ZIANNA Hindi ko s'ya kinibo ng pauwi na kami. Hanggang sa nakatulog na lang ako at ng magising ay nasa villa na kami. Kumunot naman ang noo ni Kellian ng pasadahan ng tingin si Redd na para bang may mali rito. “What happened to your nose?” Ang ilong agad ni Redd ang napansin niya. Namumula kasi ang ilong nito kaya mapapansin agad. “Don't mind it. Bumangga lang ako sa pader,” katwiran ni Redd. Napapailing na lang si Kellian sa sinabi ni Redd pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi nito. Mayamaya lang ay pinasadahan niya ako ng tingin at muling kumunot ang noo niya. Nagtatanong na tingin ang pinukol niya kay Redd ng balingan niya itong muli. “Nagpakasal kayo?” Tama nga ako na wala siyang alam tungkol sa pagpapakasal namin ni Redd. “Yes.” Ayoko marinig ang usapan nila kaya ti

