahedya. Madalas bawat kapares na alam ang lugar na ito ay mag kakaroon daw ng pag subok katulad ng nang yare sa mag asawa. Kaya simula noon ninais ng mga Tao na iabandona ang lugar na ito wala nading nag balak na pumunta dito dahil natatakot sila, malakas lang ang loob at ang paniniwala at kung sino ang handang mahalin at pangalagaan ang lugar na Ito ,ay sya lang din ang makakaligtas " kwento nya na ikinaiyak ko
" Ang haba Ng kwento eya nakakaiyak misteryo nga talaga Ito, pero akalain mo na ganito pala kaganda ang isang sinumpang lugar " banggit ko.
Eya " kwento lang sa akin ng Lola ko yun dahil naka punta na sya dito at nakausap pa nya ang anak ng mag asawa na syang naging kababata nya " Saad nya na labis na ikinagulat ko.
" Nasaan ang anak ng mag asawa buhay pa ba sya ? " Tanong ko
" Oo buhay pa ito at tahimik na namumuhay ngayon,may sariling pamilya nadin daw Ito " sambit nya na ikinatahimik ko
" Kung ang puno na Ito ay kayang nakakapag salita, siguro ang dami nang nabiktima at naging kwento sa lugar nato "
Eya " oo nga, at handa kong pakinggan yun dahil Sabi nila kapag hindi modaw ipinag laban ang minamahal mo parehas kayong mawawala sa mundo " salita nya na pinag taka ko..
" Ang weird pero interesting eya "
End of flash back...
Ang babaeng yun marami syang alam sa lugar na ito hindi ko maintindihan,ang emosyon nayun dahil simula noon ay hindi kona naramdaman ang ganong emosyon sa ibang Tao.
5:10 pm nag simula akong tumayo at nag balak na lumisan na pinag masdan ko ang bawat paligid napansin ko ang kwintas na naka sabit sa maliit na sanga ng puno " anong!? " Sobrang saya ang naramdaman ko ang bilis ng t***k Ng puso ko..
" Eya nag balik ka! "
Dali Dali Kong nilisan ang lugar dahil baka mahuli ako sa trabaho nilagay kosa bulsa ang kwintas alam kong sakanya to tandang Tanda kopa.
Nag balik ka Gaya ng sabi mo..
Bawat araw na duma daan laging may hinahanap ang puso ko, laging may gustong puntahan ang mga paa ko at laging may tumatakbo sa isip ko na hindi ko maintindihan mga tanong na malapit na ang kasagutan...
Ikaw ang hinahanap ko at alam ko sa sarili ko yun.Pero saan ako mag uumpisa..
Eya...