ZIANNA Naramdaman ko ang pagtayo niya. Ilang sandali lang ay yakap na niya ako. Agad kong pinulupot ang mga kamay ko sa baywang niya at sinubsob ang mukha ko sa tiyan niya. Sa puntong iyon ay tuluyan ko ng pinakawalan ang emosyon ko, humagulgol na ako ng iyak. Marahan niyang hinagod ang likod ko na animo'y sa paraang iyon ay mapapawi ang emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pero hindi ito naging sapat dahil habang yakap niya ako ay mas lalo lang nasasaktan ang puso ko. He can't hug me this tight anymore. I will never again experience his soft lips touching mine. I won't be able to feel his every gentle caress on my skin. I will look for his sweetness every time we are together. Even his drowning words I can no longer hear. All that I will never experience because I will never

