Chapter 43

1312 Words

ZIANNA Dahil sa paliwanag ni Levi ay hinayaan ko na siya magmaneho patungo sa lugar kung saan nakalapag ang chopper. Nagtataka lang ako dahil ilang minuto lang ang biyahe patungong penthouse pero bakit kailangan ay sa chopper pa sasakay? Gustuhin ko man magtanong ay hindi ko na lang ginawa. Isa pa, mukhang nasira ko yata ang mood ni Levi ng tinutukan ko siya ng baril dahil hindi na maipinta ang mukha niya habang nakatuon ang atensyon sa daan. Nagsalita lang siya ng may tinawagan siya at sinabing malapit na kami. Mayamaya lang ay tanaw ko na ang chopper na anumang oras ay handa ng lumipad sa himpapawid dahil ako na lang talaga ang hinihintay. Nang huminto si Levi ay saka ko siya binalingan dahil hindi na ako nakatiis magtanong. "Saan lalapag ang chopper? Sa penthouse ba? Naroon ba si R

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD