Chapter 39

2202 Words

ZIANNA "What, Redd? Answer me. You asked first so you should be ready for my answer," sabi ko ng hindi pa rin siya nagsasalita. Pumalatak ako. "Iyan ang mahirap sa 'yo, ako na nga ang umiiwas, pero ikaw naman itong gumagawa ng dahilan para may pagtalunan tayong dalawa. Ikaw lang ang gumagawa ng dahilan para magalit ka, Redd. Alam mo, kung hindi lang ako aware na hindi nag-eexist ang selos sa 'yo, iisipin kong nagseselos ka, e. Pero hindi, e. At hindi ko alam kung ano ang tawag riyan sa emosyon na pinapakita mo sa 'kin ngayon." Nanggigigil na dinuro ko ang dibdib niya, sa tapat ng puso niya. "Ang unfair nito, Redd. Ang unfair mo at ang unfair din nito. Kung pwede ko nga lang ilabas 'yang puso mo at halukayin kung anong emosyon ang nararamdaman mo sa mga oras na ito ay ginawa ko na, e. '

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD