HER HURTFUL POV
"Congratulations dear graduates, soar high and hit your wagon to a star," huling katagang binitawan ng guest speaker bago ito bumaba ng entablado at masigabong palakpakan ang pumaibabaw sa loob ng auditorium kung saan ginaganap ang pagtatapos nila ng hindi baba sa isang daang estudyanteng kumuha ng 2-year courses at isa na nga siya doon.
Kung ganoon lang sana kadali solusyunan ang problema niya na hindi na kailangan pang maging alanganin ang kinabukasan niya, ay siya na siguro ang pinakamasayang estudyanteng magtatapos ngayon.Ngunit, kabaligtaran ang lahat dahil ito na yata ang pinakamapait na tagumpay para sa kanya.
Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Ate Bebang ay napagdesisyunan niyang umuwi na sa kanila at tanggapin na suhestiyun ng ina at amain na maging pambayad utang sa amo ng tiyuhin niya. Wala ng dapat pang protektahan sa kanyang pagkatao dahil naibigay niya na ang iniingatang dangal kung may natitira man sa kanya ngayon ay iyong pagmamahal niya sa kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga nakakabatang kapatid.
Hindi niya maatim na mawalan ng ama ang kanyang mga kapatid. Hindi biro ang dinanas niyang lumaking walang tunay na ama na umaaruga sa kanya dahil naranasan niya iyon. Iba pa rin ang kalinga ng kadugo at totoong ama. Hindi niya gugustuhin na maranasan iyon ng mga kapatid niya kahit malalaki na ang mga ito ay kailangan pa rin ng mga ito ang kalinga at gabay ng ama nila.
Hindi na bale siya ang magdusa kaysa ang mga kapatid niya.Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Masasaktan siya ng lubos kung isa man lang sa kanila ang mapahamak. Kahit nasa puder siya ni Ate Bebang ng halos tatlong araw upang magpalipas ng sama ng loob at pagkalito ay hindi nawawala sa isipan niya ang kanyang pamilya.
Isang beses lang siya nawala sa sarili niya noong nagpakaunod siya sa alak kasama ang estrangherong lalake.Kaya't ipinapangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya tutuntong muli sa bar at maskin titikim lang ng alak. Siya mismo ang masisisi sa nangyari sa kanya wala ng iba pa. Kung naging matatag lang sana siya sa kanyang emosyon ay hindi niya maiwawala ang kanyang pagkadalisay.
Nangyari na ang nangyari. Hindi na maibabalik pa ang nawala na. Kasama ng mapait niyang pagtatapos ngayon ay ibabaon niya na sa limot ang nangyari sa kanya. Bukas ibang tao na siya. Mas matatag kahit pa man may mag-aari na sa kanya hindi doon matatapos ang yugto ng buhay niya.
Hindi niya alam ano ang kinbukasan na mayroon siya pagkatapos ng araw na ito. Bukas ng gabi kasi ang palugit na ibinigay ng boss ng tiyuhin niya at bukas nga ang nakatakdang pagkikita nila
ng amo ng amai niya. Kung puwede pang pakiusapan ito na pagtratrabahuan niya na lang ang utang ng amain niya hanggang mabayaran niya ang halagang three hundred thousand ay gagawin niya.
Hindi bale na wala siyang sahod na matatanggap basta't hindi lang maging babae o parausahan ng amo ng amain niya ayon pa sa kanyang pagkakaintindi kaya't naggawa niyang magpakalunod sa alak dahil sa sama ng loob at magpatangay sa kapusukan ng tawag ng laman.
Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga mata gamit ang panyong iniabot sa kanya ng katabi ninyang gumagradweyt din ngayon. Ginantihan niya lang ito ng tipid ng ngiti dahil tila hindi nauubos ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.
Hindi naman nag-usisa pa ang mga katabi niya sa magkabilaang panig ng inuukupa niyang upuan. Siguro ang pagkakaintindi nito ay lumuluha siya dahil sa matinding kagalakan na sa wakas ay natapos din siya sa pag-aaral. Hindi kasi iba sa kanila ang kalagayan niya na todo kayod at self-supporting siya sa kanyang pag-aaral.
Natapos ang programa ng kanilang graduation rites ng ang iba pa ay hindi niya na alintana. Basta't ng tinanggap niya na ang kanyang diploma ay mangiyak-ngiyak pa rin siya. Nagpalinga-linga pa nga siya mula sa likuran kung dumalo ba ang kanyang pamilya.
Tanging nakangiting mga mukha lang ni Jerry at Angel na kumaway sa kanya ang kanyang nasilayan. Tinotoo nga ng ina at amain niya na hindi ito dadalo sa kanyang graduation dahil sa paglalayas niya, may tampo pa rin ito sa kanya. Saka na lang daw siya kakausapin ng mga ito kung tutupad siya sa usapan nila na makikipagkita sa boss ng tiyuhin niya at makikipagkasundo dito na siya ang gagawing pambayad utang.
Sinalubong siya ng mga kapatid pagbaba niya ng entablado pagkatanggap niya ng kanyang diploma.Niyakap siya ng mga ito at nakipagselfie ito sa kanya. Kahit kapos siya ay naggawa niya pang bilhan si Jerry ng pinaglumaan na cellphone sa isa niyang customer na siyang ginagamit nito sa pag-aaral.
Si Angel ay napangakuan niyang bibilhan niya ng bagong cellphone kung makakasuweldo na siya kapag nakahanap na siya agad ng trabaho ngunit mukhang malabo na iyon pang mangyari. Pero alam niyang maiintindihan naman siya ng bunsong kapatid.
Nagpapasalamat sa Diyos dahil naimpluwensiyahan niyang maging mabubuting tao ang mga kapatid. Ni minsan hindi siya o ang ina o tiyuhin niya na napatawag sa school dahil sa kabalastugan. Sa awa ng Diyos ay masisipag naman mag-aral ang mga kapatid niya.
Si Jerry ay palaging with honors sa klase at si Angel naman ay with high honors. Hindi nga nasasayang ang tulong na binibigay niya sa mga kapatid niya. Kaya't lage siyang inspired na magtrabaho pa at kumayod pa ng maige para sa mga kapatid.
"Congratulations, ate, sa wakas ay tapos ka na, masayang- masaya kami para sa iyo ate," bati pa ni Jerry sa kanya pagkatapos nilang magselfie tatlo.
"Ate, hindi ba tayo magcecelebrate ngayon dapat kumain naman tayo sa labas?" excited na usisa ni Angel.
"Hoy, Angel, hindi mo ba alam na walang pera si ate Margo ngayon, saka na lang iyang kain kain sa labas, mabuti pa ate tumuloy na lang tayo sa simbahan bago tayo umuwi sa bahay," suhestiyon pa ni Jerry sa kanilang dalawa.
"Sinong nagsabi wala akong pera ngayon? May perang panglibre si ate ninyo ngayon, hindi ba't nawala ako ng tatlong araw siyempre dumiskarte na ang ate ninyo!" sabat niya sa dalawa.
"Yehey! Sabi ko na eh! Magaling dumiskarte si ate, bilib na talaga ako sa iyo ate, my idol ate... hehehe," hindi magkamayaw na tili ni Angel.
"Ate Margo saan ka naman dumiskarte ng pera? Mabuti pa itago mo na lang ang perang gagastahin mo ngayon ate, busog pa naman kami Angel," pigil sa kanya ni Jerry.
"Huwag kang mag-alala Jerry galing kay ate Bebang ang ipanglilibre ko sa inyo, binigyan niya ako ng graduation gift kaya't magcecebrate tayo ngayon!" sabi niya pa.
"Talaga ate! Sige ba! saan naman tayo kakain ate?" ganti nito.
"Ate Margo gusto ko sa Jollibee tayo kakain, miss ko na kumain ng spaghetti at chicken joy atsaka mcfloat," pahayag naman ni Angel.
"Hoy, napakademanding muna man bunso, ang mahal kaya ng mga pagkain sa Jollibee, huwag doon mabuti pa sa carinderia na lang malapit sa atin mas tipid pa!" mungkahi ni Jerry.
"Oooops, dahil graduation ko ngayon, kakain naman tayo ng bongga dadalhin ko kayo sa kamayan iyon bang inasal na chicken na may bonggang sauce at unli rice, gusto ninyo iyon?"sabi niya pa sa dalawa.
"Gusto ko iyan ate," sabay na sabi ng dalawa.
"O sige na tayo na at mukhang gutom na ako, hehehe," turan niya sa mga kapatid.
Kumain nga silang tatlo sa kamayan na may mga ngiti sa labi. Isasantabi niya muna ang pait at pansamantala niyang ikukubli niya sa mga kapatid ang katotohanang bilang na ang mga oras na makakasama niya ang mga kapatid.
Siya mismo kasi ang nagsabi sa ina at tiyuhin na esekreto sa mga kapatid ang napagkasunduan nila. Ang ipapalaam niya sa mga ito bukas ng gabi ay natanggap siya sa isang kumpanya ngunit madedestino siya sa malayong lugar.Bahala na na siya na lang ang magdusa at sarilinin ang problema kaysa madamay pa ang mga kapatid.
Proprotekhanan niya palagi ang mga kapatid upang makapamuhay at makapag-aral ang mga ito ng normal.