ZIANNA Hindi ako nagpaapekto sa sitwasyon. Hinayaan ko siya sa gagawin niya. Ilang sandali lang ay huminto siya sa paglapit ng kaunti na lang ang espasyo ng mukha niya sa mukha ko. Salubong ang kilay na tinitigan niya ako. "Will you not even try to stop me?" He asked curiously. Unti-unti sumilay ang ngisi ko sa labi dahilan para lalo magdikit ang kilay niya. Awtomatikong gumalaw ang dalawang kamay ko at nilapit ang katawan niya sa akin. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. "No. As far as I remember, ang sabi mo ay hindi ka pa nasisiraan ng bait para patulan ako. So, malakas ang kumpyansa ko na hindi mo itutuloy. Or else, nagsisinungaling ka." A playful smile appeared on my lips. "Correct me if I'm wrong, Mr. Reddellion Stone Zaxton, hmm?" I teased him. Nilapit ko p

