Episode 1
Nag mamadaling umakyat si Stephie sa hagdanan. Para sana iwasan ang kanyang Ina. Pero sinundan pala siya nito patungo sa kanyang kwarto.
Anak, hindi pa tayo tapos mag usap"! wika pa ni Luisa sa kanyang nag iisang anak.
Ma, hindi naman po ako tutol sa gusto nyo na mag asawa kayo ulit ' pero bakit po pati ang desisyon ko pina kikialaman nya? sabi pa nya na masama ang loob.
Steph, anak magiging membro na sya ng pamilya natin. magiging daddy muna sya. Ayaw mo nun may matatawag kanang daddy. Malumanay pang wika ni Luisa sa kanyang anak.
Napabuntong hininga si Stephie. Oo pangarap nya na may matatawag siyang papa o Tatay, pero noon pa yon. Noong hindi pa kompleto ang isip at pagkatao nya. Ngayon nasa tamang edad na sya dun nya na realized na mabubuhay ka pala talaga kahit na wala kang ama sa tabi. Napabuntong hininga siya at bumaling ng tingin sa kanyang Ina.
Please anak, sundin nalang natin ang gusto nya, at tsaka siya ang nag offer nun hindi ako. Para naman daw maging magkalapit kayo ng anak nya. Dun din daw kase nag aaral. Latinya pa ng kanyang Ina.
Muli siyang napabuntong hininga. Ito naman sya, kailangan na naman niyang makikisama sa mga tao. Sa totoo lang talaga nag sasawa na siya sa mga ibat ibang ugali ng mga Tao na kanyang nasasalamuha noon paman. Palagi nalang siya yumuyoko para sa mga Tao. Nag sasawa na siya sa buhay na maliit lang ang tingin ng mga Tao sa kanila dahil sa mahirap lamang sila.
Pag isipan ko pa ma, mahinahon pa n'yang sagot.
Sige nak' dapat bukas may sagot kana ha'? nakangiti pang wika ng kanyang Ina.
Opo, mag papahinga na po ako ma. sabi pa nya kasabay ang paghiga sa kama nag desisyon siyang tumagilid sa pag higa para dina na sya muling kulitin ng kanyang Ina. Rinig pa n'yang napabuntong hininga din ang kanyang Ina bago siya iniwan nito sa kanyang silid.
Sige na aalis na ako, matulog ka nang maaga. Paalam pa nito sa kanya.
Pagka ilang sandali pa ay narinig na n'yang nag serado na ang kanyang pintuan.
Kaya mabilis siyang napabangon sa kama at umupo. Gusto nya sanang sumigaw pero hindi nya magawa. Kaya nag pipigil na lamang siya sa sama ng kanyang kalooban. Ayaw nya naman ipakita nya sa kanyang Ina ang pagtutol nya na mag asawa ulit ito. Pero baka mag damdam din ito kanya.
Kaya muli nalang siyang humiga sa kama at nag isip kung ano dapat ang kanyang gagawin.
Dahil malalim ang kanyang iniisip, hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya.
Kinabukasan ay napag pasyahan nyang umalis muna sa bahay at magtungo sa kanyang kaibigan para mag tambay saglit.
Bhe, bakit ayaw mong tanggapin ang offer ng magiging stepdad mo. eh sabi mo nga napakayaman nun. sabi pa ni Janice sa kanya.
Ayaw ko nga bhe, baka isipin nun piniperahan lang namin sya. At ano kaya ang iisipin nang anak ni Tito Bernard. Gold digger kami ni mama? sabi pa nya sabay inum ng juice na nasa baso.
Kaya nga, oras na para kilalanin mo na ang feature step brother mo. malay mo mabait pala sya. Ikaw naman bhe inuunahan muna kase ang mga bagay na wala kapang kasigaraduhan. muli pang wika ni Janice.
Saglit pa siyang natigilan, may tama din naman si Janice. Dapat na bang tumigil na siya sa kakaiwas.
Sa tuwing may family dinner ay hindi siya sumisipot at kapag may family outing ay dina dahilan pa nya na may mga importante siyang project at kailangan ng ipasa within a week. Iniiwasan nyang magtagpo ang landas nila ng kanyang magiging step brother. Baka hindi totoong maganda ang ugali nun at katulad nya baka napipilitan lamang din ito at nag sunod sunuran nalang sa gusto ng daddy nito. Natatakot siyang dedmahin siya at ipapahiya sa harapan ng mga tao. Iyon ang ayaw nya ulit maranasan sa kanyang buhay.
Malalim pa siyang napabuntong hininga.
Oy sa subrang lalim nun, buti at nakalutang kapa. natatawang wika pa ni Janice sa kanya.
Huh"? may sinasabi ka? nagtatakang tanong pa nya sa kanyang kaibigan.
Mas lalo pa itong natawa dahil sa kanyang sinabi.
Bakit ba pinu-problema mo yan bhe. Hayaan mo na lang sila sa mga plano nila. enjoy your life as a teenage. seryoso pang wika ng kanyang kaibigan.
Tama ka, kung yon ang gusto ni Mama wala naman din ako magagawa. Pipilitin parin nya ako na mag transfer sa ibang paaralan kahit 'hindi ang sagot ko sa kanya. Anya sabay tayo.
Oh, saan kana pupunta niyan.? nagtatakang tanong pa ni Janice sa kanya.
Uuwi na, kaysa buong araw kung iiwasan si Mama. Ibigay ko na sa kanya ang hinihintay nyang sagot ko. wika pa nya sabay halik sa pisngi ng kanyang kaibigan.
You should thanks me , dahil sakin nagkaroon ka ng idea. nakangiti pa nitong sabi sa kanya.
Oo na, salamat sayo. kaibigan nga talaga kita. sige na bye" Sabi pa nya kasabay ang pag lalakad patungo sa pinto ng sala.
Pagkarating nya sa bahay ay naabutan pa nya ang kanyang Ina na abala sa pagluluto para sa tanghalian.
Nang napansin siyang kakapasok lang sa kusina ay agad itong lumingon sa kanyang deriksyon at magiliw na ngumiti.
"Dumating kana pala, nag luto na ako ng tanghalian natin, dinamihan kuna, para mamayang hapunan may uulamin ka. Hindi kase ako kakain dito, may dinner date kami ni Tito Bernard mo. malumanay pa nitong sabi sa kanya.
"okay ma, aakyat lang po ako sa taas para mag palit ng damit. sabi pa nya, hindi na nya hinintay pa na sumagot ang kanyang Ina. Ang totoo kinakabahan siya sa isa sagot nya sa gusto ng kanyang Ina.