REDDELLION STONE Nakapamulsang nakatayo ako at nakatingin sa kanya habang mahimbing siyang natutulog. Nang tapos na ako maligo at pinasyang silipin siya, nasa ikalawang palapag pa lang ako ay napansin ko ng parang nakatulog na siya sa sofa. Dala siguro ng pagod dahil pati pagbuhat ko ay hindi siya nagising. Heto nga at mahimbing pa rin ang tulog niya. Awtomatikong dumapo ang kamay ko sa ilong ko. Pagak na lang akong tumawa ng muling sumagi sa isip ko ang ginawa niyang pagsuntok sa ilong ko. She still hasn't changed, she's still a fighting woman. Bahagya siyang kumilos ngunit nanatili akong nakatayo at nakamasid sa kanya. Kumibot ang labi niya. f**k, sa tuwing dadapo ang mata ko sa labi niya ay parang nag-uudyok itong halikan ko siya. Mayamaya lang ay kumunot ang noo ko dahil parang ma

