Chapter 6

2077 Words
ZIANNA Muntik na akong ma-late pumasok sa opisina dahil alas kwatro ay nakaramdam ulit ako ng antok. Pagkatapos ko makipag-usap kay Reddellion Stone ay agad kong ginawa ang ideya na pumasok sa isip ko. Hindi ko ito tinigilan hanggat hindi ko natatapos. Ngayon nga ay naghihintay ako ng tiyempo para maibigay itong agreement na ginawa ko. Himala nga dahil walang sumusundo sa akin para dalhin sa opisina niya. Nakapag-isip-isip na kaya siya na wala namang patutunguhan ang gusto niya mangyari? Sa kabilang banda ay nakaramdam ako ng pagkadismaya. Dahil kung nagbago na ang isip niya ay sayang lang ang puyat ko sa paggawa ng kasulatan na ito. O baka, busy lang ngayong araw kaya hindi ako kinukulit. Payag na ako maging utusan niya kaya gumawa ako ng kasulatan sa setup naming dalawa. Mas mabuti ng may pirmahan na magaganap para may laban ako. Hindi niya ako maiisahan. Hindi lang siya ang mautak sa aming dalawa. Isa pa, makakatulong din ang pakikipag-lapit ko sa kanya para magawa ko na ang mission ko. "Lihann, halika na, sa labas tayo magla-lunch," baling sa akin ni Rebecca ng lahat sila ay nasa pintuan na at ako na lamang ang hindi pa umaalis sa table ko. "Mauna na kayo. Susunod ako," sabi ko. "O, sige. Same place pa rin, okay?" "Got it," nakangiting tugon ko. Nang wala na sila sa paningin ko ay agad akong tumayo. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang folder kung saan nakalagay ang agreement paper na ginawa ko. Sumilip muna ako para kumpirmahin kung wala na nga ang mga kasama ko. Nang masiguro ay tinungo ko na ang elevator. Ngunit nagulat ako ng bumungad sa harap ko ang lalaking laging sumusundo sa akin. "O, saan ka pupunta?" gulat pang tanong nito. Umikot ang mata ko bago pumasok sa elevator. Pinindot ko ang button ng 19th floor. Hindi ko na rin siya pinag-kaabalahan na sagutin dahil nakita niya kung saan ako patungo. "Pupuntahan mo ba si, boss? Ikaw nga sana ang sadya ko," sabi pa nito. Kaya pala ng bumukas ang elevator ay hindi siya lumabas. Mukhang alam ko na rin kung ano ang sadya niya sa akin. "Nasa opisina ba siya?" tanong ko. "Hindi naman umaalis iyon sa opisina maliban na lang kung niyaya ng mga kapatid niya. Kumain ka na ba?" "Hindi pa. May ibibigay lang ako sa boss mo bago ako kakain," pormal na sagot ko. "Tamang-tamang, um-order si boss ng pagkain," sa halip ay sabi nito. Napapalatak ako. As if naman na damay ako sa pagkain na in-order ng lalaking iyon? Hindi rin makapal ang mukha ko para kumain lalo na kung siya ang kasabay ko. Sabay namin tinungo ang opisina ni Reddellion Stone. Wala ang secretary niya sa area nito, baka kumain na rin ng lunch. "O, pa'no, iwan na kita rito. Good luck." Nanggigigil na inambahan ko ito ng nakakuyom kong kamao ng tumalikod ito sa akin. Lagi nitong sinasabi na good luck. Parang pinaparating na may mangyayari sa aking hindi maganda. Gaano ba kadelikado ang boss niya para paalalahanan niya ako parati? Bagay sila magsama ng boss niya, pareho silang may tama sa utak. Ilang beses ako nagbuga ng hangin bago marahang tinulak ang pintuan ng opisina niya. "Si Lihann ito, Sir Redd," mahinang sabi ko ng magkaroon ng awang ang pintuan. "Papasok na ho ako," paalam ko rito. Tuluyan ko ng pinasok ang katawan ko sa loob ng opisina niya. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko itong nakatukod ang kamay sa pisngi at nakapikit. May earpods ito sa tainga kaya hindi nito ako narinig. Nakikinig ba siya ng music? Hindi mo akalain na ang katulad niya na arogante ay mahilig din pala sa musika. I couldn't stop myself from looking at his face. In fairness, he is truly handsome. Iyon nga lang ay kabaliktaran nito ang ugali niya. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil hindi nakaligtas sa mata ko ang tila pangingitim ng ilalim ng mata niya. Ayoko isipin pero napuyat ba s'ya sa kaiisip ng sagot ko? When I stared at him for a few seconds, I shook my head. I didn't come here to look at his face. But how can I talk to him if he's sleeping? Mayamaya lang ay para na siyang namimingwit ng isda. Gumalaw ako para kunin ang atensyon niya ng magmulat siya ng mata. Baka kasi hindi niya ako mapansin ay pumikit muli. Hindi nakaligtas sa mata ko ang panlalaki ng mata niya ng makita ako. Ngunit kalaunan ay patay-malisyang tinuon niya ang atensyon sa phone na nasa ibabaw ng office table niya. "Where are you?" May kausap siya sa phone niya. "Bakit hindi ka pumasok, you idiot!" singhal niya sa kausap at agad na tinanggal ang earpods sa tainga niya. Tumikhim siya at inayos ang sarili saka tumuwid ng upo bago ako binalingan. "So, what brought you here, Miss Florencio?" I rolled my eyeballs. Kung makapagsalita siya ay parang akala mo ay hindi niya ako inaasahan dito sa opisina niya. Hindi nga ba ay ako ang sadya ng lalaki kanina? "May ibibigay lang ako." I approached his office table and placed the folder I was holding. He looked down at the folder. "Basahin mo muna ito. Kapag nabasa mo na ay tawagin mo ako. Pag-usapan natin iyan," paliwanag ko. Nag-angat siya ng mukha. "What is it all about?" "Read it first para malaman mo. Sige." Tinalikuran ko na siya. "Where are you going?" Huminto ako at pumihit paharap sa kanya. Nakatayo na siya. "Lalabas na. Naghihintay ang mga kasama—" "No. Dito ka na kumain." Awang ang labi na tinitigan ko siya. Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Hindi ko na nagawang magprotesta ng hawakan niya ako sa kamay at hinila patungo sa glass table na may nakapatong na nakabalot sa foil. "Sit down. Marami ang pagkain na in-order ko." "Pero—" "No buts, Miss Florencio," may awtoridad niyang sabi. Para hindi na kami magtalo ay sinunod ko siya. Habang isa-isa niya binubuksan ang foil ay kinuha ko ang phone sa pouch na hawak ko para magpadala ng mensahe sa group chat namin ng mga kasama ko sa department na huwag na ako hintayin. "What are you doing?" Napahinto siya sa kanyang ginagawa. Napa-angat ako ng mukha ng magtanong siya. Salubong ang kilay niya habang nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at sa phone na hawak ko. "Magte-text ako sa mga kasama ko. Sasabihin ko na huwag na ako hintayin," paliwanag ko. His face seemed to light up because of what I said but the seriousness of his face still prevailed. It seems like he doesn't want to show me his true emotions. Muli niyang tinuon ang atensyon sa ginagawa. Nagpadala na rin ako ng message sa mga kasama ko. Nang tumambad na sa mga mata ko ang pagkain ay hindi ko mapigilang lumunok at maglaway. Ngayon na lang ako makakakain ng ganito kasarap na pagkain. Sa tuwing uuwi kasi ako sa condo ay wala akong ibang kinakain kundi noodles dahil mag-isa lang ako. "What do you want to eat?" he asked. "Pipili na lang ako," sagot habang nakatingin sa mega pagkain. Hindi siya sumagot. Umalis siya sa harap ko at pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang plato kasama ang kutsara at tinidor. Binigay niya sa akin ang isa bago siya naupo. Naninibago tuloy ako dahil parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Parang hindi siya ang Reddellion Stone na kaharap ko na laging nagpapakulo ng dugo ko araw-araw sa tuwing nagkakaharap kaming dalawa. Napuno ng nakakabinging katahimikan sa loob ng opisina niya. Ang tanging maririnig na lamang ay ang kalansing ng mga kubyertos na hawak namin. Mukhang maganda yata ang mood niya ngayon. "Hindi mo pa ba babasahin ang laman ng folder?" tanong ko ng tapos na kaming kumain. Nagsalubong ang kilay niya. Tumayo siya at kinuha ang folder na binigay ko saka bumalik. Pigil ang hininga ko habang nagsisimula na siya magbasa sa kasunduan na ginawa ko. I watched him while reading the agreement I made. I didn't see any objection on his face. We seem to agree on what I want. Muli siyang tumayo at tinungo ang office table niya. Kumuha siya ng ballpen bago bumalik sa upuan nito. Nanlaki ang mata ko ng may ginuhitan siya. "What the? Hey, what do you think you're doing?" gulat na tanong ko habang nakatingin sa ginagawa niya. Hindi ko na mabilanng kung ilang numero ang ni-crossed out niya. Hindi niya ako sinagot, sa halip ay binigay niya sa akin ang papel ng tapos na siya sa kanyang ginagawa. Nanlalaki ang mata na tinitigan ko kung ano ang mga binura niya na halos hindi ko na mabasa. Ang tanging natitira na lang ay dalawa. What the heck? Two out of six? Sayang lang ang pagpupuyat ko rito tapos binura lang niya. "Ano'ng problema sa apat?" takang tanong ko ng sulyapan ko siya? "First of all, ikaw ang may atraso kaya ako dapat ang masusunod. I didn't erase number 6 because I agree with it, personal life is out. While number 1, I'm still having second thoughts but okay, I won't call you when you're not in the office." Napapalatak ako. Hindi ko talaga makuha kung ano ang atraso ko na pilit niyang pinagdidiinan sa 'kin. Hindi ako makapaniwala sa kanya. Muli kong sinulyapan ang ginawa ko. "So, ano naman ang paliwanag mo sa apat?" Tinaasan ko siya ng kilay ng muli ko siyang balingan. Pinagsalikop niya ang kanyang kamay at tinukod ang siko sa mesa bago pinatong ang baba sa nakasalikop niyang kamay. "Isn't it obvious that I don't agree with those terms?" he sarcastically said. "Ibig sabihin ay uutusan mo ako kahit nandito sa opisina?" Nakasulat ito sa number 2. "Do you have a problem with that? Nasa isang kumpanya lang tayo, Miss Florencio. So malamang, may karapatan akong utusan ka dahil boss mo ako." He emphasized his position inside the company kaya nainis ako. Ang yabang talaga niya. "Pero nasa ibang department ako. Hindi mo ako secretary, Mr. Zaxton para utusan mo." "You can also be my secretary…" he paused. "But Pablo has been with me for a long time and I will not replace him just for you." Tsk. Bwesit! Wala rin akong balak maging secretary niya. Kung siya ang araw-araw kong makikita ay baka tumanda ako ng maaga ng dahil sa ugali niya. "You can be my secretary but in a different way." Makahulugan ang ngiti na pinakawalan niya habang titig na titig sa akin. Mayamaya lang ay pinapungay niya ang mata. Halata naman na iniinis niya ako. Pervert! Ngiti pa lang niya alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. May pagka-manyak din pala ang lalaking ito. Inirapan ko lang siya. Muli kong tinuon ang atensyon sa agreement paper. Hindi na ako mag-aaksaya na tanungin ang iba dahil sa tingin ko naman ay hindi siya mauubusan ng rason. At wala na rin magagawa ang pagtutol ko dahil may pirma na niya. I let out a deep sigh. Kinuha ko ang ballpen sa pouch ko at masama ang loob na pinirmahan ang agreement ko na hindi naman nasunod. "Where did you get that pen?" Natigilan ako sa naging tanong niya. Ang gamit ko kasing ballpen ay may spy camera. Pero kung wala naman siyang sapat na impormasyon kung ano ang mayroon sa ballpen na ito ay hindi dapat ako kabahan. "Binigay lang sa akin ng kaibigan ko galing sa ibang bansa," sagot ko. Pagkatapos ko pirmahan ay nilagay ko na ito sa pouch at kinuha naman ang phone ko saka tinapat sa agreement paper para kuhanan ng larawan. Kailangan may copy rin ako. Mahirap na, mautak pa naman ang lalaking ito. "Sa 'yo na ito." Tukoy ko sa agreement paper. Tumayo ako at nilahad ang kamay sa harap niya. Kailangan ko pa rin kumpirmahin na wala na kaming problema sa setup naming dalawa. "We have a deal, Mr. Zaxton. Huwag mo sana sirain ang agreement natin." Mula sa kamay kong nakalahad ay nag-angat siya ng mukha para sulyapan ako. Kasabay ng pagsilay ng makahulugan niyang ngiti ay ang pag-abot niya sa kamay ko. "I am the man who knows how to keep my word." Tumayo siya. Ngunit napasinghap ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya at agad na hinapit ang baywang ko. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mata ko at labi ko. "You forgot to write in the agreement that I'm not allowed to touch you. Does that mean I am free to touch every inch of your skin, hmm?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD