ZIANNA
Mariing kinuyom ko ang aking kamao. Pinigilan ko ang sarili na huwag siya sagutin, baka matanggal na ako sa trabaho kapag sinagot ko na naman siya. Pero hindi ko kakalimutan itong ginawa niya. Mas lalo lang ako nagduda sa pagkatao niya dahil sa ginawa niya. Lalong umigting ang kagustuhan ko na kilalanin pa siya. Naturingan pa naman siyang boss ng kumpanya pero nagagawa niyang pumatol sa babae at empleyado pa niya.
Pilit akong ngumiti sa harap niya. I don't even have to answer his question because I'm not afraid to die. Sa uri ng trabaho ko, tibay ng loob at tapang ang laging baon ko. Also, everyone is subject to death and I am always ready for death.
"Babalik na po ako sa department ko, sir," paalam ko at tinalikuran na siya.
"What's your name again?" he asked.
Para lang hindi maging bastos ay hinarap ko siyang muli. "Lihann, sir. Lihann Florencio," pormal na sagot ko.
His face was blank as he just stared at me. When I didn't hear anything from him for a few seconds, I turned my back on him, baka gusto lang niya alamin kung sino ako.
"I'm not done talking to you, miss. Is that how you treat your boss? You are being disrespectful, you know that?"
Napahinto ako sa paghakbang at mariing pumikit nang marinig ko ang sinabi niya. Pinakalma ko ang sarili bago muling pumihit paharap sa kanya.
"Ano po ang mali sa ginawa ko, sir? Nagpaalam naman po ako sa inyo ng maayos. I also waited for you to speak but you just looked at me. So, ano ang dapat ko pong gawin? Ang makipagtitigan lang po sa inyo hanggang sa may sumuko na sa ating dalawa?" Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Gusto ko tampalin ang bibig ko dahil sa naging sagot ko pero, wala rin namang mali sa sinabi ko. At mukhang hindi naman siya naapektuhan dahil blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.
"You always answered me, miss. I'm sure you're aware that no one dares to answer me the way you do. I don't want someone like you in my company. Baka gusto mong tuluyan ng matanggal sa trabaho mo?" he looked at me sharply, na para bang tumatagos na naman sa kailaliman ng pagkatao ko.
Pinigilan ko ang sarili na taasan siya ng kilay. "Is that a warning, sir? Hindi n'yo iyan gagawin dahil wala po akong ginagawang masama," puno ng kumpiyansa kong sagot.
"Really? What if I do it now, hmm?"
Umiling-iling ako. "Ganyan po ba kayo sa mga empleyado n'yo, dinadaan sa sindak? Pwede ko rin ho kayo ireklamo sa ginawa n'yo, sir. Muntik n'yo ng gawing dartboard ang mukha ko," paalala ko sa ginawa niya at matapang na sinalubong ang malamig niyang tingin. Ngunit hindi man lang ito nabahala sa sinabi ko dahil sumilay pa ang ngisi sa labi nito.
"Do you have proof, miss?" Bakas rin ang kumpiyansa sa boses niya.
I simply looked around the pantry. I was disappointed because I didn't see any CCTV installed inside. Kaya naman pala malakas ang kumpiyansa ng damunyong ito na sabihin na kung may ebidensya ba ako. Kung bakit ngayon ko pa iniwan sa table ko ang ballpen ko na may spy camera.
I took a deep breath and let the air out slowly. Kapag nakipagtalo pa ako ay baka humaba lang ang usapan. Isa pa ay kailangan ko ng bumalik sa department ko at baka hinahanap na ako ng mga kasama ko.
"May sasabihin pa ho ba kayo, sir? Kung wala na ho ay babalik na ako sa department ko." Hindi ko na siya hinintay magsalita dahil lumabas na ako sa pantry.
Pagdating ko sa opisina ay sabay-sabay napatingin sa akin ang mga kasama ko at nagtatanong na tingin ang ipinukol sa akin. Alanganin na lamang na ngiti ang tinugon ko sa mga ito.
Ang natitirang oras ay naging abala na ako. Nang maramdaman ko ang pamamanhid ng pang-upo ko ay saka ko lang napansin ang oras. Isa-isa nang nag-aayos ng gamit sa kanilang table ang mga kasama ko kaya gumaya na rin ako.
"Lihann, may girls' night out kami sa Friday. Gusto mo ba sumama sa amin?" Emily asked.
Wala akong panahon gumimik kaya mabilis akong umiling. Gugugulin ko na lang ang oras ko sa mission ko. For someone like me who is on a mission, there is no room for a girls' night out. I can only do that when I'm done with my undercover operation.
"Baka kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend dahil masyado mo nilalaan ang sarili mo sa trabaho. Mag-enjoy ka naman kahit minsan, girl. Ikaw rin, baka tumandang dalaga ka niyan," sabi ni Rebecca. Akala siguro nito ay makukumbinsi akong sumama kahit sinabi niya iyon.
Minsan ko na nai-kwento sa kanila na isang taon na simula ng huli ako magkaroon ng boyfriend. Hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit nauwi kami sa hiwalayan. Naniwala naman sila sa dahilan ko na pareho kaming na out of love ng ex-boyfriend ko kaya ipinasya namin na maghiwalay na lang.
"Don't worry, hindi ako magpapakatandang dalaga. May next time pa naman, 'di ba?" natatawa na lamang na sabi ko.
"Sabi mo iyan, a? Marami pa naman poging boys sa bar na madalas naming puntahan. Malay mo, naroon lang pala ang nakatadhana sa 'yo," segunda ni Kim.
Natatawa na lamang na isinukbit ko ang shoulder bag sa balikat ko at sabay-sabay na kaming lumabas ng opisina.
Habang nasa loob ng elevator ay walang tigil ang kwentuhan naming apat. Ang grupo lang yata namin ang maingay sa loob kaya kapag nagtatawanan kami ay napapatingin ang mga kasama namin. Tatahimik lang kami ng ilang segundo ngunit mayamaya lang ay boses na naman namin ang maririnig sa loob.
Naiwan ako mag-isa sa elevator dahil lahat ng kasama ko ay sa ground floor bumaba. Paglabas ko ay agad kong tinungo ang naka-park kong sasakyan. Nang nasa loob na ako ay nahahapo na sinandal ko ang likod sa headrest ng upuan. Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko ng napansin ko ang dalawang lalaki na naglalakad. Hindi ko kilala ang isang lalaki pero isa sa kanila ay si Rhanndale Saint Zaxton.
Mabilis kong kinabit ang seatbelt sa katawan ko at agad na binuhay ang makina ng sasakyan ko. Susundan ko siya, pagkakataon ko ng makakuha ng impormasyon kapag sinundan ko ang isa sa mga Zaxton.
Matagumpay ang ngiti na bumuntot ako hindi kalayuan sa sasakyan ni Rhanndale Saint Zaxton. Hinintay ko itong makalabas sa parking bago ako sumunod. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ay napamura ako dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari, may nabangga akong sasakyan at tumama ang bumper ng kotse ko sa gilid ng unahan ng sasakyan ng nabangga ko.
"s**t. Bakit ngayon pa?" bulalas ko.
Mabilis akong lumabas at tiningnan ang bumper ng sasakyan ko. Muli akong napamura ng makita ko ang kaunting yupi. Nang balingan ko ang sasakyan na nabangga ko ay nabahala ako, mas malaki ang damaged nito. Huwag sana ako ireklamo ng may-ari. At sana ay madala ko sa pakiusap.
Hinintay kong lumabas ang driver ng sasakyan. Ngunit nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang lumabas sa driver's seat. Hindi ba matatapos ang araw ko na hindi ko siya makikita?
He immediately looked at the front of his car. When he saw the damage, he then turned his gaze at me.
Nakapamulsang tumuwid siya ng tayo at blangko ang mukha na tumingin sa akin. Kalmado naman siya at mukhang hindi niya paiiralin ang pagiging arogante sa harap ko. Sana nga.
"So, it's you again," mahinahon ang boses niyang sabi.
Alanganin ang ngiti na pinakawalan ko dahilan ng pagsalubong ng kilay niya.
"I'm sorry, sir. Hindi ko po sinasadya. Ako na po ang bahala magpaayos ng kotse n'yo. Pero, pwede ho bang sa ibang araw na lang? Nagmamadali po kasi ako." Tumagos ang tingin ko sa likuran niya pero nadismaya ako ng hindi ko na makita kahit likod ng sasakyan ng bunso niyang kapatid.
"You hit my car because you were in a hurry?" There was a trace of sarcasm in his voice.
Binalik ko ang tingin sa kanya. "Hindi ko po talaga sinasadya. Pasensya na po talaga."
"Sa tingin mo ba ay madadala mo ako sa pasensya lang? Mas mahal pa itong kotse ko kaysa sa buhay mo, miss." He gave me a cold look.
Nagpantig na naman ang tainga ko. Nagkamali ako na magiging mabait siya ngayong araw. Panandalian lang pala ang pagiging kalmado niya, lalabas pa rin talaga ang pagiging arogante niya.
"Look, sir, ayoko po makipagtalo sa inyo ngayon. Kaya ko po ipaayos ang kotse n'yo. Hindi n'yo ho kailangan ipamukha sa 'kin na mas ma-pera kayo kaysa sa 'kin." Gusto ko rin sana sabihin na hindi niya madadala sa hukay ang kayamanan niya pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. "At isa pa, sa pagkakatanda ko ay nagtanong kayo kung ano ang pangalan ko. Madali lang tandaan ang pangalan ko, Sir Redd. Lihann. Lihann Florencio." I emphasized my name so that he would remember it.
"Hindi ko ugali tandaan ang pangalan ng mga empleyado ko, miss. So if you don't mind, How do you fix the mess you made, huh?"
Napapalatak ako. "Hindi ugali tandaan, e, bakit nagtanong ka pa?" bubulong-bulong na sabi ko.
"What did you say?" Halos magdikit na ang kilay niya.
Umiling-iling ako at pasimpleng inirapan siya. "Wala po." Lumingon ako sa likuran ko. May bumusina ng sasakyan na gusto nang lumabas ng parking. May guard na rin na lumapit sa amin at pinatabi muna ang sasakyan namin dahil nakakaabala sa lalabas ng parking. Pagkatapos ay nagtanong kung ano ang nangyari. Nagpaliwanag ako pero wala ring silbi dahil nanghingi rin ng pasensya ang guard sa damunyong boss nito.
"So, what's your plan, hmm?"
"Kanina ko pa ho sinabi sa inyo ang plano ko, sir," nakataas ang kilay na sabi ko.
His face was still blank as he stared at me. After a while, he let out a deep sigh.
"Okay, let's talk about this tomorrow," mahinahon na niyang sabi.
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman ay nakapag-isip na siya ng matino dahil kaunti na lang ang natitirang pisi ng pasensya ko sa kanya.
"Thank you, sir." Agad akong pumasok sa sasakyan ko. Bago ako lumabas ng parking ay nasa labas pa rin siya ng sasakyan niya at nakatingin sa akin. I wonder kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
Hindi ko na pinag-aksayahang hanapin ang sasakyan ng bunsong Zaxton dahil sigurado ako na nakalayo na ito, sa halip ay umuwi na ako. Gusto ko sana sundan si Reddelion Stone Zaxton pero baka mahalata ako lalo na at nakita na nito ang sasakyan ko. Gagamit na lang ako ng ibang sasakyan para lang masundan siya.
Pagdating sa condo ay agad kong hinarap ang laptop ko at ni-review ang mga kaganapan sa bawat department ng kumpanya. Sumasakit na ang mata ko at nakakaramdam na ako ng gutom ay wala pa rin akong makuhang impormasyon tungkol sa tatlo.
Hindi kaagad ako nakatulog dahil nag-iisip ako ng solusyon kung paano mapapadali ang mission ko. Pero nakatulog na lang ako ay wala pa ring paraan ang pumasok sa utak ko.
Kinabukasan ay maaga ako umalis sa condo kaya pagdating ko sa opisina ay wala pa ang mga kasama ko. Nang dumating sila ay pare-pareho ang naging reaksyon nila ng makita ako dahil madalas ay ako ang laging nahuhuling pumasok.
Sabay-sabay kami napalingon sa glass door ng department namin ng bumukas ito at pumasok ang lalaking nakasuot ng itim na suit. Agad na nilibot ng bagong dating ang tingin sa loob ng opisina namin na parang may hinahanap.
"Sino sa inyo si, Miss Lihann Florencio?" tanong ng lalaki.
Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga kasama ko. Alanganin naman akong nagtaas ng kamay para ipaalam sa lalaki na ako ang hinahanap niya.
"Come with me, Miss Florencio," sabi nito bago lumabas ng department.
Alanganin akong tumayo. Nang sulyapan ko ang mga kasama ko ay nagtatanong na tingin ang ipinupukol nila sa akin. Tanging kibit-balikat lamang ang naging sagot ko sa kanila dahil maging ako ay hindi ko rin alam kung bakit hinahanap ako.
Paglabas ko ay agad akong sumunod sa lalaki ng nagsimula na itong maglakad. Pumasok kami sa elevator at pinindot nito ang button ng 19th floor. Agad namang may pumasok na ideya sa isip ko kung bakit patungo kami sa floor ng mga Zaxton.
Pagdating sa 19th floor, puno ng pagtataka ang nabanaag ko sa lalaking nakaupo sa area nito. Hindi halatang ayaw nga niya sa babae dahil maging secretary niya ay lalaki. Pero sino naman itong kasama ko kung may secretary naman pala siya?
Huminto kami sa glass door ngunit hindi nakikita ang loob katulad ng sa department namin dahil may blind curtains na nakatabing sa pintuan at buong wall glass.
"Pumasok ka na," sabi ng lalaki.
"H-ha? E, ikaw, hindi ka ba papasok?" maang na tanong ko.
"Ikaw lang ang kailangan ni boss." Ngumisi ito at tila ba'y may kahulugan ang sinabi nito. "Maswerte ka, bukod sa mommy niya, ikaw pa lang ang makakalapit sa kanya. Good luck."
Hindi ko na nagawang magsalita ng iniwan na niya ako. Napanguso naman ako ng sumagi sa isip ko ang huling sinabi nito. Ano'ng masuwerte roon kung makakaharap ko naman ang lalaking laging nagpapakulo ng dugo ko?
I pushed the glass door. My lips parted when I entered his office. I think the setup of his office is opposite to his attitude because no matter where you look at it, it looks clean. Ang cozy ng opisina niya, nakaka-relax ang atmosphere.
Mabilis kong pinaglapat ang labi ko ng makita ko siya na seryosong nakatitig sa akin habang printeng nakaupo sa swivel chair niya.
"May kailangan ho ba kayo, sir?" tanong ko.
He raised his eyebrows and looked at me as if I had forgotten something.
"You forget so quickly, Miss Florencio. We haven't settled my car yet," paalala niya sa nangyari ng nagdaang araw.
Wow! Salamat naman at natandaan na niya ang pangalan ko.
Pinigilan kong paikutin ang mata ko. Iyon lang pala kaya niya ako pinatawag. "Hindi ko po nakakalimutan, sir. May alam po akong magaling mag-ayos ng sasakyan. Sasamahan ko po kayo. Ako na po ang bahala sa bills," nakangiti ng sabi ko. Pilit ko pinapagaan ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa.
"No. That's not what I want, Miss Florencio."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ano, ho?"
"I want you to do something for me, Miss Florencio." Tumayo siya. "You don't have to bring my car to the repair shop. Just agree to what I want to happen, the problem is over."
"What do you want me to do, sir?" Handa kong sundin ang ipagagawa niya. Kailan ba ako umatras?
Napaatras ako ng dahan-dahan siyang humakbang palapit habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hanggang sa napasandal na lang ako sa wall glass.
"Be my slave."