Chapter 7

1887 Words
ZIANNA Hindi ako nakahuma sa sinabi niya. Bigla akong namanhid dahilan para hindi ako makagalaw. Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Nakabalik lang ako sa katinuan ng hapitin pa niya ako sa baywang. "T-teka, wala iyan sa usapan. Hindi porke hindi ako naglagay ay may karapatan ka na. Stop playing around, Sir Redd. Hindi ako katulad ng iniisip mo." Nagpumiglas ako para makawala pero hindi niya ako pinakawalan, sa halip ay mas lalo lang humigpit ang pagkakahapit niya sa akin. Mataman niya akong tinitigan. Kahit napapangiwi na ako sa paraan ng paghapit niya sa akin ay wala siyang pakialam. Para siyang nanggigigil pero hindi lang niya pinapahalata. "You're hurting me. Irereklamo kita!" asik ko. Para naman siyang nahimasmasan sa pagtaas ng boses ko kaya agad niya akong pinakawalan. Parang nawala siya sa katinuan ng ilang segundo kaya ngayon ay tila tuliro siya at hindi malaman ang gagawin. "Kung wala na kayong sasabihin ay lalabas na ako." Tinalikuran lang niya ako kaya malalaki ang hakbang na lumabas na ako ng opisina niya. Sa exit na rin ako dumaan. Napaupo ako sa hagdan at hinawakan ang baywang ko. Napangiwi ako dahil naramdaman ko ang pagkirot nito. Kung hindi ko siya sinigawan kanina ay baka nabali na ang buto ko. Ano ba ang problema ng lalaking iyon at bigla na lang nag-iba ang mood? Sa totoo lang ay parang ibang Reddellion Stone ang nakaharap ko kanina habang hapit niya ako. Parang gusto niya akong tuluyan. Bumalik na ako sa opisina dahil pabalik na rin ang mga kasama ko. Pagdating nila ay tinanong nila ako kung saan ako kumain. Ang sabi ko na lang ay niyaya ako ng kaibigan ko na malapit lang din dito sa kumpanya. Mukha namang nakumbinsi ko sila dahil hindi na sila nagtanong. Buong maghapon ay wala ako sa mood magtrabaho. Iniinda ko pa rin ang sakit sa baywang ko. Hindi maalis sa isipan ko ang ekspresyon niya. Para siyang papatay ng tao ng mga oras na hapit niya ako sa baywang. Tsk. Ano ba ang problema niya? "Uwian na!" sabi ni Emily na nagpabalik sa akin sa malalim na pag-iisip. "Girl, baka magbago ang isip mo. Sabihin mo lang sa amin, okay?" tukoy niya sa lakad nila. Isang araw na lang kasi ay Friday na. "Magkakasama naman tayo rito kaya sasabihin ko kaagad sa inyo," nakangiting sabi ko. "Nako, girl, sana magbago ang isip mo. Sayang ang kandila na tinitirik ko araw-araw kapag dumadaan ako sa simbahan para lang sumama ka." Napuno ng tawanan ang opisina dahil sa sinabi ni Kim. Pinasya na naming lumabas ng opisina. As usual, mag-isa na naman akong patungo sa parking area. Ngunit nanlumo ako ng makita ko ang gulong ng kotse ko. Flat ito sa hindi ko malaman ang dahilan kung paano iyon nangyari. Napamura ako. Wala akong extrang gulong at kung mayroon lang sana ay kaya ko itong palitan. I leaned against the side of my car. Just a few moments, my phone rang. Napabuga ako ng hangin ng makita ko kung sino ang tumatawag sa akin. Wala akong choice kundi sagutin ito dahil baka isipin nito ay iniiwasan ko siya. "How are you?" When he asks this question, I'm sure he already knows something. Walang hindi nakakaligtas na balita sa kanya lalo na sa pagiging secret agent ko. "I'm fine. How about you?" "Not fine. Hindi mo na kami dinadalaw." I rolled my eyeballs. "Come on. Alam ko naman kung ano ang itinawag mo," walang paligoy-ligoy na sabi ko. Maluton siyang tumawa. So, tama nga ako may alam na siya. "You truly do know me. So, am I right in thinking why you accepted the mission?" "No. Binigay sa akin kaya bakit ko tatanggihan? Wala pa akong tinanggihan, G." "I see. Bakit kasi—" "Not again. Sinabi ko na sa 'yo, magkaiba tayo kaya huwag mo ako pilitin sa gusto mo," putol ko sa sinasabi nito. I heard his deep sigh. "When will you accept us, Z?" Bakas ang lungkot sa boses niya pero hindi ako sigurado roon. I know him well kaya duda ako sa ugaling pinapakita niya. A silence filled a few seconds. Wala akong dapat sabihin sa kanya. Alam niya kung bakit malayo pa rin ang loob ko sa kanya— sa kanila. "Okay. I surrender. Our home is always open for you. Always be careful, Z." Napabuga na lang ako ng hangin ng wala na ito sa kabilang linya. Hindi ko alam kung totoo ba ang pagiging concern niya sa akin. Simula ng malaman ko ang totoo, dumistansya ako. Kaya nga pinasya kong lumayo ng nasa tamang edad na ako kahit labag sa kalooban ko iwan ang nag-iisang tao na mahalaga sa buhay ko. Ayaw niya sumama sa akin dahil mas pinili niyang manatili. Umalis ako dahil pakiramdam ko ay hindi ligtas ang buhay ko kapag kasama ko sila. Magkaiba ang mundong tinatahak namin at sigurado ako na hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na nag-iba ako ng direksyon. I don't want to be part of them. It's like hell to be with them. Napaigtad ako ng marinig ko ang busina. May sasakyan na huminto sa harapan ko, at ng bumaba ang salamin ng bintana ay hindi ko napigilan na taasan ng kilay ang taong tumambad sa harap ko. Iba na ang gamit niyang sasakyan. I wonder kung ilang kotse ba mayroon siya. "Pauwi ka na?" he asked. Kung magtanong siya ay akala mo ay wala siyang ginawa sa akin kanina. "Obvious ba?" mataray kong sagot. Tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng sasakyan ko at binuhay ang makina. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko ng maalala ko na flat pala ang gulong nito. Nanatili ako sa loob at pasimple siyang sinilip. Hindi pa rin umaalis ang sasakyan niya. Nakataas na rin ang bintana niya. Tinted iyon kaya hindi ko siya makita sa loob. Mayamaya lang ay napasinghap ako ng bumukas ang pintuan sa driver's seat, hindi ko pala ito nai-lock. "Ikaw?" Nanlalaki ang mata na tiningnan ko ang lalaking bumungad sa harap ko. Ito ang lalaking laging sumusundo sa akin sa department. "Ano'ng—" Hinawakan niya ako sa braso kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko at pwersahang binaba sa sasakyan saka hinila palapit sa kotse ng boss nito. Habang binubuksan niya ang pintuan ay hinawakan ko ang kamay niya na nasa braso ko. Pilit ko itong inalis ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Kinuyom ko na ang kamao ko para sana patamaan ito sa tagiliran ngunit nabuksan na nito ang front door. Nakatingin sa akin si Reddellion Stone kaya dahan-dahan kong binaba ang kamao ko. Wala akong nagawa nang pwersahan na akong pinapasok sa loob ng lalaki. Nakangiwi na hinaplos ko ang braso ko. Ramdam ko ang sakit sa higpit ng hawak ng lalaking iyon. Pareho talaga sila ng boss niya, bayolente. "Fasten your seatbelt, Miss Florencio," utos niya. Masama ang tingin na binalingan ko siya. Ngunit hindi siya nakatingin sa akin kundi sa braso na hinahaplos ko. Nagu-guilty siguro siya dahil hindi lang siya ang nanakit sa akin ngayong araw. "Wala kang sinabi na magsisimula na ako ngayon." Kinabit ko na ang seatbelt sa katawan ko dahil pinatakbo na niya ang sasakyan niya. Siniguro talaga niya na hindi na ako makakaalis sa kotse niya. "Since I signed the agreement, your day as my servant has also begun. So there is nothing you can do if I command you now," matigas niyang sabi. Padabog na sinandal ko ang likod sa sandalan ng upuan. Gagawin ko na lang ang ipinag-uutos niya para hindi na kami magtalo na dalawa. Ilang minuto lang ay pumasok kami sa parking area ng isang gusali. Bigla akong kinabahan dahil hotel itong pinasukan namin. Ano'ng gagawin namin dito? "It's not what you think, Ms. Florencio. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para patulan ka." Nagpantig ang tainga ko. Akala ba niya ay papatulan ko rin siya? Kahit siya pa ang huling lalaki dito sa mundo ay hinding-hindi ko s'ya papatulan. Mas gugustuhin kong makipagbalikan kay Dim kaysa patulan siya. Nauna na siyang lumabas ng sasakyan at umikot sa front seat para pagbuksan ako ng pintuan. Akma niyang tatanggalin ang seatbelt ko pero inunahan ko na siya. Marunong naman siguro siya makaramdam na hindi ko kailangan ang tulong niya. Walang kibo na sumunod ako sa kanya. Pagpasok sa elevator ay bahagya akong lumayo sa kanya. Namangha naman ako dahil ang laki ng elevator na ito kumpara sa ordinaryong elevator. Ang classy ng loob. Kitang-kita ko nga siya dahil para lang kaming nakaharap sa salamin. Pero hindi nito mababago na ito na ang simula ng kalbaryo ko kasama siya. Pero alang-alang sa mga kasama ko at sa mission ko, titiisin kong kasama siya. Pinindot niya ang button ng 25th floor. Nang marating ang floor ay hindi ko napigilan ang sarili na umawang ang labi ko dahil ng bumukas ang elevator ay tumambad sa harap ko ang mamahaling gamit sa loob. Parang exclusive ang lugar na ito sa mga katulad niyang may sinasabi sa buhay. Sumunod ako sa kanya ng lumabas na siya. May isa pang pintuan at nabuksan ito gamit ang code na pinindot niya. Sa sobrang mangha ko sa lugar ay hindi ko na ito napagtuunan ng pansin. Mas lalo pa akong na-amaze sa loob ng pumasok kami. It looks expensive inside. Just one look at the chandelier hanging makes me feel like I was transported to a palace in a different country. "Dito ka nakatira?" Hindi ko napigilang magtanong. Sa sobrang mangha ko ay panandalian kong nakalimutan ang inis ko sa kanya. "Yeah," tipid niyang tugon. "Ikaw lang?" "Before." Kunot ang noo na binalingan ko siya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Because I have someone with me now." Awang ang labi na hindi agad ako nakapagsalita. Bumaba ang mata niya sa braso ko. He let out a deep sigh bago kinuha ang phone sa bulsa ng pants niya at may tinawagan. Iniwan niya ako sa sala. Muli kong nilibot ang tingin sa loob. Hindi ko talaga maiwasan mamangha sa nakikita ko. Para itong penthouse. "Wait. Penthouse ito?" hindi makapaniwalang usal ko. Nang balikan niya ako ay hindi na maipinta ang mukha niya. He sat down and leaned his head against the headrest of the couch and closed his eyes. "What's our dinner, Ms. Florencio?" Pumalatak ako. Kung magtanong siya akala mo ay utusan talaga niya ako. "Ano ba ang gusto mo?" Nagpalinga-linga ako. Hinanap ko ang kitchen area para magsimula ng magluto. "You." Muli kong binalik ang tingin sa kanya. Nakatingin na siya sa akin habang parang hari na printeng nakaupo sa couch. "I am asking properly, Sir Redd. Hindi ako nakikipagbiruan," sagot ko. Tumayo siya. "This time, I'm not kidding anymore." Sumilay ang ngisi sa labi niya habang dahan-dahan ng lumalapit sa akin. Nahigit ko na lang ang hininga ko ng walang kahirap-hirap na hinapit na naman niya ako sa baywang ng makalapit sa 'kin. Napatingkayad ako at napilitang tingalain siya ng hawakan niya ang gilid ng leeg ko sakop ang batok ko. Nagpalit-lipat na naman ang tingin niya sa mata at labi ko. "I'm craving, Miss Florencio. Craving to taste how sweet your mouth is," he seductively said. I froze and my lips parted. At ngayon ay nakatingin na lamang ako sa kanya habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD