Chapter 1

1905 Words
ZIANNA I punched his face two times. Mayamaya lang ay mahigpit kong hinawakan ang braso niya at mabilis na umikot sa likod niya saka diniin ang braso na hawak ko sa kanyang likuran. Agad akong humakbang kasama siya patungo sa pader at nilapat ang mukha nito bago dinagan ang katawan ko para mapunta ang bigat ko sa kanyang katawan. "f**k!" malutong niyang mura. "Kapag nakawala ako, hindi ko na pipigilan ang sarili ko. Gagawin ko na ang dapat na matagal ko ng ginawa sa 'yo!" There was a hint of threat in his voice. A smirk appeared on my lips. I moved my mouth closer to his ear. "Your bones might be broken before you do that," balik pagbabanta ko. Nanggigigil na sinipa ko ang binti niya dahilan para mapaluhod siya. Mabilis ko siyang pinadapa sa sahig at agad na dinagan ang tuhod ko sa likuran niya para hindi siya makabangon. "You'll pay for this, Z!" asik niya. Halata sa boses nito na hindi matanggap ang pagkatalo ng katulad kong babae. They call me Z but when we are on a mission, they call me by my codename. My associates also used to call me the living angel because of my innocent face. But despite my face, I hide a dangerous side of myself where I fear nothing. "Wala akong matandaan na utang na dapat kong bayaran sa 'yo, Fox. Tanggapin mo na lang na talo ka ng babae," pang-aalaska ko rito. Katulad ko, si Fox ay isa ring secret agent. Lahat ng kasama namin dito sa training room ay secret agent. "No!" mariing pagtutol nito. Tama nga ako, hindi nito matanggap na natalo ko ito. Tumawa na lang ako sa naging reaksyon nito. Napagawi ang tingin ko sa mga kasama namin sa training room ng magpalakpakan ang mga ito. Napabilib ko na naman sila sa ginawa ko. "Okay, that's enough!" Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan ng pumasok ang chief namin. "I have something to discuss." Pagkatapos nito iyon sabihin ay muli itong lumabas. "f**k, Z. Pwede bang umalis ka na sa likuran ko?" agaw sa aking atensyon ni Fox habang tinatapik-tapik ang sahig gamit ang bakanteng kamay. "Ops, sorry." Nakangising umalis ako sa likuran nito at tumayo. I help to get him up. "Paano ba 'yan? Panalo ako at talo ka. Ibig sabihin, sagot mo mamaya," paalala ko sa pustahan namin bago magsimula ang laban naming dalawa. "Walang atrasan, Fox. Z won kaya sagot mo mamaya," segunda ni Speedy. "Ano pa ba ang magagawa ko?" napapakamot sa ulo na sang-ayon na lang ni Fox. Matagumpay ang ngiti na pinakawalan ko sabay tapik sa balikat nito. "Galingan mo na lang sa susunod," pang-iinis ko pa sabay kindat. Nagkantiyawan naman ang mga kasama namin. Tinanggal ko muna isa-isa ang training gear sa katawan ko bago sinuot ang jacket ko at sabay-sabay namin tinungo ang meeting room. Nasa loob na si chief at naghihintay pagdating namin. "Mission again, Chief Pins?" tanong ni Trapp. In our team, I was the only woman and Chief Pins was the ESSA or Eagle Secret Service Agency team chief leader here in the Philippines. Pins means, Pinuno. Ito ang nagbibigay ng bawat isa sa amin ng mission. Pero hindi talaga siya ang pinaka-boss dahil may mataas pa sa kanya. "Yes. May binigay na mission." He opened the projector and showed us a picture. "Isa sa inyo ay papasukin ang Zaxton's Group of Company and will spy the Zaxton's brothers." A simple smirk appeared on my lips as I heard Zaxton. Pinakita ni chief ang larawan ng mga Zaxton. "Ang nakikita n'yong larawan ay ang Zaxton's brothers." Tinuro niya ang isa sa Zaxton's brothers. "He is Ralphie Shawn Zaxton, the eldest. He is currently the CEO and President of the company." Bata pa para pamahalaan ang kompanya pero halata sa itsura nito na kaya ng magpalakad ng malaking kompanya. Ilang sandali lang ay tinuro naman ni chief ang isa na nasa gitna. "This is Reddelion Stone Zaxton, the middle child. They said that this man was dangerous. Marami ang ilag sa kanya. You saw on his face how tough he was. He is the type of person who is difficult to approach." "Hmm, sounds interesting, huh? Gaano naman kaya siya kapanganib na lapitan?" anang bahagi ng pilya kong isipan. I don't care if he is dangerous. The more dangerous he was, the more exciting. "And lastly, Rhanndale Saint Zaxton, the youngest. Well, according to my source, among 3 brothers, he's a playboy." Narinig ko ang bulungan ng mga kasama ko dahilan para hindi mapigilan ang pagtaas ng kilay ko. Paano ba naman, parang natuwa pa sila na babaero ang isa sa mga Zaxton. May mukha raw kasi kaya ang lakas ng loob mambabae. "Lahat sila ay nakatutok ang atensyon sa kompanya ng ama nilang si Ravi Theodore Zaxton. But this Zaxton's brothers have a secret." "What is it, chief?" Fox asked. "Iyan ang kailangan tuklasin ng papasok sa kompanya." "Hindi kaya kasapi sa sindikato ang mga iyan?" Trapp said. "What? Sa itsura nilang iyan?" bulalas ni Speedy. Hindi ito makapaniwala na sa kabila ng gwapong mukha ng tatlo ay gumagawa pala ito ng mga illegal na gawain. "I always say that looks can be deceiving, team. Huwag kayong madala sa panlabas na kaanyuan dahil may mga tinatagong baho rin ang mga iyan," sagot ni chief. "Sino ang papasok sa loob, chief?" Finally, Speedy asked. Bumaling ang tingin sa akin ni Chief Pins. "I will give this mission to, Z." Yes! "When will I start?" A smile appeared on his lips when he heard my question. Well, inaasahan na rin nito na tatanggapin ko talaga dahil wala pa akong tinanggihang mission. "Tomorrow." "What? Paano 'yan, Z, hindi ka pala makakasama sa lakad mamaya?" paalala ni Trapp sa lakad namin. "Bakit naman hindi? Ang sabi ni chief, bukas ako magsisimula, hindi mamaya," sagot ko. "Yes! Pwede kitang pabaunan ng kiss bago ka sumabak sa mission, Z." I rolled my eyeballs when Fox said those things. Sinulyapan ko ito at pinakita ang middle finger ko kaya napuno ng tawanan ng mga kasama namin ang loob ng meeting room. "Hindi porke si Z lang ang papasok sa loob ay wala na kayong gagawin. Always monitor her when she's inside." May inabot sa akin si chief na bag. "Lahat ng gagamitin mo ay nariyan na. Hidden cameras, devices that you could use, and different IDs. May ID ka na rin sa kompanya. Pagpasok mo bukas, saka mo malalaman kung saang department ka ilalagay. Look for Lizabeth Macaraeg. Before 8 ay dapat naroon ka na. Everything was settled, Z. I trust you, and be careful. Wala tayong ideya kung sino talaga ang mga Zaxton." "Don't worry about me, chief. I can take care of myself. Marami na akong mission na pinagdaanan. Thank you for trusting me again." I stood up and saluted him. Inabot niya sa akin ang isang folder. "May ilang impormasyon na nariyan tungkol sa Zaxton's brothers. If you need help, the team is always at your back. Pwede ka ng umuwi at magpahinga. Ready yourself for tomorrow." Binalingan niya ang tatlo na tumayo na rin. "Kayong tatlo, maiwan kayo. May dapat pa tayong pag-usapan." Walang nagawa ang mga ito kundi muling umupo habang napapakamot sa ulo. Lumabas ako ng meeting room at dumiretso sa parking. Pagpasok ko sa sasakyan ay nilapag ko ang maliit na bag sa front seat at binuklat ang hawak kong folder. I smirked again when I saw the pictures of Zaxton's brothers. Natuloy ang lakad namin pagsapit ng gabi pero hindi rin ako nagtagal. Dalawang tagay lang ako. Pinagbigyan ko lang talaga ang mga kasama ko. Hindi rin naman ako mahilig uminom dahil mabilis akong malasing. Nang pasado alas onse na ay umalis na ako. Tinakasan ko na lang sila dahil ayaw nila ako paalisin. Pagdating sa condo na tinutuluyan ko ay agad akong naligo at pagkatapos ay nilabas ang lahat ng nasa bag na binigay sa akin ni chief. Kailangan ko i-double check kung gumagana ang mga devices na gagamitin ko. Madaling araw na ako nakatulog. Sa kamalas-malasan, nakalimutan kong mag-alarm kaya ngayon ay tinanghali ako ng gising. Mabilis ang naging kilos ko. Kung may makalimutan man ako ngayon, sa susunod na araw ko na lang gagawin. Magmamasid na lang muna ako sa loob ng kumpanya bago ako maglalagay ng mga hidden cameras. Tinakbo ko ang elevator at agad na pinindot ang basement patungo sa parking area. Mabuti na lang ay wala akong kasabay kaya kahit paano ay nagawa ko pa makapag-ayos sa loob. Pagbukas ng lift ay agad kong tinungo kung saan naka-park ang sasakyan ko saka linisan ang parking. Kahit rush hour na ay agad ko naman narating ang gusali ng Zaxton's Group of Companies. Bago bumaba ay nagsuot muna ako ng sapatos. Nilagay ko na rin sa leeg ang ID ko at muli kong tiningnan ang pangalang nakalagay rito. Paglabas ko ay sinipat ko muna ang sarili sa bintana ng sasakyan ko. Nang masigurong maayos na ako ay tinakbo ko ang elevator. Pagdating sa first floor ay lumapit ako sa information desk para magtanong. "Hi, good morning," nakangiting bati ko sa babaeng clerk. "Good morning. Welcome to Zaxton's Group of Company. What can I do for you, ma'am?" "My name is, Lihann Florencio." Pinakita ko ang ID ko at sinabi ang pakay ko. "Binilin na po kayo ni, Miss Lizabeth kanina. Akyat po kayo sa 18th floor, ma'am. Inform ko na rin po s'ya na papunta na kayo." "Thank you." Pagkatapos ko magpasalamat ay tinungo ko na ang elevator ngunit napangiwi ako dahil matagal pa ito bago bumaba. Paglipat ko sa isang elevator ay hindi na ako pwede sumingit dahil puno na. Ang isa naman ay sira at inaayos pa raw. Sinipat ko ang pambisig na relo, pasado alas otso na. Ang sabi ni chief, bago mag-alas otso ay dapat narito na ako. Lunes pa naman. At kapag naghintay ako ay mas lalo ako male-late. Hindi naman ako pwedeng mag hagdan dahil naka-heels ako at baka pagdating ko sa taas ay tagaktak na ako ng pawis at hulas na ang makeup ko. Binalingan ko ang katabi ko na pareho kong naghihintay. "Miss, ito lang ba ang elevator dito?" Nagpalinga-linga pa ako sa paligid. "Meron pang isa pero hindi pwede gamitin kasi—" "Salamat, miss!" putol ko sa sinasabi nito ng makita ko ang isang nakahiwalay na elevator. Nahagip rin ng mata ko na may pumasok dito. Tumakbo ako at tinungo ang elevator. Tinawag pa ako ng babae at parang may sinasabi ito pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Pasara na ang elevator ng maabutan ko kaya agad kong pinasok ang isang kamay ko at hinarang para hindi ito tuluyan magsara. "Wait!" Nakahinga ako ng maluwag ng magbukas ito. Sumilay ang ngiti ko sa labi at hinakbang ang paa ko papasok. Pero malas nga yata ang araw ko ngayon dahil sumabit ang heels ng sapatos ko kaya hindi ko na napigilan ang katawan ko na dumiretso ng pasok sa loob ng lift. Muntik na akong sumubsob sa katawan ng tao na nasa loob kung hindi ko lang agad naitukod ang dalawang kamay ko sa pader ng elevator— sa magkabilang gilid ng katawan nito. "I'm sorry, hindi ko sinasadya." Nag-angat ako ng mukha. Ngunit hindi ako nakahuma ng makita ko kung sino ang tao na halos magdikit na ang kilay habang blangko ang mukha at seryosong nakatingin sa akin. Reddelion Stone Zaxton was in front of me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD