HER POV
"Ilang araw ko ng napapansin na ang tamlay tamlay at malayo ang iniisip mo, may problema ba Margo?" bungat ni Ate Bebang na tiyak niyang kagagaling lang matapos manahi dahil may suot suot pa itong tape measure sa leeg.
Kasalukuyan kasi siyang nasa veranda ng maliit na bahay ni Aling Bebang.Pagkatapos niyang magwalis ng bakuran ay naisipan niyang mapaupo sa kawayang upuan at tanawin ang labas ng bakuran na isang malawak basketbol court kung saan may mangilan-ngilang binatilyong nagbabasketbolan.
Malayo-layo rin sa kanilang bahay ang lugar kung nasaan siya ngayon.Tatlong araw na ang nagdaan buhat ng dumating at tumuloy siya kay Ate Bebang na siyang supplier niya sa mga tinitinda niyang RTWs na ito mismo ang tumatahi.
Lahat na nga ng finished products ni Ate Bebang ay nasubukan niya ng ibinta at lahat naman ng iyon ay laging sold out. Hindi lamang sila naging mabuting magkatandem sa negosyo kung hindi ay naging kagaanan niya ng loob si Ate Bebang na handang nakikinig sa kanyang mga hinaing sa buhay.
Kahit pa tanggap niya na ang kanyang kapalaran na itaguyod ang pamilya lalo ang pangangailangan ng dalawang nakababatang kapatid ay dumarating pa rin sa kanya ang panghinaan siya ng loob lalo na kung mahina ang kanyang benta at sunod sunod na mga deadlines at projects sa eskuwela na hindi niya matugunan agad-agad.
Palaging nariyan nga si Ate Bebang na hindi nagsasawang pautangin siya at madalas nga hindi na nito pinapabayaran kaya nga sobrang laki ng utang na loob niya dito.Mas nariyan nga palagi si Ate Bebang sa kanya kaysa kay Donna dahil madalas wala sa bahay nila ang beshywapz niya.
Isang matandang dalaga si Ate Bebang at nag-iisa na lang sa buhay. Ang dalawa nitong mga pamangkin sa nag-iisa nitong kapatid na lalake na pitong taon ng yumao ay masaya ng namumuhay sa America at may kanya-kanya na ring pamilya.
Si Ate Bebang ang nagtaguyod na makapagtapos ng pag-aaral ang mga pamangkin. Kahit hinimok na ito ng mga pamangkin na manirahan na sa America ay mas pinili nitong mamuhay ng mag-isa dito sa Pilipinas. Hindi na rin nito naisip na mag-asawa pa.
Sa edad nitong 38 ay mas inabala nito ang sarili sa pananahi at mamuhay ng payak at simple. Kay Ate Bebang niya nakikita at nahahalintulad ang kanyang sarili na mas gugustuhin pa ang kapakanan ng mahal sa buhay kaysa sa pansariling kaligayahan.
Tumikhim siya bago napilitang sagutin ang Ate Bebang niyang hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanya. Kung hindi niya bibigyang kasagutan ito ay tiyak niyang hindi siya nito titigilan.Mabuti na lang noong unang araw na dumating siya dito ay hindi ito nag-usisa ng kung ano ano sa kanya.
Marahil siguro ay hinintay lang nitong gumaling siya.Pagkauwi niya kasi sa bahay ni Ate Bebang ay naginginig na siya sa sobrang taas ng lagnat niya. Imbes na usisain at kagalitan siya nito ay inasikaso at inalaagan siya nito hanggang siya ay gumaling.
"Ah..eh...hmp... ikaw pa-la te, uhmn... tapos na ba ang tahiin mo te? gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" panimula niya na pilit na pinapagaan ang atmospera sa pagitan nilang dalawa.
"Hoy, Margo, kilala kita!Huwag mong ibahin ang usapan, ano ba ang naging dahilan kung bakit bigla biglaang narito ka sa bahay ko at wala sa inyo, nag-away ba kayo ng inay at tiyuhin mo? Aba'y sa susunod na araw na ang graduation mo, magkuwento ka nga?" mahaba nitong sabi.
"Ah ehm... parang ganoon na nga te!" tipid niyang turan dahil hindi niya alam kung saan at paano sisimulan ang pagkukuwento ng mga nangyari sa buhay niya nitong huling mga araw.
"Anong ganoon na nga? Kilala kita hindi ka paparito kung wala kang problema, aber sige na huwag ka ng mahiya, sige na sabihin muna sa akin, Margo," hirit pa nito.
"Kasi ate, nakakahiya," tugon niya pa.
"Alam mo naman na kahit kailan hindi ka sa akin nakarinig ng pangungutya!" nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at tumabi sa kanya.
"Ate, nakaggawa ako ng isang bagay na pinagsisihan ko na," panimula niya.
"Kung ano man iyan Margo, hindi muna maibabalik pa ang nakaraan, nadapa ka man huwag mong hahayaan na kainin ka pababa ng pagsisisi mo habang buhay, tumayo ka matuto ka sa pagkakamali mo," payo pa nito na tinapik tapik pa ang kanyang balikat.
"May maganda pa kayang kinabukasan na naghihintay sa akin ate? Buong buhay puro na lang pasakit ang dinaranas ko, kailan kaya matatapos ang paghihirap ko ate?" biglang tulo ng kanyang mga luha niya.
"Margo, ngayon ka pa ba susuko? Sa susunod na araw na ang graduation mo, makakahanap ka ng magandang trabaho, unti-unti mo ng matutupad ang mga pangarap mo sa buhay!" pagpapalakas ng loob niya na sabi pa nito.
"Eh, paano ko pa magagawa iyon ate hindi ko pa nga naaabot ang pangarap ko ay may harang na at tila ayaw ng tadhanang sumaya ako?" dagdag niyang anas.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa Margo, mga pagsubok lamang iyang pinagdadaanan mo ngayon, lilipas lang din iyan, ano ka bang bata ka? dapat nga ay magdiwang na tayo hindi biro ang mga pinagdaanan mo bago ka makapagtapos, hindi ba kapag walang tiyaga walang nilaga?" kumbinsi pa nito sa kanya.
"Oo naman ate, naniniwala naman ako sa sinabi mo pero seryoso ate, iba talaga ito ngayon, grabeng katangahan ang naggawa ko dahil sa pinagkanonolo a-ko...," hindi niya natapos ang sasabihin ng si ate Bebang niya na mismo ang tumapos ng kanyang pahayag.
"Alam ko na iyan pinagkanonolo ka ng magaling mong tiyuhin at ito naman ang ulirang mong ina, sunod-sunuran sa gusto ng asawa niya, kaya nga wala ako nag-asawa eh, kasi tayong mga babae nadadala at naiilong lang ng mga lalake,huh!" biglang tayo pa nito sa harap niya at malakas na nagtatalak.
"Kalma lang te, pamilya ko pa rin sila kahit papaano, mahal ko sila!" tugon niya pa.
"Eh, pamilya ba ang turing sa iyo nila?eh, simula't sapul pinagsisilbihan muna sila ikaw pa ang kinakawawa nila," katwiran pa nito.
"Oo naman te, kaso lang gipit lang talaga si tiyo kaya niya naggawa iyon!" giit niya.
"Ang magnakaw ng salapi ng boss niya? at ipangpusta sa sugal?naku, naman Margo matino ba iyon?" supalpal pa sa kanya ng katotohanan ni Ate Bebang.
"Bakit mo alam te?" nahihiwagaan niyang alam.
"Bago ka pa dumating dito ay nanggaling lang naman ang inay mo dito at hinahanap ka, kinuwento nga nito na umalis ka ng bahay ninyo at sinabi din nito ang dahilan," bulalas pa nito.
"Siyanga? Ano pong sinabi ninyo sa kanya te?" kuryoso niyang tanong.
"Siyempre sinabi kong wala ka at nagbasakali pa itomg humiram ng salapi sa akin na tinanggihan ko naman dahil wala naman akong three hundred thousand, naku, dapat hindi tinutulungan ang tulad ng tiyuhin mo Margo dapat pagdusahan niya ang kasalanan niya hindi tamang gagawin ka niyang pambayad utang," mahaba nitong paliwanag.
"Pero ate paano na ang mga kapatid ko at si inay kung makukulong ang tiyuhin ko? Hindi ko naman makakaya sa sarili ko na tikisin sila!" katwiran niya.
"So ano ang plano mo Margo? Papayag ka na? Na gawing pambayad utang sa amo nito? Sasayangin mo ang buhay mo, ang kinabukasan mo na imbes makakapagtapos ka na ng pag-aaral at puwede ka namang kumita ng mas malaki laki at mabubuhay muna ang mga kapatid mo pati na rin ang inay mo? " apila pa nito sa kanya.
"Ate wala na dapat akong protektahan sa sarili ko dahil ako mismo ang sumira sa sarili kaya puwede ko ng ilako ang sarili sa iba, para sa ikakabuti at ikakaayos ng pamilya ko te, gagawin ko!" hindi niya kayang kimkimin ang nasa saloobin niya.
"Ano ang ibig sabihin mo Margo?" nalilito nitong sabi.
"Nakipag-one night stand po ako sa lalakeng hindi ko kilala sa bar, naisuko ko na po ang aking pagkakababae ate, hindi lang minsan, maraming beses ate sa buong magdamag kaya ko ng isakripisyo ang aking sarili," deretsa niyang turan.
"Hahhh? Ganyan lang ba kababaw ang tingin mo sa sarili mo Margo? Hindi ibig sabihin na hindi ka na malinis dahil sa isang pagkakamali ay puwede munang ulitin muli ito, maling-mali ang katwiran mo!" giit pa nito.
"Buo na ang loob ko ate, babalik na ako sa bahay bukas, pagkatapos ng graduation ko ay handa na akong harapin ang boss ni tiyo, bahala na po kung ano ang susunod na mangyayari," may diin niyang sabi.
"Haisssst, Margo, hmppp... hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin sa iyo upang mapigilan ka lang sa baluktot mong paniniwala, wala din akong three hundred thousand, sa pagkakataong ito hindi na kita matutulungan..huhu," sabi nito at inakap siya nito ng mahigpit.
Kapwa sila nag-iyakan ng ate Bebang niya. Ibinuhos niya lahat ng hinagpis at pag-alala niya sa nabuo niyang desisyon.Bumulong siya ng panalangin habang humuhugot ng lakas na nakayakap kay ate Bebang na sana'y magiging maayos na rin ang lahat sa pagsunod niya sa kanyang tiyuhin at inay.