ZIANNA Napamulat ako ng mata ng may narinig akong tunog, hindi ako maaaring magkamali, ringtone ng phone ko iyon. Kumurap-kurap ako at tinakpan ang mata ko dahil sa liwanag na nagmula sa balkonahe na nakabukas, umaga na pala. Nilibot ko ang tingin sa loob ng silid, wala si Redd. Pumasok na kaya siya? Pero wala siyang nabanggit sa akin na papasok na siya sa opisina. Bumangon ako. Nakagat ko ang labi ko ng maramdaman ko na naman ang kirot sa braso ko pero hindi ko na ito tinapunan ng tingin dahil kailangan ko kaagad na masagot ang tawag. Baka si Yani ang tumatawag at hinahanap na ako ng anak ko. Binalot ko ng kumot ang hubad kong katawan at hinanap kung saan nagmula ang tunog. Pumunta ako sa closet dahil dito ko narinig ang tunog. Agad kong binuksan isa-isa ang mga drawer. Nagliwanag an

