Part 3 (HAPPINESS)

2008 Words
Rose POV Althea "nag ka amnesia sya sorry" Hindi kona alam gagawin ko maninigas nako sa sobrang hiya,tapos si Althea sobra pang pinalala, amnesia daw,ang lakas naman ng saltik neto. Student 1 "mag ka kilala kayo?" Student 2 "miss ghoster?" Rose "A-aldrei pwede ba mamaya na natin pag usapan yan" sambit ko dito Aldrei "Pe-" Hindi natuloy ang sasabihin nito Ng dumating ang prof haysss buti nalang. Prof "so let's start" Aldrei "Hindi pa tayo tapos rose" bulong nito sa tenga ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko at medjo kinakabahan ako. Oo nga gwapo sya pero nakakatakot syang mag drama ano na gagawin ko? Ghinost kolang sya kase nga bet ko, heartbreaker talaga ako eh sorry Aldrei pero ngayong nakita kita,mas lalong tindi ng emosyon ang nararamdaman ko. I'm Rose Khane Fransisco 20 yrs old. Matakaw lumamon,baliw at makulet. Ghoster din sabi nila, at itong si Aldrei ang totoo nakilala kosya in social media at ako namang tanga sinakyan at sinagot sya, dahil nanligaw din sya ng ilang months,una palang balak kona syang ighost pero diko inasahan na makikita kosya in real life. Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko at nasaktan kopa sya grabe ka self Mahal kadaw nung Tao. Nung nakita ko ang pag dradrama nya,my heart beat fast nga naman,dahil 1st time kong narinig ang ganong mga salita pero nag sisisi ako na sinaktan ko sya. Nag umpisa na ang klase at panay titig lamang si Aldrei at sinasamaan ako ng tingin,nakakatakot sya huhu,pero nginitian kolamang sya kahit napipilitan ako. Lord, help me! Kinarma nako dahil sa pang ghoghost ko. Tristan POV Patuloy padin akong nasa condo ni Aldrei kasama si Francine,wala kaming ginawa kundi manood lang ng movies. Gumagaan na ang pakiramdam ko dahil sa soup na niluto nya,magaling pala syang mag luto. Napag isipan kong pumunta mamayang hapon sa secret garden,gusto kong hanapin si eya pero nasaan? Hayss gusto kosyang makita,alam ko at alam ng puso kong malapit lang sya. Francine "Tristan maayos naba ang pakiramdam mo?" Tanong nito saakin habang naka upo sya sa sofa. "Yes sumakit lang talaga ang ulo ko kanina pero nawala dahil sa soup mo HAHA salamat talaga sayo francine." sambit ko dito nakita ko ang pag ngiti nya,maganda sya at hindi ko maitatanggi yun pero naiinis ako sa tuwing sinasaktan lang sya ng ibang tao.Mabait sya at simple lang kuntento sya sa mga bagay na meron sya,maunawain sya ngunit iyakin.matalino, independent,at loyal. Kuntento nadin ako dahil may kaibigan ako na katulad nya. Fast forward... 2:30 pm. Aldrei POV I'm Aldrei Bautista 21 yrs old the handsome guy ng school namin totoo naman eh! Mas pogi ngalang sakin si Tristan at matalino. Ang solid nyang kaibigan sa totoo lang kaso ako minsan natutunaw bilang liquid.. just kidding. May lahi talagang baliw ang pamilya namin kaya minsan para akong baliw na bagong takas sa mental hospital. Gusto ko talaga sa babae yung baliw din para same vibes HAHA it's true para mag kasundo naman kami. Rose! Khane! Humanda ka gaganti ako sa pasakit na ginawa mo!. Grabe sya! 1st love ko na nga sya nasaktan pako sa unang pag kakataon na nag mahal ako.Nag seryoso ako sakanya tapos ighoghost nyako. Uwian na, napansin ko si Rose na lumalakad sa parking lot. Ang kaibigan nitong si Althea ay sumakay sa magarang sasakyan balita ko mula sa mga chismosa,mayaman ang pamilya nila at madaming taong nag tini-tingala sila,ahh ganun sana all. Pero rose hindi mawawala ang galit ko sayo. Nang maka alis ang kaibigan nya. Lakas loob kong nilapitan ito at nagulat sya,dama ko ang takot nya,dapat nga ako yung matakot dahil ghoster sya e tsk. Humahakbang ako papalapit sakanya hanggang papalayo naman sya, nag babalak itong tumakbo at hinabol ko ito. Hoy rose!! Tumakbo ito ng tumakbo hanggang napansin ko ang pag pasok nito sa gym ng school. Pinasok ko ang gym,walang tao dito, at tahimik lang,may narinig akong ingay mula sa kabilang pinto sa music room. Alam kong nanjan ka rose lumabas ka kausapin moko! Binuksan ko ang pinto at nakita ko itong nanginginig sa takot. Rose "ha-hanggang j-an ka-kalang" utal utal na wika nito "HAHAHA walakong gagawing masama sayo noh, so natakot kana talaga saken? HAHA baliw! gusto lang kita makausap halika" hinawakan ko ang kamay nito at may kuryenteng dumaloy sa katawan ko hindi ko nalamang pinansin dahil sobrang saya ko na nahahawakan kona sya ngayon. Nag tungo kami sa rooftop ng gym naupo kami habang tinatanaw ang school sa taas nito. Rose "aldrei, sorry talaga plss, sorry patawarin moko sa ginawa ko, sorry talaga," pag mamakaawa nito habang nasa harap ko. "Hoy,ang drama mo, jinojoke lang kita kanina pa tapos sineryoso mo naman" Saad ko at tumawa Rose "eh kase naman yang mga mata mo kanina nang lilisik nasa galit eh che!!" Bulyaw nito "Rose... Kalimutan mona yung pang ghoghost mo saken. Your only mine from now on!" Ngiti kong sambit sakanya Rose "ay wow ha! boy hindi pako nag kakaroon ng boyfriend sa reality since birth, hanggang crush lang ako at 1st ka sa naging bf ko in social media ewan ko nga e kung bakit kita sinagot" sabay cross arms nito. "I said your mine!! reality man o social media basta Rose Khane I love you." Sigaw ko nilalabas kolang talaga ang sigaw ng puso ko dahil ayokong matorpe sa oras na Ito. Rose "ah talaga Aldrei?" Saad nito habang naka smirk "Yes, at patutunayan koyun sayo " saad ko at tumayo." Hindi kita sasaktan,rose,simple lang ang buhay na meron ako,oo mayaman ka hindi tayo parehas ng label ng buhay pero patutunayan koyun, dahil ayokong pakawalan ka rose" Rose "Ahh talaga Aldrei?? f**k you!" Sambit nito na ikalaglag ng panga ko tumakbo ito papalayo ay wow si girl umamin na nga ako halos lakas loob tapos mumurahin lang ako. "I love you too Aldrei bye!!" Sambit ni rose at hindi ako makagalaw, dahil sa sobrang saya, natameme ako ng ilang segundo pag tingin ko ay wala nasi Rose sa paligid. Baliw din sya kahit sa social media samevibes kami siguro kailangan kona ng mental hospital hindi ko kakayanin ang saya ko ngayon,baka mamaya kinikilig nako habang nag sasandok ng pag kain. Althea POV "Yung kwintas ko nawawala. Pe-pero,si TanTan lang ang may alam nito,kaming dalawa Lang!?" Takang tanong kosa sarili ko" hi-hindi kaya yung TanTan kanina na sinasabi nila sa class at ang Tristan na nasa isip ko ay iisa,pero madami syang kapangalan pano agad ako naniniwalang sya nga,eh kaso kaming dalawa lang ang napunta sa lugar naito at wala nang iba, Ang g**o!! 4:30pm nang pumunta ako sa secret garden. Oo wala pading pinag bago ang ganda nito na labis kong namiss naalala ko bawat oras at araw na nakasama ko ang lalakeng una kong minahal at dito kosya unang nakilala,pero dito din natapos ang bawat ala-ala. Pinuntahan kona ito noong nakaraang linggo at sinadyang iwanan ang kwintas. Flashback. TanTan "Red roses for you my princess" sabay abot nito ng rosas sa akin "Kailangan kopa ng dalawa TanTan" Saad ko dito at nag papa cute TanTan "Yes my princess" at inabot ang dalawa pang rosas "pinapakilig monaman ako eh, ikaw talaga prinsipe" Saad ko na ikinangiti nya "Aking prinsesa pwede ba kitang isayaw?" Nilahad nya ang kanyang kamay sa harap ko tinanggap ko ito Nag simula ang mga pag hakbang namin, ang bawat oras at araw na kasama kosya ay hindi ko maipaliwanag ang sobrang saya na nararamdaman ko. Ang saya na ito na hindi ko nararanasan sa ibang tao. Sya ay isang simple lang pero mawalak ang imahinasyon. hindi parehas ang takbo ng aming buhay pero kahit na ganyan sya, napapasaya nyako ,lagi syang naka suporta sa mga gusto ko.Ang lalaking gaya nya, ang mga katangian nya na hindi ko nakita sa iba. Tristan "Wait may ginawa akong tula para sayo prinsesa" sambit nito tumayo Ito sa harapan ko at akoy nanatiling naka upo sa ilalim ng puno Tristan* Aking prinsesa... Langit man ang iyong pinanggalingan, Isa kamang bituin sa kalangitan, Oh kaya naman ay buwan na nag bibigay nang liwanag sa bawat sanlibutan. Ako man ay isang kalupaan na patuloy kang pinag mamasdan. Hindi ko man maabot ang iyong pinanggalingan ngunit,sisikapin ko na maabot ang bituin sa kalangitan. Hindi ko ikakasaya ang bawat luho nila,sapagkat ikaw lamang ang kailangan ko wala na ngang iba. Ngunit kung hindi man tayo ang naka tadhana,hihilingin ko na sa susunod nating buhay ay tayo na, ang nakatakda. Ang bawat bigkas nya na napakasarap pakinggan sa tenga. Paano nga kung hindi kami ang nakatadhana? Tuluyan na bang mawawala. Pero ayoko!! pag layuin man kami hahanapin at hahanapin Kita. Ngunit isang araw. Mom "lilipat natayo ng manila,Althea mag handa kanang mag impake" Nag tungo ako sa secret garden... Naabutan ko si Tristan na may hawak hawak na tulips. TanTan "flowers for you princess" sambit nya na ikinangiti ko pero madaling pumatak ang mga luha ko. "sorry, iiwan kita. Sorry Tristan,hindi na tayo mag kikita" sambit ko. TanTan "a-ano-ng!? Eya aalis ka? San ka pupunta? babalik kaba?" Sunod na sunod na tanong nito "Babalik ako pangako,Tristan,hanapin moko ha. Basta I promise babalik ako.At dito mismo sa lugar nato." Sambit ko habang umiiyak TanTan "huwag kanang umiyak prinsesa nalulungkot din ako," paawa nyang sambit at pinawi ang mga luha ko Sinulit namin bawat sandali na mag kasama.hanggang sa minuto nalang ang natitira.Pumatak ang mga luha nya na syang naging kahinaan ko.Nakikita kosyang nasasaktan. TanTan "hinding hindi kita malilimutan,Eya... Mamahalin kita mula ngayon hanggang sa pag babalik mo pangako yan" sambit nya habang pumapatak ang luha nya. "Babalik ako, nakikita moba tong lugar nato? Wag mong pababayaan toh ha babalik ako dito mismo kaya hintayin moko TanTan" Ang pag uusap namin ay nakita nila Dad,hindi ko alam kung bakit naka sunod sila dito. Dad "e-to ba!? Eto bang mahirap na Gaya nito ang mamahalin mo? Mag isip kanga Althea!? Anong magagawa ng mga mang mang na Gaya nya ha! May ipag mamalaki bato sayo" "Mo-" Hindi natapos ang sasabihin ko ng isang sampal ang natanggap ko mula kay mommy Mom "Ikaw! ha! Lumayo ka sa anak ko! Wala kang maipapamukha sa amin dahil iba ang takbo Ng buhay mo,humanap kanang katulad mo at wag ang anak ko! Mataas ang pangarap ko kay Althea at ayokong mag mahal sya ng isang gaya mo!" Sigaw nito kay tantan TanTan "pe-" hindi din natapos ang sasabihin nya ng suntukin sya ni kuya. Kuya "tskk! Bagay lang sayo yan! Wala kanamang magagawa eh! Isa kalang talunan" "Kuya anoba! Tama na!" Dad "pinag tatanggol mopa tong mang mang nato! ? halika althea! Umalis natayo." Sabay hila ni dad sa kamay ko wala akong nagawa kundi sumama nalang saknila. At sa huling pag kakataon ngumiti pasi Tristan na lalong ikinasakit ng damdamin ko. TanTan "goodbye Eya".. Your may only happiness in Tristan. End of flash back.. Kailan kaya ulit kita makikita TanTan? Kamusta kana? Siguro napag palit mona ako? Sana ok kalang ngayon. *Phone ringing Rose "Bess Kita Tayo sa restaurant mamaya mga 7:30 dinner tayo hintayin kita, eto ang address *********" Third person POV 5pm Nag mamadali si Tristan na pumunta sa secret garden. Wala syang naabutan dito. Nalungkot sya at naupo nalamang sa ilalim ng puno. Mula sa bulsa ay kinuha nya ang kwintas Silver Ito at may pendant na key,ang bawat gilid nito ay may binubuong letra pero mahirap basahin. Tristan "eya.. Nasaan kaba?,nag balik ka pero hindi ko alam kung saan ka hahanapin, lord tulungan nyo naman ako plss " Saad nito at nag simulang tumulo ang luha " Hindi ko malilimutan yung huling ala-ala nating dalawa dito,kung saan nasaktan ako dahil sa magulang mo,pero gagawin ko lahat para maabot ang pangarap ko hindi ako susuko eya.. Haharap ako sa magulang mo at ipagmamalaki ang ang sarili ko sa tamang panahon." Nilisan ni Tristan ng lugar at bumalik nalamang sa condo. Wala syang trabaho sa restaurant mamayang 6 pm,kaya napag desisyunan nyang pumunta nalamang sa park malapit din Ito sa restaurant na kanyang pinapasukan. Patuloy ang pag iisip nya kay Althea dahil sabik na syang makita Ito. to be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD