ZIANNA Pinahupa ko muna ang emosyon ko. Ilang segundo lang ay tumayo ako at tinungo ang closet niya. Naghanap ako ng komportableng damit at nagbihis. Hindi dapat ako magmukmok dito, kailangan ko gumawa ng paraan para makaalis sa lugar na ito. Hindi ako papayag na kunin niya at ilayo si Chantea sa akin. Pagkatapos kong magbihis ay tinungo ko ang pintuan. Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin bago sunod-sunod na kumatok. “Nagugutom ako!” Pero ang totoo, gumawa lang ako ng excuse. Ilang beses ako kumatok sa pintuan. Hindi ako sigurado kung nakaalis na si Redd pero tiyak akong maiiwan si Kellian. Gagawa ako ng paraan para makatakas ako sa kanya. Gumalaw ang siradora ng pintuan kaya bahagya akong umatras. Mayamaya lang ay bumukas ang pintuan at iniluwa si Kellian. “Nagugutom ako.

