ZIANNA
Hindi agad nag-proseso ng maayos sa utak ko ang sinabi niya. Pilit kong inuunawa ang salitang binitiwan niya. At parang ngayon lang hindi gumana ng maayos ang utak ko. Masyadong malakas ang presensya niya kaya maging utak ko ay naapektuhan.
"Ano'ng ibig n'yong sabihin, Sir Redd?"
Napahinto siya sa paghakbang. Mabuti naman dahil ilang hakbang na lang ay malapit na siya sa akin.
"I'm not repeating what I already said, Miss Florencio."
Teka, bakit parang pamilyar ang sinabi niya?
"Please enlighten me, sir. What do you mean by that? Ipapa-ayos ko na nga ho ang kotse ninyo tapos mag-o-offer kayo sa akin ng ganyan? Are you insane?" hindi makapaniwala na tanong ko. I really don't care anymore even if he is my boss. He underestimated my personality too much.
"Hindi lang kotse ko ang atraso mo sa 'kin, Miss Florencio." His face was blank. It's hard to read his expression again, but it seems like he wants to convey something in what he said, but I can't determine what it is.
"Wait. What? Sa pagkakatanda ko ay nabangga ko lang ang kotse n'yo. Ano'ng atraso ang sinasabi n'yo?" Wala akong matandaan na atraso ko sa kanya kaya bakit niya ako gagawing alila? Ang ayos ng trabaho ko sa kumpanya tapos magpapa-alila lang ako sa kanya? Hell, no!
"Maybe you're forgetting that you're answering me disrespectfully. Did you think I could miss that, hmm, Miss Florencio?"
Napapalatak ako. "Ano ho ang gusto n'yong gawin ko, manahimik? Huwag n'yo ho akong itulad sa iba na walang imik kahit hindi na maganda ang sinasabi ninyo," pagtatanggol ko sa sarili.
His devilish grin appeared on his lips again. Mayamaya lang ay muli siyang humakbang hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin. One of his hands moved automatically at tinukod sa wall glass— sa bandang gilid ng ulo ko habang hindi inaalis ang tingin sa akin. I just bravely met his cold look.
"That's why you got my attention, Miss Lihann Florencio. You are different. Out of all the employees here, you are the only one brave enough to answer me like that. But do you know what my punishment is for those who have no brakes on their mouths?" Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha sa akin. With his free hand, he grabbed my chin and gently lifted it, causing us to stare at each other even more. Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko dahil sa paglapat ng balat niya sa akin. At kahit gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa dahil nakalapat na ang likod ko sa wall glass. "Tinatahi ko ang bibig para manahimik. But I won't do that to you. This time, my method of punishment will be different just for you, Miss Florencio." Tumaas ang balahibo ko sa katawan. Dahan-dahan itong umakyat sa batok ko at maging ulo ko ay parang may kung anong tumusok na maliliit na bagay sa ngiti na binitawan niya. Parang may kung ano ang naglalaro sa utak niya.
"Paano kayo sasagutin, e, wala pang empleyadong babae ang lumalapit sa inyo. Hindi ho ba ay ayaw n'yo sa babae? Ano ho ang nangyari at lumalapit kayo sa 'kin? Hinawakan n'yo pa ako. Hindi na rin ako magtataka kung maliligo kayo sa alcohol mamaya pag-alis ko." Tinabig ko ang kamay niya at agad akong umalis sa pwesto ko ngunit napasinghap ako dahil mabilis ang naging kilos niya, nahawakan niya ako sa braso at muling binalik sa pwesto ko. Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na niya ang nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo ko. Siniguro niya na hindi ako makakawala sa kanya.
"Isa sa ayaw ko ay hindi pa ako tapos makipag-usap ay nilalayasan na ako. Huwag mo ubusin ang pasensya ko, Miss Florencio. Pasalamat ka ay nagta-tiyaga ako makipag-usap sa 'yo. If I were you, you would just agree to what I want to happen. Just follow everything I tell you to do. That's it, the conversation is over."
Malaki talaga ang bilib niya sa kanyang sarili. Hindi ko kailangan magpasalamat dahil kinausap niya ako. Hindi pa naman ako uhaw sa atensyon ng lalaki lalo na sa aroganteng katulad niya.
"Kahit ipilit n'yo ang gusto n'yo, sir, hindi ho ako papayag. Babayaran ko ang sira sa kotse n'yo. Iyon lang ang atraso ko!" I couldn't stop myself from raising my voice. He was also not affected by my voice tone.
Nakahanap ako ng pagkakataon na umalis sa harap niya kaya nakawala ako. Pero sadyang siya yata ang tao na ayaw matapakan ang ego kaya muli niya akong nahawakan. Nahigit ko na lang ang hininga ko ng hapitin niya ako sa baywang dahilan para magkalapit ang katawan naming dalawa.
"Bitiwan n'yo nga ako!" Nagpumiglas ako ngunit parang bakal ang braso niya dahil hindi man lang lumuwag ang pagkakahapit niya sa baywang ko. Hindi ko magamit ang kakayahan ko sa sitwasyong ito, baka mahalata niya ako.
"No one dares to refuse me yet, Miss Florencio." Nagsimula ng mag-igtingan ang bagang niya. And he pulled me even closer so it was hard for me to breathe especially when he brought his face closer to mine. Hanggang sa dinala niya ang mukha sa gilid ng mukha ko. Nakiliti ako ng maramdaman ko ang buga ng mainit niyang hininga sa tainga ko. "Think about it, Miss Florencio. I'll give you two days. Also, I need your service next week. I'm going somewhere and you're the one I see fit to be with."
Napasinghap ako ng basta na lang niya ako bitawan na para bang kinapitan siya ng virus. Muntik pa akong mawala sa balanse dahil sa ginawa niya at parang walang nangyari na tinalikuran niya lang ako.
Napapalatak ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari sa akin ang bagay na ito. Dahil sa inis ko ay lumabas ako ng opisina na hindi nagpapaalam sa kanya. Nagtataka pa rin na tingin ang ipinukol sa akin ng secretary niya ng dumaan ako. Malalaki ang hakbang na bumalik ako sa department ko. Pagdating ko ay sabay-sabay na lumapit ang mga kasama ko at sunod-sunod na nagtanong sa akin pero wala akong sinagot ni isa sa kanila. Wala akong panahon pag-usapan ang lalaking iyon dahil sinira niya na ang araw ko.
Mabilis lang ang dalawang araw na binigay niya sa akin pero, tapos na ang araw ay hindi pa rin ako pumupunta sa opisina niya para ibigay ang sagot ko. Sa halip ay inabot ko lamang sa secretary niya ang sobre na may lamang pera para ibigay sa boss niya. Bayad ko iyon sa damaged ng kotse niya. Sinobrahan ko na rin para wala siyang masabi sa akin.
Pero hindi yata titigil ang lalaking iyon hanggat hindi nakukuha ang sagot ko dahil kahit kararating ko lang sa opisina ay pinuntahan ako ng lalaki na nakaitim na suit. Wala akong nagawa kundi sumama.
"It seems as if you have forgotten our last conversation, huh? Pinalampas ko lang na hindi mo ako pinuntahan kahapon, Miss Florencio," paalala niya sa huling pag-uusap namin.
"Nagmamadali ho kasi ako kaya hindi na ako nakadaan sa inyo," dahilan ko. Pero ang totoo ay wala talaga akong balak na puntahan siya.
Tumuwid siya ng upo at may kung anong binuksan sa ilalim ng office table niya. Mayamaya lang ay nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang hawak na puting sobre.
"But you had the chance to give this envelope to my secretary?" sarkastiko niyang sabi. "I don't need this. I have money to fix my car. All I need is your service, Miss Florencio. You haven't been paid for your arrears." Pinagdidiinan talaga niya na may atraso ako sa kanya.
Kumibot ang labi ko. May nais akong sabihin pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Hindi na naman nakikisama ang utak ko sa sitwasyon.
"So, what is your answer to my proposal? I don't want to wait long, Miss Florencio. Hindi mo magugustuhan ang resulta kapag pinaghintay mo ang isang Zaxton."
Hindi ako nagpaapekto sa sinabi niya. Sa halip ay tinaasan ko lang siya ng kilay. "Are you threatening me, Mr. Zaxton? I'm sorry, but I'm not afraid of you. Isa pa, hindi proposal ang sinabi n'yo sa akin kundi inuutusan n'yo ako," pagtatama ko.
"Really, huh?" Silence filled his office for a few seconds. He just stared at me blankly. After a while, he took a deep breath as if he was trying his best to be calm. "Don't try my patience, Miss Florencio. I need your answer now." Although his voice was calm, it was full of authority.
"No. I refused your so-called proposal, Mr. Reddellion Stone Zaxton. Kung ang iba ay napapasunod ninyo sa gusto n'yo, ibahin n'yo ako. Ibigay n'yo na lang sa iba ang proposal ninyo. Baka mas fit sila sa ipapagawa n'yo kaysa sa 'kin. I'm sorry pero hindi na magbabago ang isip ko. My answer is final," pinal na sabi ko.
Even though his face darkened ay hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil umalis na ako sa harap niya. Wala na kaming dapat pang pag-usapan.
"We haven't finished talking yet, Miss Florencio!" Nahagip ng mata ko ang pagtayo niya mula sa swivel chair.
"We're done talking, Mr. Zaxton!" sabi ko ng hindi siya tinitingnan. I took a big step towards the door but he moved quickly. He immediately reached my waist. Ang tagpong iyon ang naabutan ni Sir Ralphie kaya sabay kami napatingin sa gawi nito. Nagulat ako kaya mabilis ko siyang itinulak.
"I'm sorry if I disturbed your discussion. Lalabas na lang–"
"Tapos na po kami mag-usap, Sir Ralphie. Lalabas na po ako. Magandang umaga po pala." Pinilit kong ngumiti sa harap nito at taas noong lumabas ng opisina ni Sir Redd.
Hindi ko na tinapunan ng tingin ang secretary niya ng dumaan ako sa area nito. Hindi na rin ako gumamit ng elevator dahil dumaan ako sa exit. Nang pababa na ako ay napakapit ako sa railings ng hagdan. Bigla akong nanghina. Tinapik-tapik ko rin ang dibdib ko dahil ngayon ko lang napansin na ang bilis pala ng t***k ng puso ko, dala marahil ito ng inis ko sa lalaking iyon.
Kinalma ko ang sarili ko bago nagpatuloy sa pagbaba. Bago pumasok sa department ay huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin. As usual, nagtanong na naman ang mga kasama ko. Hindi ko sinasabi sa kanila na kapag nawawala ako ay galing ako sa opisina ni Redellion Stone Zaxton dahil tiyak ako na hindi nila ako titigilan tanungin.
Buong maghapon na wala na ako sa mood. At nadala ko pa sa condo ko ang inis ko sa lalaking iyon. Mabuti na lang ay nakatulog ako kahit paano. Pero sa kalaliman ng mahimbing kong tulog ay nagising ako sa tunog ng phone ko.
Kinapa ko ang phone ko sa bedside table. Sa sobrang antok ko ay hindi ko na pinagkaabalahan tingnan kung sino ang umistorbo sa tulog ko. Baka isa ito sa team ko na gusto lang akong kumustahin.
"Hello?" namamaos ang boses na sagot ko. I waited for someone to speak but remained silent on the other line. "Pwede ba, huwag ka ng tumawag kung hindi ka rin naman magsasalita. Istorbo ka sa tulog ng tao, e."
Akma kong papatayin ang tawag ng magsalita ito. "I just need your answer now," sagot ng pamilyar na boses.
Pupungas-pungas ang mata na tiningnan ko ang numero na tumatawag sa akin pero unregistered number. Kumurap-kurap ako para tingnan ang oras. Frustrated na napahilamos ako sa mukha dahil alas dos ng madaling pa lang.
Nagtataka na muli kong binalik ang phone sa tainga ko para alamin kung sino itong nanghihingi ng sagot ng ganitong oras.
"Sino ba 'to?"
"I'm running out of patience, Miss Florencio. Huwag mo akong subukan dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
Wait. Did I just hear, Miss Florencio?
"Sir Redd?" pagkukumpirma ko.
"Yes, it's me. I need your f*****g answer now." Mariing sabi niya. Hindi na rin ako magtataka kung saan niya nakuha ang numero ko. He's the boss of the company so he also has access to his employees.
Nanggigigil na pinagdikit ko ang mga ngipin ko. Nakuyom ko rin ang kamao ko na parang nasa harap ko siya at gustong tirisin. "Tumawag kayo ng ganitong oras at inistorbo ang tulog ko para lang malaman ang sagot ko?" Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. Ano'ng utak ba mayroon siya? "Nag-usap na tayo, sir. Ayoko. Ayoko. Ayoko," gigil na sabi ko.
"Okay, then, I will fire all your colleagues in the Finance department."
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi nito. Parang biglang nagising ang diwa ko sa narinig ko.
"T-teka, sir. Bakit pati mga kasama ko ay dinamay n'yo?"
"Remember, they asked me not to fire you because you are newly hired. Now, I will fire them."
"What? No!"
"Yes, Miss Florencio. And I'm not joking. Just answer me 'yes', the conversation is over."
"Wait—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng wala na ito sa kabilang linya.
Tsk. Blackmailing ang ginawa niya sa 'kin para hindi ako makatanggi. Mga kasama ko na ang pinag-uusapan dito kaya nababahala ako.
Pabagsak akong nahiga sa kama. Napapalatak na lang ako habang titig na titig sa kisame.
"Siraulong 'yon, ang lakas ng tama sa utak," sambit ko.
After a few seconds filled with silence, an idea came into my mind.