REDDELLION STONE Pinakiramdaman ko kung nasa labas pa ba sila. Nang wala na akong marinig ay bahagya kong binuksan ang pintuan ng silid ko para sumilip. Napabuga ako ng hangin ng makita ko na wala ng tao sa sala. Lumabas ako at pasalampak na umupo sa sala. Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko ay tumunog ang buzzer kaya tumayo ako. I first looked at the monitor to see who was outside. It was Levi. I opened the door and let him in. "Nakaalis na ba siya?" tanong ko. "Yes, boss." Kumunot ang noo ko dahil nakatakip ang isang kamay niya sa kanyang ilong. "Ano'ng nanyari sa 'yo?" takang tanong ko. "Napalaban ako, boss." Tinanggal niya ang kamay sa ilong niya at nakita ko ang bahid ng dugo sa kanyang ilong. Bigla akong nag-alala kay Lihann dahil sa sinabi nito. At kung napalaban ito,

