HER BRAVEST POV
"Tiyong, nay, handa na po ako!" ang sabi niya pagkalabas ng kanyang maliit na silid.
Nagsuot lang siya ng mahabang tokong na itim at maluwag na puting blusa na karaniwan niya ng sinusuot. Hindi na kailangan pang magpaganda at magbihis ng bonggang-bongga dahil makikipagkita lang naman siya sa amo ng tiyuhin niya upang ilako ang sarili upang maging pambayad utang sa perang pinusta at itinalo nito sa sugal.
"Bakit ganyan naman ang ayos mo Margo, paano ka magugustuhan ng boss ko niyan para kang manang sa damit mo!" angal pa sa kanya ng tiyo Manuel niya.
"Oo nga anak, palitan mo naman ng medyo kita ang konting balat mo," suhestiyon pa ng inay Salve niya.
"Nay, hindi naman sa kabaret ang punta natin, makikipagkita at makikipag-usap po tayo sa opisina ng boss ni tiyo Manuel, hindi pa nga tayo sigurado kung tatanggapin ako nito bilang kabayaran sa perang winaldas ni tiyong Manuel," katwiran niya.
"Kaya nga Margo, kailangan mong magpaganda at magsuot ng sexy para naman magustuhan ka kaagad ng boss ng tiyo mo," agad nitong sabat sa kanya.
"Inay, alam ninyo naman na wala akong mga damit na ganyan at isa pa hindi ko hilig magsuot ng mga sexy," inis na sabi niya dahil sa isip-isip niya, hindi na siya uulit, minsan na siyang napahamak ng sumunod siya sa susog sa kanya ni Donna.
"Putsa! Ano ka ba naman Margo, akala ko ba tutupad ka na sa usapan natin na tutulungan mo kami malutas natin ang problemang ito, ano naman ang kagagahan ang iyang ginagawa mo, mag-isip ka naman!" pagalit na sabi ng tiyong Manuel niya.
"Tiyong, hayaan ninyo na ako sa suot ko, hindi naman ibig sabihin na pumapayag na ako maging pambayad utang ay puwede ninyo na pakialaman pati kasuotan ko," pigil niya sa gusto nito dahil positibo pa rin siyang magagawan niyang lusutan ang ikinasasadlakang suliranin.
Pagkatapos kasi nilang kumain magkakapatid sa kamayan kagabi ay dumeretso sila sa simbahan upang manalangin at magpasalamat. Kagabi niya napagtanto ang lahat na hindi dapat siya malugmok ng tuluyan at mawalan ng pag-asa.
May pag-asa pa naman na manindigan siya sa kung ano ang nararapat at tuwid na solusyon. Pakikiusapan niya ang boss ng tiyuhin na pagtratrabahuan niya na lang ang utang ng tiyuhin ng libre total nakapagtapos naman siya ng secretarial course puwede niyang imungkahing gagawin siya nitong secretary nito sa opisina at sisiguraduhin niyang gagawin niya ng maayos ang trabaho niya upang maging kapakipakinabang naman dito.
Puwede naman siyang magside line pa rin ng pagtitinda ng kahit ano ano kung wala siyang trabaho para makatulong pa rin siya kahit papano sa gastusin ng pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Positibo siyang pakikinggan siya ng boss ng tiyuhin niya.Palagay niya'y hindi siya papatulan ng boss nito dahil tiyak niyang mga sexy at mayayamang babae ang tipo nito sa yaman ba naman ng kaya ng boss ng tiyuhin niya.
"Ate, saan ang punta ninyo? Mukhang pare-pareho kayong nakabihis nina inaynat itay!" sabat naman ni Angel mula galing sa labas ng bahay.
"Oi Angel, saan ka nanggaling? Kababaeng tao gabi nasa kalsada pa rin!" saway ng inay Salve niya.
"Ang nanay naman, bumili lang po ako ng colored paper at paste sa tindahan para sa proyekto namin," katwiran pa nito.
"Si Jerry asan pala?" tanong ng tiyuhin niya.
"Nandito po ako itay!" agap ni Jerry na mula sa pinto ng likuran ng bahay nanggaling na pawisan mukhang nanggaling sa paglalaro ng basketball.
"Mabuti at nandito na kayo, aalis muna kami ng inay at ate Margo ninyo, ipapasok ko lang si Margo sa pinagtratrabuhaan kong opisina, ngayon oras lang kasi libre si boss, kaya umayos kayo dito habang wala kami," pahayag pa ng tiyong Manuel niya.
"Talaga ate, magtratrabaho ka na! Yehey! Mabibilhan na ako ni ate ng bagong cellphone....neeh! Luge ka sa akin kuya, magkakaroon na ako ng bagong cellphone," pagmamayabang pa ni Angel.
"Hoy,bunso, mag-aaply pa ng trabaho si ate Margo, hindi pa magsusuweldo, kaya tumigil ka muna sa pagmamayabang, excited?" kontra ni Jerry.
"Pasasaan ba ay makakatrabaho din si Ate Margo ninyo, okay?kaya magsipag na kayo sa pag-aaral, puwede ba iyon,huh!nay, tiyong, lumakad na po tayo, gagabihin na talaga tayo sa daan nito!" awat niya sa dalawa.
Siya na mismo ang umiwas na humaba pa ang kuwentuhan nila kasama ang mga nakababatang kapatid niya. Walang alam ang mga ito sa pinagkasunduan nila ng inay Salve niya at tiyong Manuel.Mga bata pa ang mga ito upang isama niya sa gulo at komplikadong sitwasyon na susuongin niya.
"O sige na, initin ninyo na lang ang pagkain na niluto ng ate Margo ninyo, huwag ninyo na kaming hintayin matulog na kayo ng maaga may pasok pa kayo bukas," paalala ng inay Salve niya dahil nauna ng lumabas ng pinto ang tiyong Manuel niya.
Humalik muna ang mga kapatid niya sa inay Salve niya at pati na rin sa kanya. Mabuti na lang dumating ang mga kapatid niya at naiba ang usapan at hindi na siya napilit ng inay at tiyuhin niya na magpalit ng kasuotan. Mas komportable kasi siya sa suot niya ngayon kaysa magpalit pa ng ibang damit.
Ang usapan nila ng tiyuhin niya ay sa mismong tahanan ng boss niya ang punta nila.Hindi sa opisina nito dahil baka makatawag pansin pa sila sa mga empleyado doon na siya namang sinang-ayunan niya.Gusto niyang umiwas sa anumang eskandalo o gulo, kung puwede lang na maisekreto lang ang pag-uusap ng boss ng tiyuhin niya ay mas mainam.
Pasado alas siyete na ng gabi at alas otso ang napag-usapan ng tiyuhin niya at boss nito na magkikita kaya may ilang minuto pa ang nalalabi upang hindi sila mahuli sa usapan.Bagamat hindi pa alam daw ng boss ng tiyuhin niya na siya ang ipangbabayad ay sinabi na daw ng tiyong Manuel niya dito na may ipangbabayad na ito kaya't pumayag itong makipagkita pa ngayon at sa mismo bahay pa nito.
Bagamat atubili at kabado siya ay hindi niya pinahalata sa mga magulang niya.Malayo- layo na rin ang nilakad nila palabas ng kalye nila bago dumaan ang jeep papuntang sentro ng bayan kung saan sasakay na naman daw ng tricycle papunta sa bahay ng sinasabing boss ng tiyuhin niya.
Habang lulan ng jeep ay nag-usal siya ng panala gin naway gabayan sila ng Maykapal lalong-lalo na siya na makumbinse niya ang boss ng tiyuhin niya na pumayag sa namumuong plano niyang pakiusap dito. Naway may mabuti itong kalooban at maintindihan ang sitwasyon niya at ng buo niyang pamilya.Kung kinakailangan makiusap at luluhod siya dito ay gagawin niya upang hindi lang siya tuluyang maging pambayad utang sa paraang gusto ng amain niya.