ZIANNA Nang maayos na ang pagkaka-park ng motor ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa elevator. Nang nasa loob na ako ay pinigilan ko ang sarili dumaing. Hawak ang tagiliran ay tumayo ako sa sulok ng elevator. Hindi ako nagpahalata sa mga kasama ko sa loob na may iniinda ako dahil baka kung ano ang isipin nila sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mariing pumikit ng maramdaman ko ang kirot sa kaliwang tagiliran ko. Sa along ko na rin dinadaan ang mabigat na paghinga ko. Hindi ko alam kung malalim ang sugat pero ramdam ko ang sakit. Nang marating ang floor kung saan ang unit ko ay mabagal ang ginawa kong paglakad. Sa pader na lang ako kumukuha ng lakas dahil nanghihina na ako at parang nagdidilim na ang paningin ko. Kung may bala mang bumaon ay kailangan ko na ito tanggalin

