ZIANNA Napaigtad ako ng bumukas ang pintuan at sinara ng malakas ngunit nanatili akong nakapikit. Nagmulat lang ako ng marinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Niyakap ko ng mahigpit ang unan na nasa bisig ko at muling pumikit. Inayos ko rin ang kumot sa katawan ko dahil nilalamig ako. Ayoko mag-isip ng kung ano-ano. Kung ano man ang problema n'ya ay labas na ako roon. Ang problema ko lang ay kung paano ako makakatakas sa poder niya. Napadaing ako ng maramdaman ko ang kirot ng sugat sa braso ko. Nagrabe yata ang pagkakasugat sa akin ng alambre na iyon kaya hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kirot sa sugat ko. Ganito yata palagi ang sasapitin ko kapag tatakasan ko siya, bumabalik at mabilis ang karma. Pakiramdam ko tuloy ay magkakasakit ako dahil sa simpleng sugat lang. Mainit ka

