( ITS ME EYA )
Althea POV
Rose "Althea, help me!!!" Sigaw ng kaibigan ko gabing gabi na, tapos inaantok nako 9:30pm pag tingin kosa cellphone ko, saka may pasok pako bukas arghh rose! Binato ko ito ng unan dalawang beses at nasapul ko sya sa mukha
"Transfer ako sa new school bukas! Ayokong ma late,wag ka ngang maingay! Nakakarindi ka patulugin mo naman ako" galit ko dito habang nang lilisik ang mga mata
Rose "grabe kanaman Bess! Kase naman eh yung online bf ko na ghinost ko! Hoy sa del valle pumapasok. Anong gagawin ko Althea!? "Pag mamakaawa nito dalawang kama ang nasa kwarto,at sya ay malapit sa pinto samantalang ako nandito at katabi ang bintana tanging lamesa ang nasa gitna namin na may lamp shade, nakita ko ang pag tayo ni Rose at hindi sya mapakali sa nang yayare.
Rose "pano nato,siguradong makikita kosya,anong gagawin ko,mag tatago bako? Haharapin ko ba sya? no self dedmahin mosya? Rose mag isip kanga!!" Sunod sunod na sambit nya sa sarili nya, para na syang baliw likot dito likot doon,tapos kinakagat nya sarili nyang kuko may nail cutter naman ah! may saltik batoh.
"Harapin mo sya! Sabihin mo may cancer ka,oh kaya na hospital ka HAHA oh kaya naman pag nakilala ka nya sabihin mo dimo sya kilala, ako na ang bahala mag sabi na nag ka amnesia ka, tapos kinailangan molang mag pagaling easy" Saad ko habang natatawa
Rose "bess, alam mo mas malakas pa ang saltik mo saken! Bahala na bukas basta tutulog nako" nahiga ito at natahimik nalang, inantok ata sya kakalikot at kakaikot sa kwarto,dahil sa ghinost nyang lalake na ngayon ay ka same school nya HAHA hilig mang ghost e yan tuloy...
Ilang minuto ang lumipas.
Nawala ang aking antok nanatili akong naka tulala sa bintana pinag mamasdan bawat bituin ang ganda nila.
Buti pasila.
Malaya..Malaya nilang natatanaw ang buong mundo, Malaya nilang mababantayan ang kalawakan. Yung mga ibon,malaya nilang nagagawa ang gusto nila... Naiingit lang ako sa ibang pamilya na kahit mahirap lang sila,dama ko ang saya ng pamilya nila.
Ako eto kumpleto ngunit hindi masaya. Hindi ko ninais ang mga luho nila ang ninanais ko ay ang pag mamahal na galing sa kanila.
Wala silang oras sa akin lagi silang naka tutok sa trabaho ang mahalaga sakanila ay ang trabaho.Hindi nila alam na ako na anak nila ay walang hinihingi kundi ang tanging atensyon lang nila.
Gusto ko yung taong makakatanggap sakin yung kung sino talaga ako, hindi katulad ng hahadlang sa mga gusto ko.
Mom "gusto ko maging ambassador ka ng company naten anak"
C.E.O
AMBASSADOR
Mga posisyon na hindi ko gusto
Ayokong humawak ng kompanya ayaw kong maging galante. Hindi ko tanggap ang buhay na ginagalawan ko ngayon,mayaman kami oo, madaming sumasamba at nag tataas tingin sa aming pamilya, maraming taong nag sisilbi sa amin. Pero ayoko nun,gusto ko simpleng buhay!!
Mom "Kung ano ang gusto namin para sayo yun ang susundin mo!,para nadin sayo yun Althea"
Para sakin ba talaga oh para sa sainyo Lang? napaka selfish nyo,pano nman ang kasiyahan ko.Paano naman mga kagustuhan ko habang buhay bakong dapat nakatali sa bawat desisyon nyo.
Ayoko nang pamana ayokong humawak ng kompanya, gusto kong magawa ang lahat ng bagay nang walang humahadlang saakin,,gusto kong masaksihan ang mundo. Maging malaya kasama ng malalayang desisyon kosa buhay ng walang humahadlang.
Althea Fransisco 19 yrs old,1st year collage sa bagong school na papasukan ko in Del Valle University,my mom is a business woman,si daddy naman ang nag papa takbo ng company namin sa states.
All I want is just a freedom,simple life and silenty. Sa buong buhay ko hindi ko man lang narinig ang salitang support mula sa parents ko.
Madalas pa nila akong ipag kasundo sa ibang anak ng mga ka business partner nila,to make more highest level ng company,pero sa lahat ng boys na pinag kasundo nila failed for me.
Rose is my cousin. Since birth na kaming mag kasama sa lahat,same lang naman ang takbo ng utak ng parents namin,kaya parehas lang namin gusto ni Rose ng freedom.
Tristan POV...
10:30 na nang gabi at malapit na mag sarado ang restaurant, limang table nalang ang may laman, dahil wala pang umoorder.
Naupo ako sa table nilalamig ako at parang lalagnatin.
Aldrei "malapit na ang uwian! Yey yey" masayang wika nito habang nag sasayaw sayaw sa harap ko para tong baliw na nakawala sa mental hospital.
Aldrei "woy kapre dika ba masaya Jan?" Tanong nito at hinawakan ang kamay ko
"Tr-tristan woy ang init mo nilalagnat ka!,tristan! Bro"
Narinig kong sambit nito ngunit nang hihina ako parang nawawalan ako ng lakas tumayo...
Fast Forward...
Nagising ako ng umaga kaso sobrang sakit ng ulo ko. Pag tingin kosa paligid ko napansin kong nasa condo ako ni Aldrei, dito sya nag sta-stay dahil nadin malapit Ito sa school,dito din ako minsan natutulog. Nagulat ako ng may pumasok sa pinto,si Francine.
Francine " finally your awake Tristan, si Aldrei na ang nag sabi kay prof na nilalagnat ka,absent ka ngayon sa class" bati nito pero na natili akong naka upo sa kama
"Pero bakit ka nandito?" Tanong nito sa akin.
Francine "Ako ang tinawagan ni Aldrei ka gabi dahil wala syang alam kung anong gagawin sayo,tapos para syang baliw kagabi,tawang tawa nga ako eh"
Flashback..
Dinala ni Aldrei si Tristan sa condo nya dahil malayo ang bahay nito.
Tinawagan ni Aldrei si Francine at pinapunta sa condo dahil hindi nito alam ang gagawin.
Aldrei "nandito kana. Francine si Tristan ang taas ng lagnat, hindi pa naman sya mamamatay diba?! Diba!?" Paulit ulit na na saad nito habang awang awa kay Tristan.
"Tristan gumising kana. Boy hindi ko kayang mawala ka!"
"HOY kapre! Sorry na! Plss dinatalaga kita aasarin"
"Kapre!! Wag kang mawawala kapre huhu"
"Tan Tan hoy bugok! gumising kajan"
"tan tan promise tatantanan nakita,diko na talaga babasahin lagi diary mo"
"Tan tan plss naman bumangon kana Jan"
"HOY! Alam mobang mahal ang kabaong!? tapos Mahal din ang pag papalibing! May ospital pa! Walakong pera TanTan!!"
Francine "woy Aldrei! Hindi mamamatay si Tristan! nabinat lang yan kaka trabaho kaya nang hihina sya,"
Kumuha si Francine ng maligamgam na tubig at nilagyan ito ng kaunting suka,binabad nya dito ang towel at ipinunas sa katawan ni Tristan.
Aldrei "woy! Francine!? Gagawin mobang paksiw si Tristan?" Natatarantang tanong nito
Francine "Hindi Noh! Gamot kaya ito pag nilalagnat palibhasa dika pa ata nilagnat e"
Aldrei "sorry, mag kababata kami nyan e,pero ngayon lang yan dinatnan ng mataas na lagnat.Kase naman eh todo kayod sa trabaho at pag aaral kaya ayan"
Francine "bilib ngako kay Tristan, ang sipag nya, at ang swerte ng babaeng mamahalin nya,dahil napaka gentleman nya" sabay tingin kay tristan
Aldrei "tutulog nako ikaw na ang bahala sakanya ha,may pasok pako bukas sa school ako na bahala mag sabi kay prof" pumunta na Ito sa kabilang kwarto at nag umpisang matulog.
Habang pinupunasan ni Francine si Tristan
Eya...
E-ya
Francine " eya?" Tanong nito sa sarili habang nag tataka kung sino si eya.
"Kung alam molang Tristan na matagal konang gustong sabihin toh pero natatakot ako,Mahal kita Tristan. " Sambit nito sabay buntong hininga..
End Of Flashback..
"Salamat Francine ha,nakakahiya na sayo kase,lagi kang nanjan pag kailangan kita" Saad ko dito at hinawakan ang kamay nya
Francine " oklang,sige mag pahinga kanalang muna may niluto ako nandun sa kusina,kaya mona ba ang sarili mo? Sasaglit lang ako sa school para kunin ang ibang forms ko sa principal office, walakong klase ngayon e " sambit nya umalis na.
Nag tungo ako sa kusina at nag simulang kumain,nang hihina parin ang katawan ko at medjo nahihilo.
Buti nalang talaga at dumating si Francine si Aldrei kase walang alam sa pag gagamot yun akala siguro nun kagabi mamatay ako.
Si Francine ay kasama kona din sa lahat simula g10 kami,may Oras din na ako ang kinukuha nyang tutor sa tuwing nahihirapan sya sa mga subjects, sa tuwing sinasaktan naman sya ng mga talinpadas nyang naging bf, ako ang laging nandito para sakanya,kahit na sobrang iyakin nya.
At the school*
Althea POV
Ang laki naman pala ng University natoh pero mas malaki ang University na pinasukan kosa manila.
Rose "bes!! Makikita kosya dito" Halos naiiyak na sa kaba
"Malaki naman ang school,at malay mo dikayo mag tagpo "Saad ko at hinampas Ang balikat nya" hanggang dito banaman yan padin ang iniisip mo!"
Rose "oo na. Class A Tayo bess ang prof natin ay si ser Franco?, Hiro!! Halika nga saan ang class A!?" Bulyaw nito sa kapatid nya, may alam ito sa school nang del valle dahil dito sya pumasok Ng senior..
Hiro "dito Ate! Daldal mo.." pag mamaktol nito habang nag lalakad
Sinundan namin Ito, madaming nag titinginan samin at naiilang ako.
Sila ba yung new student?
Ang ganda naman nila noh?
Sana kaklase ko nalang sila..
Sunod sunod na mga bulungan na naririnig ko,naiilang ako at hindi sanay pero umawra ako na parang walalang at nilakasan ang loob ko.
Madaming lalake ang nag titinginan din sa amin ni rose,pero binalewala kolamang Ito.
Rose "sa wakas eto na ang class A thanks hiro! Pwede kanang lumayas" sambit nito kay Hiro
Hiro "lagot ka sakin mamaya ate mag hintay ka pananakot nito kay Rose
"Ang mag kapatid nato laging mag kaaway"
Dahan dahan akong tinutulak papasok ni Rose sa room, nakatingin lahat samin ang mga estudyante at si prof..
Prof Franco "Class! meet Althea and Rose your new classmates, Althea and rose introduce your self" sambit ni prof at tumingin samin
Nauna akong mag pakilala kahit na labag sa organ ng kaloob looban ng katawan ko.Pero sanay nadin ako kaya nilakasan konalang talaga ang loob ko.
"It's me eya! My full name is Althea Fransisco just call me Eya for short I'm 19 yrs old"
Sumunod Naman si Rose
"I'm Rose khane Fransisco 20 yrs old I'm Althea's cousin, just call me Rose"
Naupo kami sa bakanteng upuan sa gitna at mag katabi kami ni Rose...
May lalaking pumasok mula sa pinto sakto ang tangkad nito at mestiso,oo gwapo na medjo cute pero hindi ko bet may dala dala itong mga papeles na form yata may kasama syang babae,maganda Ito at matangkad pa sa akin ng konti,sakto lang ang haba ng buhok nito na medyo curly,maputi sya pero mas maganda ako che..
Prof "oh Aldrei and Francine eto naba ang form na pinapakuha ko?"
Francine "yes prof, I'm need to leave now may lagnat si Tristan at Wala pong mag aalaga sakanya. I need to go" pag papa alam nito
Prof "excuse class, may dadaanan lang ako,8:15 start ng klase" sabay alis
Aldrei "Francine.. Pasabi kay TanTan Ingat sya ha!?" Sigaw nito
Napansin kong likot ng likot si Rose mula sa tabi ko na habang takot na takot tinatakpan nya ng libro ang mukha nya.
"HOY ulaga? Anong nang yayare sayo!?"
Rose "S-sya y-yung g-hinost ko Althea "sabay palihim na turo dun sa Aldrei
"pogi naman ah, edi kausapin mo kaya moyan mag sorry ka or sabihin mo nag ka amnesia ka"
Pang aasar ko dito at napansin kong papalapit ang yung Aldrei sa amin may bakante pang upuan sa tabi ni Rose umupo Ito sa tabi ni Rose na ikinagulat ko na medjo kinilig sa dalawa.
Student 1 "aldrei, ngayon kolang napansin na nilagnat si Tristan kamusta na sya"
Aldrei "Grabe boy! Ang takot ko akala ko mamamatay na sya,pero dumating si Francine sabi nya nabinat lang daw"
Student 2 "Sipag kase ni Tantan eh,malapit panaman ang exam nya para sa laban nya sa contest tapos absent sya"
Aldrei "kayo pala new classmates namin,Btw Hi?, Bat ka nag tatakip ng mukha" Tanong nito kay Rose na halos tawang tawa nako sa nakikita ko siguradong sasabog sa kaba tong si Rose.
Bigla ko muling naisip ang pangalan kanina..
TanTan??
Tristan??
Tan..Tan..
Pangalan na gumugulo sa isip ko pamilyar ang pangalan nayun saken.
Naalala ko tuloy ang secret garden pupuntahan ko ito mamaya...
TanTan. Napangiti nalamang ako sa pangalan nayun.
Rose "Althea!! Help plss help me, si-si Aldrei sya nga"
"Hi Aldrei I'm Althea, and this is Rose Khane call her Khane " sambit ko dito dahil Khane ang dalang name ni Rose sa social media.
Kinuha nung Aldrei ang libro na humarang sa mukha ni rose
Aldrei "ikaw! Hoy miss ghoster!!"
Kinurot ako ni rose ang tagiliran ko at napatayo ako sa sakit
Rose "Althea!!" Sigaw nito habang nanlilisik ang mga mata
Aldrei "hoy Khane! Ang lakas ng loob mong I ghost ako alam mobang mahal kita!? Tapos sinaktan molang ako! Seryoso ako sayo kahit na mag kalayo tayo! tapos,tatakasan molang ako! Bakit moko blinock!? Hindi kana nag paramdam tapos ngayon mag papakita ka!!! Isa kang dakilang multo ng unibersidad lumayas ka!" Pag dradrama nito
Nakakahiya nato ang mga kaklase namin ngayon ay nakatingin sa kanilang dalawa.
"Nag ka amnesia sya sorry" sambit ko at pinipigilan ang pag tawa.
Tumingin si Rose saakin ng masama.
lagot ako nito mamaya.