Chapter 2

1980 Words
ZIANNA Anyone who looks at him will say that he has a strong personality. He has a sharp eye too. The way he looked at me, was like a knife that penetrated my whole being. His eyes were very cold when he looked and showed no emotion. Tama nga kaya ang sinabi ni chief na siya ang tao na pinangingilagan ng lahat? "Back off, woman." The way he speaks is full of authority. Saka lang ako bumalik sa katinuan dahil sa malaki at malalim niyang boses na parang hinugot pa sa ilalim ng lupa. Umatras ako at lumayo sa kanya. Kailangan maging normal ang kilos ko lalo na at bagong empleyado lang ako dito sa kumpanya nila. Hindi ko dapat ipahalata na may alam ako tungkol sa kanya. "I'm sorry, sir," magalang na sabi ko at pumihit paharap bago pinindot ang button patungong 18th floor. I simply looked at him from the reflection of the elevator. Napansin ko na may kinuha siya sa bulsa ng pants niya. Mayamaya lang ay may narinig akong tila spray. Ilang sandali lang ay nagusot ang ilong ko ng kumalat sa loob ng elevator ang amoy. Hindi ko napigilan bumahing ng ilang beses. He sprayed alcohol inside the elevator for Pete's sake! Nagtiis ako sa amoy pero hindi ko kayang pigilan ang pagbahing. Nang sa wakas ay narating ko na ang 18th floor, pagbukas ng lift ay agad akong lumabas dahil hindi ko na kaya pa magtagal sa loob, ang tapang ng amoy na ginamit niya. Naluluha at para na akong nagkaroon ng sipon dahil maya't maya na lang ang bahing ko. Nag-angat ako ng mukha ng marinig ko ang tila panginginig ng boses ng ilan na bumati sa kanya. Nang tumuwid ako ng tayo at tumingin sa kanya ay pasara na ang elevator. Nagkatitigan pa kaming dalawa bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Napabaling ako ng tingin sa babaeng nasa harap ko ng hinawakan niya ang ID ko at tiningnan ito. "Lihann Florencio," sambit niya sa pangalan ko at tumingin sa akin ng diretso. "Tama ba ang nakita ko, lumabas ka sa elevator na 'yan?" tukoy niya sa elevator kung saan ako lumabas. Tumango ako bilang sagot. She let out a deep breath while her face was filled with uneasiness. Umiling-iling siya sabay tingin sa mga babaeng empleyadong nakatingin sa amin. Hindi ko napigilan ang sarili na taasan ang mga ito ng kilay dahil sa tingin na ipinupukol nila sa akin habang may ngisi sa mga labi na para bang tuwang-tuwa sila sa nasaksihan. "Follow me, Ms. Florencio." Sumunod ako ng tinalikuran niya ako at nagsimulang naglakad. Pumasok kami sa isang silid na bakante. "Sit down. I will brief you on the most important rules and regulations of the company. Anyway, I'm Lizabeth Macaraeg." Nilahad niya ang kamay sa harap ko na agad kong inabot bago umupo. May inabot siya sa aking folder na agad kong binuklat. "Mga importante lang ang sasabihin ko sa 'yo pero kung gusto mo malaman ang ibang rules ay basahin mo lang ang nasa folder na iyan." Umupo siya sa tapat ko. "Uunahin ko na ang elevator na sinakyan mo kanina. That elevator is only for Zaxton's brothers." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Kaya pala tinatawag ako ng babae kanina dahil para lang sa magkakapatid ang elevator. "I'm sorry, ma'am," sabi ko na lamang. Wala na rin naman magagawa dahil nangyari na. "It's okay. At least alam mo na ngayon na hindi allowed ang empleyado sa elevator na iyon." Pinasadahan niya ako ng tingin. "Maganda ka. May boyfriend ka?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong nito. Kasama ba sa briefing ang pagtatanong ng personal na buhay? "Wala po." At the age of 24, I only had one boyfriend and our relationship lasted for two years. Pero dahil sa uri ng trabaho ko at hindi pwede na mawala ako sa focus lalo na kapag nasa mission ako, I broke up with him. I chose my job over him. He also had no idea about the job I had. "Hmm, I see. Anyway, the reason why I'm asking you this ay dahil gusto lang kita bigyan ng babala dahil isa sa Zaxton's brothers ay playboy." "Alam ko na 'yan," sabi ng bahagi ng isipan ko. "Si Sir Rhann, mahilig sa bago. Pero mukha namang matino kang babae kaya sigurado ako na hindi mo papatulan ang boss mo, 'di ba?" sabi niya. Sinisiguro niya na hindi nga talaga ako papatol isa sa Zaxton's brothers. "Hindi po. Hindi rin po ako pumapatol sa babaero," nakangiting sagot ko. "Good to hear that from you." Malalim siyang bumuntong-hininga bago nagbuga ng hangin at mataman akong tinitigan na para bang ang susunod niyang sasabihin ay dapat kong tandaan ng mabuti. "And lastly, ang pinaka-importante ay si Sir Redd. Walang problema kay Sir Ralphie dahil sa tatlo ay siya ang matino." So, what about him? "Ayaw niyang may lumalapit na babae sa kanya. Lahat kaming babaeng empleyado rito ay ilag sa kanya." So, kaya pala nag-spray siya kanina dahil nadikitan siya ng babae. Ang arte niyang lalaki. "Bakla ba s'ya?" hindi ko napigilang itanong at huli na para bawiin. Malutong na tumawa si Ma'am Lizabeth. "Alam mo, iyan din ang sabi nila. Pero 'wag na 'wag mo na babanggitin iyan kung ayaw mong masisante agad. Ayaw ni si Redd na pinag-uusapan sila. Behave ka na lang habang nandito ka." Tumango-tango lang ako. Wala naman akong balak na i-tsismis sila, ang purpose ko ay mangalap ng impormasyon tungkol sa kanilang tatlo. "Sa Finance department kita ilalagay." Tumayo siya. "So, let's go? Para maipakilala na rin kita sa mga ka-officemates mo." Sumunod ako. Tinungo namin ang Finance department at pinakilala sa akin isa-isa ang mga makakasama ko. Tinuro niya sa akin ang area ko. Nang umalis si Ma'am Lizabeth ay saka ko hinarap ang table ko. "Lihann, sama ka sa amin mamaya. Sa labas tayo kumain ng lunch," sabi ni Emily, isa sa mga kasama ko sa department. "Sure," nakangiting sagot ko. Inabala ko ang sarili ko sa trabahong binigay sa akin. Maya't maya naman ang masid ko sa paligid ko. Hindi pa ako makakilos ngayon dahil kailangan ko muna aralin ang pasikot-sikot dito sa kumpanya at kung paano ko sisimulan alamin ang totoong pakay ko. "Guys, gusto ko mag-kape. Hindi ako nakapag-kape kanina bago umalis e," pukaw ko sa atensyon ng mga kasama ko. "Ay, gusto ko 'yan," sang-ayon ni Kim na agad tumayo. "Who wants coffee?" tanong niya sa mga kasama namin na lahat ay nagtaas ng kamay. "Ayan tayo e," napapailing na dugtong nito. Lahat sila ay nag-peace sign sa amin at muling tinuon ang atensyon sa kanilang ginagawa. Sumunod ako kay Kim dahil hindi ko alam kung saan ang pantry. Umakyat kami sa 19th floor. Sinabi rin niya sa akin na sa floor na ito ang opisina ng Zaxton's brothers. Napangiti ako dahil unti-unti ay nagkakaroon ako ng impormasyon sa kanilang tatlo. "Wow, may dartboard!" I exclaimed when I saw the dartboard as I looked around the pantry. "Marunong ka?" tanong ni Kim. "Medyo. Pero tsamba lang minsan," alanganin ang ngiti na sagot ko. "At least, tsumamba ka. Ako nga, kahit ilang beses ko subukan, kahit dartboard ay hindi ko matamaan," natatawa na sagot nito. "Ito na lang isang tasa ko ang gamitin mo." Inabot niya sa akin ang tasa. "Thank you. Magdadala na lang ako bukas ng sarili kong tasa. Nagsimula na kami magtimpla ng kape para sa mga kasama namin. Nang tapos na ay binalingan ko ang dartboard, bigla ko namiss ang ginagawa ko. "Can I try?" "Oo naman," sang-ayon ni Kim. Excited na kumuha ako ng isang dart pin. Tumayo ako hindi kalayuan sa dartboard at nag-concentrate. Sa totoo lang ay hindi pa ako tsumamba dahil laging bullseye. Pinikit ko ang isang mata ko at sinentro ang tingin sa pinakagitna bago pinakawalan mula sa kamay ko ang dart pin na hawak ko. Kasabay ng pagsilay ng malapad na ngiti sa labi ko ay ang sunod-sunod na palakpak ni Kim dahil tumama sa pinaka-gitna ng dartboard ang dart pin. "Iyan ba ang tsamba? Ang galing mo naman, Lihann. Ikaw pa lang yata ang nakagawa niyan dito," mangha niyang sabi. Alanganin na lang akong ngumiti at kinuha ang tray na may nakalagay na tasa ng kape. Nasa labas na kami ng pantry ay hangang-hanga pa rin sa akin si Kim. Sinasabi ko na lang dito na tsamba lang ang nangyari. "Girl, si Sir Redd, makakasalubong natin," mahinang sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa direksyon ng aroganteng lalaki. "Ano'ng ginagawa mo? Huwag mong tingnan," saway niya sa akin. Pero walang nagawa ang sinabi niya dahil tiningnan ko pa rin ito. Wala namang dapat ipangamba dahil nakatutok ang atensyon nito sa hawak na phone. Saka ko lang iniwas ang tingin ko ng mag-angat siya ng mukha. "Sino ba s'ya para katakutan?" usal ko. Sinadya ko talaga iparinig sa kanya ng dumaan siya sa tabi namin. Napahinto si Kim at awang ang labi na tumingin sa akin. Lumingon siya at nanlaki ang mata. Agad niya akong niyaya patungo sa exit at dito na lang kami dumaan. Kahit natatapon na ang laman ng tasa ay nagmamadali siyang bumaba. Ako naman ay kalmado lang na nakasunod sa kanya. "Narinig ka yata, girl. Huminto kasi si Sir Redd, e." Puno ng takot ang mukha niya ng lumabas kami sa exit. "Bakit s'ya maaapektuhan e, wala naman siyang ideya sa pinag-uusapan natin," walang bahid ng pangamba na sagot ko. Napapailing na lang na pumasok kami sa department namin. Nagtaka naman ang mga kasama namin dahil halos kalahati na lang ang laman ng tasa. We just shrugged our shoulders and returned to our table. Pagsapit ng tanghali ay lumabas kami ng building. Niyaya nila ako sa isang restaurant. Nagkakatuwaan pa kami nang pumasok kami sa loob. Hanggang sa nahagip ng mata ko ang batang lalaki na nasa edad limang taon na naglalaro ng tila baseball habang ang kasama na magulang yata nito ay abala sa hawak na phone. Shit! Tama ang nasa isip ko dahil binato ng bata ang hawak na bola. Mabilis ang naging reflex ng kamay ko. Agad kong sinalo ang bola na muntik ng tumama sa mukha ng customer na nakaupo sa bandang gilid namin kung saan kami nakatayo. Narinig ko naman ang sabay-sabay na tili ng mga kasama ko. "Irresponsible parents," usal ko sabay baling ng tingin sa lalaking nakaupo. "Are you alright, sir?" tanong ko. Ngunit hindi na naman ako nakahuma ng mag-angat ng mukha ang lalaking sinagip ko ang mukha mula sa bola. His eyebrows met and he seemed to recognize me when he looked at me. After a while, while his face was blank, he stood up and faced me. "You're the woman I was with in the elevator, right?" "Yes, sir." "What department are you in, miss?" He asked without emotion. "Finance department po, sir," kalmado kong sagot. "New employee?" "Yes, sir." He raised his eyebrow. "Well, then, if you are trying to impress me, it's not effective," tiim bagang niyang sabi bago ako tinalikuran. Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. "Napaka-arogante mo. Sana nag-thank you ka na lang. Who the hell are you anyway to impress you, huh?" bubulong-bulong na sabi ko. Sinaway naman ako ng mga kasama ko dahil baka marinig daw ako. Takot na takot sila sa boss nila pero hindi ako. I simply smirked when he stopped. Mayamaya lang ay pumihit siya paharap sa akin. "What did you just say, miss?" His face was dark when he faced me. "Hindi ko na po inuulit ang sinabi ko na, sir," matapang na sagot ko. Hindi ako natatakot sa kanya dahil hindi lang naman siya ang boss sa kumpanya. May mga dahilan din ako para hindi matanggal. Huwag niya ako itulad sa mga empleyadong takot sa kanya. I'm a secret agent and as I have said, I fear nothing— even if he is my boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD