Chapter 3

1732 Words
ZIANNA "Do you know who you are talking to?" His face darkened even more. "Yes. You are Reddelion Stone Zaxton, anak ng may-ari na pinapasukan ko. So what?" nakapamaywang kong sagot. Porke mataas siya ay may karapatan na siyang tapak-tapakan ako? Hindi ko siya aatrasan. Wala akong pakialam kung mataas ang katungkulan niya sa pinapasukan ko. "Huwag ka ng sumagot, girl," saway sa akin ni Kim at hinawakan ako sa braso pero hindi ko ito pinansin. Gusto ko lang matuto ng leksyon ang lalaking ito. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob. O baka wala talaga sa bokabularyo nito ang salitang 'salamat'. He looked at me sharply but I boldly met his eyes that seemed like they wanted to spew fire at any moment. But I'm the type of person who can't be scared by his sharp gaze. "So, you have an idea that I can fire you any time, miss. Do you want me to fire you, huh?" "Do it, sir. I have a reason to defend myself either," panghahamon ko. May humila sa akin kaya napunta ako sa likuran. Agad na may humarang sa aking harapan at yumuko. It was Emily, bowed in front of this arrogant man. "P-pasensya na po kayo, sir. Bago lang po si Lihann. Huwag n'yo po s'ya tatanggalin sa trabaho. Ako na po ang humihingi ng pasensya sa pagsagot niya sa inyo." Pagkatapos niya iyon sabihin ay sinigundahan siya ng mga kasama namin. "Ano ka ba, Emily. Hindi mo kailangang—" Marahas siyang pumihit paharap sa akin kaya naputol ako sa pagsasalita. Pinandilatan niya ako ng mata. Ang mga kasama ko naman ay pasimple akong kinurot sa tagiliran para sawayin muli. Wala akong nagawa kundi itikom ang bibig ko. Ngunit napataas ang kilay ko ng tumagos ang tingin ko sa likuran ni Emily ng hindi nakaligtas sa mata ko ang ngisi sa labi ng aroganteng lalaki. "Good afternoon, girls." Napalingon kami sa nagsalita, si Rhanndale Saint at Ralphie Shawn Zaxton ang mga bagong dating. Sa wakas, nakaharap ko na rin ang dalawa sa Zaxton. "May problema ba rito, Kuya Redd?" Baling ni Sir Rhann sa kapatid nitong arogante. "Nothing," tipid nitong tugon pero sa akin nakatuon ang atensyon niya. "Let's just eat at another restaurant. There is a wild cat here. I don't like cats." Kinuyom ko ang kamao ko at pinilit na huwag itong patulan. Alam ko naman na ako ang ligaw na pusa na tinutukoy niya. "But–" "No buts, Rhann. Let's go, kuya," Yaya niya sa walang imik na panganay na kapatid. Nang lumabas na ang tatlong magkakapatid ay saka kami naghanap ng bakanteng mesa. Pagkaupo namin ay isa-isa ko tiningnan ang mga kasama kong walang imik. Bigla akong nakonsensya sa ginawa ko dahil hindi pa tapos ang araw ay pinakita ko na kaagad sa kanila ang ugali ko. Galit kaya sila sa akin dahil sinagot ko ang aroganteng lalaking iyon? "I'm sorry, guys. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang—" Napahinto ako magsalita ng sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga kasama ko habang may nakapaskil na matagumpay na ngiti sa mga labi nila. "H-hindi kayo galit sa 'kin?" maang na tanong ko. Tumigil sila sa pagpalakpak. "Of course not. Ang tapang mo nga, e. For the first time, ay may sumagot kay Sir Redd. Sabagay, wala talaga lumalapit at kumakausap sa kanya dahil ayaw niya sa babae pero ikaw, walang kahirap-hirap na nakausap mo s'ya. Iyon nga lang, sinagot mo." Sabay-sabay silang nagtawanan pagkatapos iyon sabihin ni Rebecca. Alanganin akong ngumiti. Bigla naman akong nabahala dahil baka magalit sa akin si chief kung sakaling tanggalin ako ng lalaking iyon sa kumpanya dahil sa inasal ko. Simula ng araw na nagkaharap kami ni Reddelion Stone Zaxton, sinikap kong maging kalmado sa tuwing nakakasalubong siya. May pagkakataon na nagkakatinginan kami pero ako na lang ang umiiwas ng tingin dahil baka bigla niyang maalala ang pagsagot ko sa kanya. Mabuti na nga lang ay hindi ako tinanggal ng aroganteng lalaki kaya ligtas ako sa sermon ni Chief Pins. I've been with Zaxton's Group of Companies for a few weeks but I still haven't found any information about the Zaxton brothers. Even if I simply ask my office mates, I still don't get anything. I've also managed to make friends in other departments just so I can get at least a little hint about Zaxton's true identity but I'm just disappointed. There are hidden cameras in every department here in the company and I can clearly hear what they are talking about but I don't hear any negative feedback about the Zaxton brothers. Puro papuri sa physical appearance na lang ang naririnig ko lalo na sa mga kababaihan. Ilang araw ng sumasakit ang ulo ko kung paano ako makakasagap ng impormasyon. Mabuti na lang ay hindi ako tinatanong ni chief kung may progress na ba sa mission na ibinigay niya sa akin. "Punta lang ako sa banyo, girls," paalam ko sa mga kasama ko. Lumabas ako ng opisina at tinungo ang comfort room. Pagpasok ko ay nagtsi-tsismisan ang mga empleyado ng Marketing department tungkol sa magkakapatid. At kahit tinanong ko sila kung wala bang bago ay wala rin akong napala. Hindi rin ako nagtagal sa banyo. Bawat madaanan kong empleyado na kilala ko ay nakangiti kong binabati. Ngunit napahinto ako ng may tumawag sa pangalan ko. Alaganin pa nga akong lumingon dahil hindi pa rin ako sanay na Lihann ang tawag sa akin. Paglingon ko ay laking gulat ko kung sino ang tumawag sa akin. "A-ano'ng ginagawa mo rito, Tanie?" Hindi ko inaasahan na magkikita kami pero bakit dito pa? Si Tanie ay nakasama ko sa club na pinasukan ko which is nasa mission din ako. Ngayon na lang ulit kami nagkita simula ng huli naming pag-uusap sa convenience store. Hindi na rin ako magtataka kung tinanong niya kung bakit iba ang pangalan ko, mabuti na lang ay hindi ako nahirapan magpaliwanag sa kanya. Kahit sandali lang kami magkasama sa club ay may tiwala ako sa kanya na hindi niya ako ipapahamak. Ngunit laking gulat ko dahil kilala niya ang Zaxton's brothers ng lumapit sa amin ang magkapatid na Ralphie Shawn at Reddelion Stone Zaxton. At base sa nakita ko sa kanilang dalawa ni Sir Ralphie ay may namamagitan sa kanilang dalawa. Gusto ko pa sana siya maka-kwentuhan para makasagap na rin ng impormasyon pero naaalibadbaran ako sa pagmumukha ni Sir Redd kaya nagpaalam na ako sa kaibigan ko. Lumipas ang mga araw ay patuloy ang pagmatyag ko sa kumpanya. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nahirapan sa mission at ilang linggo na ay wala pa rin progress sa ginagawa ko. Nababahala na ako dahil baka bigla na naman ipatigil ang mission ko katulad ng nangyari sa huling mission ko sa club. "Pasuyo naman ako ng bread knife, Lihann," utos ni Hannah. Kasalukuyan kaming nasa pantry at nagme-meryenda. May dalang tasty bread at Nutella si Kim kaya pinagsaluhan namin ito ng mga kasama ko sa Finance department. Inabot ko ang bread knife. Muli akong napasulyap sa dartboard habang kumakain ng tinapay. Parang nangangati na naman ang kamay ko na maglaro pero pinigilan ko ang sarili ko. "Oo nga pala, girls, nabanggit ko na ba sa inyo na natamaan ni Lihann ang gitna ng dartboard?" pagbubukas sa paksa ni Kim. Mabilis na bumaling ang tingin nilang lahat sa akin na para bang hindi makapaniwala na kaya ko nga iyon gawin. "Seryoso?" manghang tanong ni Rebecca. Sa totoo lang ay iniiwasan ko na nga pag-usapan ang ginawa ko pero hindi ko akalain na ma-aalala pa iyon ni Kim. Kailangan ko na kasi mag-ingat sa kilos ko dahil baka mahalata ako na hindi lang ako ordinaryong empleyado. "Tsamba lang," palusot ko. "Tsamba pero bullseye," giit ni Kim. Natawa na lang ako at tinuon na ang atensyon sa pagkain. Ilang minuto pa kami nagtagal sa pantry. Mayamaya lang ay nauna na sa akin ang mga kasama ko at naiwan ako. Sinadya ko talaga magpaiwan para makabwelo ako sa dartboard. May oras pa naman ako para gawin iyon. "Finally," I said with a wide smile. Tumayo ako. I took the bread knife and moved slightly away from the dartboard. May pagkakataon na punyal ang ginagamit ko kaya buo ang kumpyansa ko na hindi ako mimintis kapag bread knife ang pinatama ko sa dartboard. "Isa lang tapos lalabas na ako," sabi ko pa. Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin. Katulad ng ginawa ko ay pinikit ko ang aking isang mata. Sinentro ko ang tulis ng bread knife sa gitna ng dartboard bago ito pinakawalan. Matagumpay akong napangiti ng matagumpay kong natamaan ang gitna ng dartboard. Wala pa rin mintis kahit ilang linggo ng walang practice. "Nice." Napatingin ako sa nagsalita at hindi na naman ako nakahuma ng makita ko kung sino ang nakatayo sa bungad ng pintuan ng pantry. Nakatingin siya sa dartboard kung saan nakatarak ang bread knife. "S-sir Redd," usal ko. Nakita niya kung ano ang ginawa ko. Sa dami naman ng makakakita, bakit siya pa? Maghihinala kaya siya? Pero hindi lang naman ako ang marunong magpatama sa dartboard kaya imposibleng makahalata siya. He looked at me from the dartboard. His face was blank. He stared at me as if he was reading the expression on my face. "Where did you learn that?" he asked emotionlessly. Muli niyang binalik ang tingin sa dartboard at naglakad. Huminto siya sa tapat ng dartboard at pinakatitigan niya ito. I don't see that he was amazed at what I did, he was just interested in where I learned it. "Sa kaibigan ko lang po, sir. Sige po, aalis na ako." Ayoko talaga nakikita ang pagmumukha niya kahit gwapo pa siya. Baka kasi masagot ko na naman siya ng wala sa oras. Humakbang na ako patungo sa pintuan para lumabas pero laking gulat ko ng may biglang dumaan sa harap ng mukha ko. Nanlaki ang mata ko ng tumambad sa mata ko ang bread knife na nakatarak sa pintuan. Gumagalaw-galaw pa ito dahil sa lakas ng impact ng pagkakabaon nito sa pintuan. "What the hell?" bulalas ko at binalingan siya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon kaya nagulat ako. "What? Did I amaze you?" Hindi lang siya arogante, mayabang pa! "Are you trying to kill me?" He smirked. "Why? Are you afraid to die?" Hindi ako nakapagsalita. Parang demonyo siya kung ngumisi. Kakaiba rin ang tingin na pinupukol niya sa akin. Sino ka bang talaga, Reddelion Stone Zaxton?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD