ZIANNA Pagkatapos ng sinabi ni Redd, wala akong ibang sinabi kundi ang kumain na kami. Ngayon nga ay tahimik kaming kumakain na dalawa. Isa pa, kumakalam na rin ang sikmura ko kaya tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Hanggang sa matapos kami ay wala pa rin umimik. Nagsalita lang siya ng magpresinta na maghugas ng aming pinagkainan. Hinayaan ko siya at lumabas na ako sa dining area. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng bedside table. Tumingin muna ako sa loob ng silid kung may naka-install na CCTV. Nang masigurong walang CCTV ay kinuha ko ang pouch kung saan nakalagay ang spy camera. Siguro naman ay hindi niya pinakialaman itong bag ko. Hindi naman siguro siya ang tipo ng tao na pati personal kong gamit ay pakikialaman niya. Nilagay ko ang spy camera s

