ZIANNA Nanatili akong nakatayo sa kinaroroonan ko habang nakatingin lamang sa paglapit niya. Para siyang mahalagang tao na kailangan pa payungan at may nakasunod na nakasuot ng itim na suit sa kanyang likuran. Nang nasa harap ko na siya ay kinuha niya ang payong kay Levi at pinayungan niya ako, nagsaklob kami sa isang payong. Minuwestra niya ang isang kamay na palayuin ang mga lalaking kasama niya na agad namang lumayo sa amin kasama si Levi. "What are you doing here?" salubong ang kilay na tanong niya. "May dinalaw lang ako," sagot ko. "Relatives?" "A friend. Ikaw, may dadalawin ka rin?" usisa ko. "Yes." Pinasadahan niya ako ng tingin. "You're wet. You might get sick." Binigay niya sa akin ang payong, hinubad ang kanyang coat na suot bago nilagay sa likod ko at muling kinuha

