ZIANNA Kanina pa ako hindi mapakali. May kailangan akong tawagan pero kanina ko pa hindi makita ang phone ko. Kinuha kaya niya? Bumukas ang pintuan at pumasok si Redd. May dala itong paper bag at pinatong ito sa kama. “Magbihis ka. Mamimili tayo ng isusuot mo para sa kasal nating dalawa,” walang emosyon niyang utos bago ako tinalikuran. “Redd, nasa iyo ba ang phone ko?” lakas loob kong tanong. Huminto siya at muling pumihit sa akin paharap. “Yes. Why?” “May kailangan akong tawagan. Importanteng makausap ko s'ya,” paliwanag ko. “Sino?” Hindi agad ako nakasagot. Hindi dapat niya malaman dahil natatakot ako sa posible niyang gawin. Hindi ko kakayanin kapag ginawa niya iyon. “Kaibigan ko. Baka mag-alala iyon dahil hindi pa ako bumabalik. Siya kasi ang kasama kong bumalik dito

